Saturday, October 6, 2012

Twitter Gifts

 It's been more than 2 years since I created my twitter account. Masasabi kong nag-enjoy at nageenjoy ako sa pag-gamit ng social network na itech. Its so useful! Aside that it is a source of information (and chismis) and a good communication tool, Twitter has given me much more. 

Twitter has given me some of the precious gift life can offer, FRIENDS (and more than "Friends". Wag na magulo kse.) And this blog is not about Twitter. This post would be about the two of the many friends I've come to know thankfully to this social media.

First it my "Kuya". Kuya Real. He goes by the username @Shagamy on twitter and the author of one of the blogs I follow "Stochastic Shagamy". We came by each other kse nabasa nya yung isa sa mga sinauna kong post and he twitted about it. From there, nagfollow at follow back na. He is a smart person, that I can surely say. I think that's what attracted me to get to know him better. Well katulad ko madaldal haha and good listener too! He is someone i can share my troubles with. Yung tipong may masabihan lang ako. I can run to him.
The Second one, well he started to be my Babyboi but eventually became the Boss Fred. We came by naman ng biglang may cute na nagFollow sken on twitter. Eh since cute, super follow-back ang bading! haha. Pero at first hindi pa kami masyado nagkakausap nun. Wala kse pa masyadong somethig in common. He was young and I was, well he was younger (Age doesn't matter right?). Its was not after several months dahil sa sulsol ng Team Plastic (our other friends) na bagay daw kami ganto ganyan, that we started to constantly communicated with each other. Nagpadala talaga ako sa sulsol kse gwapo nga sa paningin ko eh. Arte ko dba! Kelangan pa ng sulsol! haha. From then on, we became good friends, close friends. We discovered things about each other that we never knew would complement each other pla. We've been through a lot. Ups and downs, highs and lows, in the air and at the sea, on the mountains and beaches, North and South...of Luzon haha. Many have come and go, but we are still here beside each other.
So to this two precious gifts twitter gave me. HAPPY BIRTHDAY!
        
So I'm wishing for the two of you. Kelangan?!
To you Kuya, Peace of Mind. With a lot of things going on with the family, work, relationship, and other things and people around you. Actually I'm not updated na nga with what's going on with you so lets catch up sometime soon huh. Very soon! And go for a vacation. Ipush mo na yan! (UPDATED: We just had our little catching up time, pero bitin on bonding aspect. So bonding soon!)

And to you Boss. Matupad sana ang mga wish mo. Madami pa dapat iaccomplish and I hope magawa mo lahat ng yun. I just want you to be happy. Alam mo naman yan. One more school year and you'll be entering na new chapter ng life mo, so I'll be happy to see and watch you transform and mature. Madami pa akong wish for you, kaso baka bawal na isulat dito at macensor ako. haha. I'll see you soon alrighty!

And for the both of you, Thank you for giving me some of the precious space in your life. And I'm happy the both of you are in mine. Mwuah!

Love lots!


Saturday, June 9, 2012

200 Hours of Summer

It's OJT time for students. He needed to complete an On-The-Job Training for 200 hour. Buti na lang sa opis eh tumatanggap ng mga OJT. Pagpasa ko ng resume nya eh puno na daw ang mga OJT slots sa HR. Sinipat ang resume sandali. Buti na lang may nakitang something kaya nirefer sya sa Marketing Department. At dun sya napunta.

Buti dun sya napunta para related sa IT ang trabaho nya. Online Marketing kse ata ang tasks doon kea may kinalaman sa IT din kahit papano ang mga trabaho.  Hindi katulad ng mga napuntang OJT sa HR, kahit ano pang course mo, bongga ang trabaho mo. UTUSAN!! Yes! uutusan ka lang ng uutusan. Magbilang at maglabel ng mga equipment sa buong company, magbuhat, magasikaso sa mga applicant, uutusan sa ibang floor atbp.

Our 200 hours of being in the same company starts. Ang dating once a month na pagkikita, naging araw-araw. Ang madalang na pagkain na magkasama ay naging bawat gabi. Ang pagsama sa kanya sa pagyosi ay naging normal na gawain na. Ang normal na araw-araw na paguusap sa txt ay naging pag-uusap na personal. 

Ang 200 hours ba pagsasamahan namin ay nadagdagan pa nang pumayag syang sumama sakin sa pag-uwi ko sa birthday ni mama ko sa Naga City. May lakad kasi kaming dalawa. Plano naming sumama sa Outreach Program sa Batad, Ifugao katulad ng ginawa namin nung nakaraang taon. Eh bigla nagrequest ang mama ko na umuwi ako ng month na yun. At sya eh nakapagpaalam na din sa knila na aalis sya ng 3 na araw. Sayang ang paalam kung hindi sya tutuloy ng alis kaya kembot na kami ng Bicol.

Naging masaya naman ang pagkembot namin sa Bicol. Ang pakilala ko sa kanya sa amin eh "barkada ko sa opis". Bakit kaOpis ko nanaman din sya ah!. hahaha Nagpunta kami sa beach kasama ang 2 ko bunsong kapatid at si mama.

Nasanay ako makasama sya ng mas madalas. Apat na linggo din kasi yun. At syempre dumating yung araw na natapos din ang OJT nya. Natural din na mamimiss ko sya. Yung personal na makasama sya. Syempre ganun prin kme. Araw-araw at mayat-maya magkausap. Pero iba prin yung personal mo kasama diba. Tuwing papasok ang ng building napapatingin ako sa "Lung Center" baka andun sya nagyoyosi. Naaalala ko sya pag 6pm na dahil yun ang oras ng dinner namin. At ang 10pm na oras ng kanyang pag-uwi na magkakape muna kami, magyoyosi at saka ko say ihahatid sa lobby ng building para sa pag-uwi.

Ambilis ko masanay noh. Nasanay agad sa 200 hours.

Thursday, February 9, 2012

CHANGE

"You change for two reasons. Either you learn enough that you want to or you’ve been hurt enough that you have to."

Yan ansaveh!

For the past few days, dalawang beses na ako nasabihan na nagbago na ako. Yung isa sabi sakin "ganyan naman maselan ka na...". Yung isa naman sabi "Nagbago ka na.". Hindi naman ako masyadong nagreact na yun sa sinabi nila. Hindi naman sa hindi ako sumasang-ayon, at medyo totoo naman. Wala lang ako sa mood para magexplain sa kanila. Well in the first place i don't owe them an explanation.

Gusto ko lang magsulat ng blog at medyo matagal-tagal na ang huli kong entry kaya eto. haha

Kaya sige, tignan nga natin kung bakit ako nagbago sa dalawang ito.

1. Our relationship changed.
Hindi na tayo tulad ng dati. Hindi na ako ang nadyan sa tabi mo, nyo pala kase dalawa kayo. :)
I-singular ko na lang ang pagsulat kse nahihirapan ako kapag nakaplural! Alam nyo naman na hindi ako salawahan, tatluhan lang! Charought! Sa isahan lang ako sanay! 

Wala na tayo sa kinatatayuan natin dati sa buhay ng isat-isa. Hindi na yung isang kibot, andyan ako sa tabi mo. Bakit? Diba may jowa ka (kayong dalawa). Sya dapat ang nandyan. At wag mo asahan na gagampanan ko pa yung eksenang yun. Ibinigay mo na sa iba ang korona, with matching cape at stick ni sailormoon. At wala akong balak maki-epal noh, lalo nat ipinapasa na sa kamara ang anti-epal bill. At hindi pa ako kasya sa bikini ni Anne Curtis para umeksena ng ubod ng sexy as Other Becky. Ganda pa lang ang merun ako, yung sexy nawala ko hinahanap ko pa.


2. I'm not in-love with you anymore.
Hindi na ako yung dati na in-love na in-love sayo. Na makasama ka lang masayang masaya na ako. Oo naman masaya pa rin naman ako pag nakakasama ka. Pero hindi ka na nakatayo sa pedestal ang tingin ko sayo ngayon. At dahil dyan, hindi na ako bulag bulagan. Hello! Andami mong flaws na dinedeadma ko lang noh. Anung petsa na! Super moved-on na moved-on na ako! 

3. Nakakasawa.

Eh sino ba namang hindi magsasawa. Alam mo na i do things just to make you happy. Ganun naman talaga ako eh. Well at least generally speaking sa mga taong in-love, gusto nilang mapasaya mga taong mahal nila. Eh kamusta ka naman. Ang hirap mong ipleased! Hindi makuntento, kung ano ano ang gusto! Ang hirap mo mag-appreciate! Daming reklamo. Hello! Teka muna, in the first place kanino bang effort yan, sayo ba? Pangalawa, wag ka magreklamo, ibinibigay lang sayo, sabihin mo kung ayaw mo or gusto mo. Ok lang naman edi akin na lang. Hindi yung andami mo pang sasabihin. Sino ba naman ang hindi magsasawa sa ganyan?

4. Wala na akong pasensya.

Honestly, mabilis na ako mapikon sayo. Kayang kaya na kita tiisin at deadmahin. I don't care much anymore. Hindi na tulad ng dami, kung ano problema mo, problema ko din. Oo naman tutulong ako kapag keri ko tumulong. Pero hindi tulad ng dati ako pa mag-iisip ng paraan. Advice na lang kapag may naisip ako, kung wala, bahala ka. Ikaw may gawa nyan eh, edi problemahin mo.

5. That me you were referring to died.

Puntahan mo sa Loyola. Haha

Yun yung dating ako. Wala na yun. Nakabaon na. Wag mo nanghanapin pa. Dahil yun yung ako na pinabayaan mo. Pinabayaan mong mawala at ipinagpalit sa iba. Hinayaan mong piliin na iwan ka kasi hindi na nya kaya ang sakit na idinudulot mo sa kanya. Yun yung taong naubos na, dahil matapos mo kunin ang lahat, ay nakuha mo pa ring lokohin.

Yun din yung taong tinanggihan mo. Inayawan mo. Hindi mo tinanggap.  hindi mo ipinaglaban. Eh bakit mo hahanapin, tinaggihan mo nga diba? Antanga mo eh.

Hindi na yun babalik. At wala akong balak pabalikin. Dahil kapag bumalik yun, kasama nun babalik ang mga multo ng kahapin. Hayaan na natin syang patay.
Madami pang pwede at mas personal na dahilan kung bakit ganto na ako sa inyo. Ewan ko ba naman kse kung bakit nagtataka pa kayo. Konting pag-iisip lang naman kse eh.
At tsaka masaya ako ngayon. At hindi kayo ang dahilan nun. Kaya wag na kayo epal dyan. You had your time, no 2nd chances. Bahala kayo dyan.

So kung susundin ang quote na nasa taas, what prompt my change? Pareho! I learned my lesson and I've been hurt enough.
*Mwuah! Plok Plok!*


Tuesday, October 25, 2011

No Other Becky

Napanood mo na siguro ang No Other Woman. Or kung hindi naman, malamang may idea ka na kung ano ang plot ng story nito. At lam mo din kung ano ang ginanapang character ng mga bidang artista. A little more than a month ago, Anne Curtis lang ang peg ko. As in the "Other Becky".

Nag-usap na din kami ni Kamahalan after almost two weeks. Medyo ok na din naman ako. Pero mabilis prin akong mairita sa kanya at medyo masakit prin noon ang pakiramdam at kaalaman  na may jowa na syang iba. Ayaw ko sanang pinagkukwentuhan namin ang chaka nyang jowa (sya nagsabi ng chaka, although sang-ayon naman ako). Kaso nung tinanong ko kung masaya ba naman sya sa relasyon nya, ang sagot nya ay HINDI. Ayun pinagkukwento ko nanaman sya kung bakit at anung balak nya. Gusto na daw nyang makipaghiwalay.

Padating na ang 1st month anniversary nila noon. Plano nilang magkita ng jowa nya. At natatakot sya kase napaOO nanaman daw sya sa plano nilang magkembular sa araw nila na yun! Sinabihan ko sya na makipagbreak na habang bago pa dumating ang araw ng pagkikita nila. Syempre nagpupuyos nanaman ako! Nyeta uunahan pa ako ng chaka! 

Sabi ni Kamahalan eh after na daw ng monthsary nila sya makikipagbreak, pero ayaw nya matuloy ang kembular! Sabi ko "edi umatras ka! tpos after nyo magkita, dalawin mo ako sa bahay". At ayun na nga ang naging plano. Nakaatras sya sa planong kembular, at mamadaliin nya ang date nila para sa piling ko naman sya kumembot.

The day came. Magkatxt kame maghapon, kahit nung time na magkasama sila. Sa Megamall sila nagkita. Naiimagine ko kung pumunta din ako sa Megamall para makasalubong sila. Nagpractice din ako pano dinedeliver ni Anne Curtis ang linya nya na "Your Wife" sabay pout ng red lips nung pinakilala ni Derek si Christine. Pero hindi na ako nagaksaya pa ng oras na pumunta pa don. I just stayed home and cooked Spaghetti para mapatikim ko sa kanya ang putahe ko. hihihi.

Natapos din agad ang date nila. At ang Kamahalan ay deretso ng punta sa aking kandungan, ay piling lang pla. Hindi pla sya kumandong. Wala naman kaming masyadong special na ginawa noon. Magkasama lang kami. Namiss lang namin ang isat-isa. Nanood ng Tv, kumain, kwentuhan at maya-maya ay naginuman ng konti. Syempre may konting sumbat galing sa akin. Hindi ko lang talaga mapigilan. Nagsosorry din naman sya.

At dahil magkasama kami noon, sinamantala ko na din. Nilinyahan ko sya.

"Shut up and kiss me. And i dare you to fall in love with me. Tsup tsup tsup"... pagkahinto ay "Moooore! tsup tsup tsup".

Naging masaya naman kami magkasama kahit bawas ang oras kasi may kahati ako. Nakihati lang ako. 

Kinabukasan nag-away sila ng jowa nya. kse etong jowa na nagdedemand ng mas mahabang time together. Hindi magets na long distance relationship nga sila. tsk tsk. Ayun, after a day or two, break-up! Eto pa ang winner, ako ang sumasagot ng txt ng jowa nya. Pinoforward saken ako ipoforward ko kay Kamahalan kng ano ang dapat isagot! Ayun, mukang ako ang nakipagbreak sa jowaers nya. 

Sa ngayon ok pa din naman kami ni Kamahalan. Ganun prin, hindi pa rin kami. Pero at least wala pa muna akong kaseselosan at kaiingitan. Walang may hawak ng title eh. At saka sabi nga naming dalawa. Kahit never kami nagkaroon ng commitment, daig ko pa ang mga naging jowa nya. Ako na si Anne Curtis. (sobrang kapal!)

Wednesday, September 7, 2011

Things left unsaid..

Sa bawat paghihiwalay ng landas madaming nabubuong katanungan. Hindi mo maiiwasan magtanong. Madaming "what if". Madaming "bakit?". Madaming "ano?". Madalas hindi ka mabibigyan ng pagkakataon na itanong mismo sa kanya ang mga katanungan ito. Maiiwan ka na lang na nagiisip. Minsan may pagkakataon ka ngang itanong, hindi mo naman kaya. Hindi ka handa. Hindi ka handa magtanong, o hindi ka handa sa kanyang kasagutan. 

Madalas din may mga bagay ka na gusto mong sabihin. Na dahil sa bugso ng emosyon nung huli nyong pag-uusap ay hindi mo nasabi. Hindi mo kasi alam kung paano sasabihin. O pinipigilan mo lang din ang sarili mong sabihin dahil magmumuka ka lang tanga. 

Pero kung matagal ka ng mukang tanga, ano pa nga ba ang mawawala sayo. Anung pride pa nga ba ang kakainin mo kung araw-araw kasama ito sa diet mo. Ako madami akong katanungan. Madami akong gustong sabihin. Hindi ko alam kung maisusulat ko sila lahat ngayon dito. Hindi ko rin alam kung mabibigyan ng mga kasagutan. Pero sana, sana mabasa nya ang mga gusto kong sabihin. (dahil MINSAN nagbabasa sya ng blogelya kez).

Mas matimbang ba talaga ako? Sinasabi mo na mas matimbang ako, pero sa kanya ka umOO. Sinabi mo lang ba yun para gumaan ang pakiramdam ko? Kung totoo kayang napilitan ka lang, magagawa mo kayang ipaglaban ako? Dahil ako ang mas matimbang, dahil ititigil mo yang sinasabi mong katangahan mo?

Bakit sya, at hindi ako? Mas nakakahigit ba talaga sya? Alam kong walang problema sa akin. Dahil sa buong pagkakakilala natin, never tayong nagkaproblema. O yun ba ang dahilan kung bakit nakaya mo akong masaktan. Na lahat ay ok lang sa pagitan natin anu man ang gawin mo. Never kang na-threatened na mawala ako. Deserving lang ba talaga kaming pareho kaya nung pumili ka, sya deserving lumigaya sa piling mo at ako ay deserving na masaktan.  

Mas napapasaya ka ba nya kesa sa kasiyahang naibibigay ko? Kelangan kong malaman dahil alam kong napapasaya kita. Madalas mo yang sinasabi sa akin lalo na kapag kakahiwalay pa lang natin galing sa pag-gala na magkasama.

Siguro kung masasagot ang mga katanungan na yan mas magiging madali sakin ang lahat. Kung malalaman kong mas nakakahigit lang talaga sya kesa sa akin. Bakit hindi ko ibibigay sayo kung ano yung mas nakakahigit at mas makakabuti sayo. Hindi yung tulad na gusto mong tanggapin ko na napilitan ka lang sa relasyon na yan.

Nung huli tayong nagkausap humihingi ka ng tawad. Ibinigay ko naman sa iyo agad yon. Pero kinailangan kong putulin muna ang lahat ng namamagitan sa atin dahil baka ikamatay ko kung hindi ko gagawin. Kelangan kong gawin kase hindi ko kayang magpanggap na ok lang. Sa simula naman yun na ang sinabi ko sayo. Ayoko ng pagpapanggap sa pagitan natin. 

Sana naramdaman mo kung gaano kita minahal. Sinasabi mo naman sa akin noon na nararamdaman mo. Sana nadama mo ng totoo. Siguro hindi tayo magiging ganun kaclose kung hindi mo ramdam. Sabi mo acceptance lang magiging ok din ako. Natawa ako noon. Alam natin pareho ano ang tinaggap ko. Ano ang mga bagay na naaccept ko na. Tapos tuturuan mo pa ako ng acceptance? haha. Sobra lang talaga ito. Hindi ganun kadali. Oo matatanggap ko din ito. Kung kelan, hindi ko alam. 

Masakit. Sobrang sakit. Kailangan kong aminin na nasasaktan ako. Kasi kung hindi, lalo lang bibigat ang pagpasan ko ng nararamdaman kong ito. Masakit kse sa araw-araw naaalala kita. Yung paggising sa umaga, txt mo una kong mababasa at sa gabi ang paalaman natin ng Goodnight. Yung tawagan natin sa isat-isa. Yung mga kanta na nagpapaalala sayo. Yung anklet na suot-suot ko na galing sayo. Iniisip ko kung mapipigtal pa ba ang anklet na yun o hindi na kasi hindi na matutupad ang wish ko nung isinuot ko iyon. Lahat yun nakakadagdag sa sakit. Ganun naman ata talaga. Yung masasayang bagay na yun ang mas nakakasakit kesa sa mismong dahilan ng lahat. Yung paghahanap sa kung ano ang nawala.

Oo bitter pa ako ngayon. Pero sana ok ka. Sana mas masaya ka sa piling nya kesa nung ako lang ang kasama mo. Para kahit papano, worth-it naman tong hirap na nararanasan ko. Pero kung hindi, tangina naman, umalis ka na dyan. Dito ka na lang. 

Sabi mo kapag ok na ako sana we can start again. Sabi ko kapag ako na lang, walang kaagaw, walang kahati, walang iba. Selfish na ba ako? Hindi ko alam kung ano mangyayari bukas sa pagitan nating dalawa. Kung may babalikan pa ba tayo. Kung may tayo pa ba o ikaw at ako na lang. Pero sana tuwing maaalala mo ako, sa katauhan ni Anne Curtis (ambidyosa!), kung maririnig mo ang kantang Pangarap ko ang Ibigin Ka, tuwing magagawi ka sa Megamall, tuwing suot mo ang kwintas at makikita ang rice terraces, tuwing gagamitin ni Mama mo ang puting rosario, at kung ano pang maliliit na bagay na magpapaalala sayo ng isang Elle, sana maalala mo ganu kita kamahal, minahal at sinikap na mapasaya. 


Salamat...

Salamat.. 






Monday, September 5, 2011

Kulang Ako Kung Wala Ka

Nung Sunday nasa bahay lang ako at nanonood ng TV. Nang biglang ipalabas ang movie ng Kimerald na "Till My Heartaches End". Ay umeeksena ang kanta. Instrumental pa lang ng kanta naiiyak na aketch! At kamusta naman ang biglang pagtugtog ni Sarah G. ng "How Could You Say You Love Me" sa ipod ko habang isinusulat ko ito.

Anyways, may naalala lang ako. Ang paghihiwalay ni Kamahalan at Warden. 

Gerald Anderson as Kamahalan and Sarah Geronimo as Warden. Chareeeng!


Warden: Kelan tayo magkikita?

Kamahalan: Hindi ko alam Warden, kasi manonood kami ng tropa bukas, tapos sa 24 magkikita kami ni BB.

Warden: Sino si BB? Babes?

Kamahalan: Babe lang po.

Wow! Warden sit corrected. 

Warden: Ahhhh ok. Sige wag na lang.

Kamahalan: Baka pwede din po tayo magkita, gawan ko ng paraan.

Warden: Wag na, mahirapan ka pa. Alam mo naman ayaw ko makadagdag sayo. Ibuhos mo na lang sa pagkikita nyo ng BB mo. Monthsary nyo ata yun.

Kamahalan: Over ka naman. Wag na magdrama, ok lang sakin yun. Monthsary? hmmmm

Warden: Kayo na no? Monthsary celebration nyo yun.

Kamahalan: Warden, oo

Shit! Tama ang nararamdaman ni Warden. Confirmed!

Kamahalan: Warden, sorry.

Warden: Sorry for what?

Kamahalan: Kasi hindi ko sinabi agad.

Warden: Ok, hahaha. Natatawa lang ako. Tinanong kita noon kung napagusapan nyo na kung ano ba talaga kayo. Sabi mo buti na lang hindi kasi hindi mo pa alam ang isasagot mo. Haha well i guess alam na natin ang isinagot mo.

Kamahalan: Alam mo naman ako Warden, pala Oo ako. Hindi ko nga alam eh. Tanga ko lang.

Warden: Sino mas tanga saten? Ikaw na umoOO sa iba, o ako na hindi ka pinilit na umOO sa akin? hahaha Tangina!

Kamahalan: Mas tanga pa din ako Warden.

Warden: No! Dont give me that crap na umOO ka lang dahil pala OO ka. UmOO ka kase gusto mo. Kasi kung hindi mo gusto, mas pipiliin mo syang masaktan kesa sakin. Mas takot ka mawala sya kesa sakin.

Kamahalan: Warden hindi sa ganun yon.

Warden: Eh panu yun? Wag mo sabihin sakin na napaOO ka lang. Ano kasalanan ko na hindi kita pinilit na umOO sakin kaya sa kanya ka umOO? Desisyon mo yan! Kung hindi mo ginusto yan at iniisip mo antanga mo, ano ginagawa mo dyan sa relasyon na yan!? Bakit ka mananatili dyan?

Kamahalan: Mas MATIMBANG ka pa din po eh. KULANG AKO KAPAG WALA KA.

Warden: Tangina! Mas matimbang ako!? Kulang ka kapag wala ako!? Bakit sino sinasaktan mo ngayon!? Sino ngayon ang kumakain ng pride..Sila ba? Ganun ba yun? Magdusa ako, mas matimbang naman ako eh.. Wow!

More mura, more exclamation point more fun!

Kamahalan: Hindi ko alam Warden. Hindi ko maintindihan. Siguro kung masaya man ako, pansamantala lang ito.

Kamahalan: Kita mo, diba ang tanga ko. Pati pagsagot, pagdedisisyon at paggawa, mali ako. Hindi ko alam. Pasensya kung nasasaktan kita, pero Warden sana wag ka mawala. Sorry talaga.

Warden: Wag ako mawala? Hindi mo ba naisip na pwede akong mawala kung kayo na? Sa tingin mo ano gagawin ko, paano ako magiging ok na nasa tabi mo habang alam ko may iba na nagmamayari sayo? Yung may kaagaw palang hirap na hirap na ako. Ngayon pa. Damihan mo man ang "Sorry" hindi na mawawala ang sakit. Ang pagkainsulto.

Warden: Kung masaya ka ngayon hindi kita pipigilan maging masaya. Yun naman ang hangad ko para sayo eh. Kung hindi mo talaga sakin yun makukuha, sige. Kelangan ko na lang gawin ang kailangan para maging ok ako.

Kamahalan: Warden masaya naman ako sayo eh. Nasanay na ako na lagi kang andyan. Sana mapatawad mo ako.

Masaya ka pala eh, bakit ka naghanap ng iba? Tanga!

Warden: Yun nga eh, nakasanayan mo na lang ako. Na lahat na lang tinatanggap ko. Na ok lang sakin. Kaso eto hindi na. Hindi na ako ok. Pagpapatawad madali ko ibigay yun. At iintindihin ko din na karapatan mo ang mamili kung sino ba gusto mo. Nakapili ka na. Bababa na ako ng ring. Knock-out na ako. Biggest Loser.

Kamahalan: Mali nga ako na siguro nasanay ako na lagi kang ok, lagi ako pinagbibigyan, iniintindi at pinapatawad. Sana kapag pinatawad mo ako malimutan mo na lahat ng pait at sakit na naidulot ko sayo. Hihintayin ko dumating ang araw na napatawad mo na ako at makapagsimula tayo ng bago.

Warden: Ngayon pa lang pinapatawad na kita. Ibibigay ko na sayo yun. Ngayon pa lang magsisimula na ako ng bago. Kung magkakaChance man na magsimula tayo ng bago, ayoko na ng may iba. Ng may kaagaw at kahati. Ingat ka palagi. KAMAHALAN KO.

Kamahalan: Salamat at nagawa mo pa rin akong patawarin kahit sa sakit ng nagawa ko sayo. Kung magkakachance? Bakit hindi ka ba sigurado? Mag-ingat ka din po Warden Sarah G. My Warden.

Warden: Kung magkakaChance. Hindi ako sigurado dahil may kundisyon na ako ngayon. Walang iba, walang kaagaw at kahati. At hindi na ako maghihintay. Pagod na ako. Hindi ko na kaya. Kung dumating man ang araw na yun, wala ng sagabal sa kaligayahan ko, go. Kung hindi, wish ko na lang na sana lagi kang maligaya.

Kamahalan: So sa ngayon kakalimutan mo ako hangang dumating ang time na yun?

Warden: Sa ngayon gagawin ko ang lahat para maitawid ko ang araw-araw at maging ok ako.

Kamahalan: Ipagdarasal ko na maging ok ka parati at maging madali ang paghilom ng mga sugat sa puso mo na ako ang nagdulot.

Warden: Sana nga, kahit alam kong hindi magiging madali.

Kamahalan: Acceptance lang Warden. Mag-ingat ka po palagi Warden. Andito lang ako kapag kailangan mo. Itext mo ako kapag ok ka na. Maghihintay ako.

Warden: Sige na Kamahalan. Pauwi na ako. Hindi ko na kaya. Baka maiyak ako sa daan. Till next time. Kapag pwede ng ako ang piliin mo, yung ako lang.

Kamahalan: Ingat ka po pag-uwi. Itxt mo ako pag nasa haws ka na para alam ko na safe ka na. Sorry po ulit Warden. I'm very sorry. Mwuah. :-*  :-(

Pagdating ni Warden sa bahay, hindi na sya nagtext. Dahil alam nya, sa araw na yun at sa mga darating pa, hindi siya magiging ok. 
Sa ngayon walang nakakaalam kung magkakaChance pa ba. Kung kelan magiging ok si Warden. At kung dadating ba ang araw na kaya ng piliin ni Kamahalan si Warden, nang sya lang, walang kahati, walang kaagaw.





Saturday, August 20, 2011

Hindi Ako OK

Hindi ako Ok.


Mahirap din aminin yan sa sarili. Lalo na kung hindi mo alam kung ano gagawin mo o kung tama ba ang ginagawa mo para maging maayos ka tulad ng dati. Minsan parang mas madaling i-deny na wala kang problema, na ayos lang ang lahat, na kaya mo. Pero hindi rin, kasi habang kinikimkim mo lang ang lahat, pilit itinatago, lalo lang naiipon at nag-aantay  na sumabog.

Kaya eto ako ngayon, isinusulat na hindi ako ok. Wala muna akong pakialam kung sino ang makabasa. Wala muna ako pakialam sa magiging reaction ng iba. Ngayon tao lang muna ako na nasasaktan, may pinagdadaanan. Na ginagawang outlet ang pasusulat para maibsan ang nararamdaman. So bakit nga ba ako hindi ok? Kasi....

Nagmahal ako. 

Nagmahal ako ng isang tao. As usual kapag nagmahal ako, nasasanay akong andyan sya. Hindi naman sya basta-bastang tao lang. Naging kaibigan ko din naman sya bago ko mahalin, katulad ng mga minahal ko nung nakaraan. Kung tatanungin mo ako bakit ko sya minahal, katulad ng mga sagot ko kung bakit ko minahal si B1, B2 at B3, hindi ko din alam. Basta nararamdaman ko na lang na nagmamahal na ako. Na concern na ako. Sabi nga ni Ate Shawie "I care about You". Wag na mangealam kung bakit linya ni Ate Shawie nagamit ko. Eh yun ang unang naisip ko ngayon eh. Basta kung ano lang maisulat ko ngayon. Derederecho lang ako sa paglalabas ng nararamdaman. Tsaka bakit ba, Sharonian ako nung prep ako noh! Kapayatan nya nun.

Pero ganun talaga, alam naman ng lahat ng nagmahal at nagmamahal, na kasama ng pagmamahal na ibinibigay mo ay ang sakit na mararamdaman mo.

Pagod na.

Napagod na din siguro ako. Hindi siguro, siguradong napagod ako. Pagod na pagod. Nandyan na ako simula nung una pa lang. Nung namomroblema sya sa NOONG nyang jowang demonyo nya. Wag ka mangealam, demonyo talaga yun sa paningin ko. At demonyo din talaga ang tawag ko sa kanya. Nandyan ako nung naghiwalay sila. Nandyan ako ng nagkaroon sya ng isang caller, nang nawala ang isang caller. Nang nagkaroon ang 1, 2, 3 -100th caller. Nandyan din ako nung nawala ang 1-90th caller. Joke lang, hindi ko alam kung ilan. Napagod din ako sa kakabilang, wala na din akong pakialam.

Nakita mo, nandun ako simula nung umpisa. May dadating na isa makikipag kumpetensya ako sa atensyon. Mawawala ang isa, winner ako! May darating na isa, kumpetensya na naman. Mawawala, winner nanaman ako! Wala nang katapusang pagdating at pag-alis nila. Hindi biro ang laban. Dehado ako! Oo may pinagsamahan na, at maganda ko. Eh malandi sila! Ganda vs. Landi. Sige nga! Ang mahirap neto, ako haggard na sa mga nakaraang laban, sila fresh na fresh pa lang pagpasok ng ring! Puta daig ko pa si The Rock na nakikipaglaban sa Royal Rumble. Buti sana kung kasing manhid ako ng bato.

Hindi ko na kinaya.

Hindi naman ako nagtataka kung madaming maghabol. Pero hindi rin naman nga ako bato. Kahit sinasabi na sinasakyan mo lang. Nakikipagkaibigan lang. Hindi ko naman maiwasang magselos. Lalo na kapag may nagsabi potaena umagang umaga katulad kanina ng "I Miss You" sayo. Sasagot ka naman ng " Miss you Too".  May magtatanong sayo kung san ka pupunta tpos hihiritan mo ng "Sa puso mo". May mga epal na mukang mongoloid na magbobombard sa FB wall mo ng mga walang kwentang pagbati at ginagantihan mo naman sa wall nila. Naasar ako dahil hindi ko yun pedeng gawin dahil kapag ako ang gumawa nun maiissue ka sa barkada mo. 

Isa sa pinaka masakit nun yung sobrang saya ng mga post mo, may mga sinusulat ka pang mga kanta para dun sa caller mo. Tapos super proud ka pa na walang nakakaalam kung sino tumatawag sayo gabi-gabi. Sinabi mo pa na kahit ako hindi ko alam kung sino ang tumatawag sayo. Wow accomplishment mo ba na hindi ko alam kung sino ang tumatawag sayo para ipost mo yun at ipagmayabang mo sa ibang tao. Siguro accomplishment mo dun yung nabigyan mo ako ng napakadaming insecurity sa sarili. Na ganun kabongga ang tumatawag sayo para ipagmalaki mo na hindi ko sya kilala. Eventually nung magkasama tayo, sinabi mo din sakin kung sino. Tama ka, hindi ko nga sya kilala. At wala akong pakialam sa kanya. Dahil eventually ulit, nalaglag din sya sa ring. 

Kaso may dumating ulit. Sabi mo "May bago akong caller, bet ko sya". Taena gandang timing! Nasa Boracay ako! Gandang pampaganda sa bakasyon di ba. Nasa Van ako pauwi katabi ang Mama ko, naiiyak ako sa mga tugtog, pasalamat sa salamin ko, hindi kita ang pagluha. Nasa loob na ng eplen nakashades pa din! Nung sumunod tayong nagkita sinabi mo may tawagan kayo. Babes. Haha isa sa mga pinaka hate ko pang tawagan. Babes. Tinanong din kita sino mas matinbang samin. Matagal bago ka nagsalita kaya sabi ko "Wag mo ng sagutin". Kasi takot ako madinig ang isasagot mo.  Pero sumagot ka pa din ng "Hindi ko masabi".

Sana talaga hindi ka na lang sumagot. Sa sagot mong yun, dalawa lang ang ibig sabihin ng estado ng wrestling namin ni Babes. Kung hindi kami pantay, lamang sya. Yung pa nga lang na pantay kami ang hirap na tanggapin eh. Andyan ako simula sa simula! Andyan ako palagi! Andyan ako! Pantay!? Tinanung ko kung naga "ILoveYou" kayo sa isat-isa. Syempre kahit hindi ako malandi alam ko gawain ng mga hitad! Kaya naitanong ko yun. Sumagot ka ng OO. Pero sabi mo ngayon hindi ka na masyado naga-IloveYou. Matutuwa ba ako? Kse hindi na masyado?

Gusto kong umiyak nun. Naiiyak na ako nun. Sinubukang kong ibuhos ang luha ko. Kaso ayaw. Buti pa ang luha ko may kahihiyan. Ayaw pumatak sa harapan mo. Hangang garalgal na boses lang ang nailabas ko. Tinanong ulit kita. "Kelangan ko na ba magMove-on?". Hindi ko naman kailangang itanong yun. Gusto ko lang malaman ang sagot mo. Gusto ko lang madinig mula sa iyo. Ano ang sagot mo? "Wag muna". Ok sana kung yun lang ang sagot mo. Pero winner talaga nung sinabi mong "Sasabihin ko na lang sayo kapag kailangan na". 

Anu yun!? Anu yun!? Nakadepende sa kakalabasan ng kembutan nyo ng babes mo kung ano mangyayari sa atin? Kung hindi kayo magwork-out try natin yung sa atin!? Sana ininsulto mo na lang ako. Sana minura mo na lang ako. Sinabihan mo na lang ako ng walang kwenta. Feeling ko gulong ako, nakareserbang pampalit sa masisira!In Fairness hindi pa kayo nagkikita nyan ah.

Dumating nag mga araw hinayaan ko na lang muna ang nangyari. Deadma kung hindi ka na naggu-Goodnyt tulad ng nakasanayan. Yung may kasamang kiss na "Mwuah" at Emoticon. Hindi na kita sinita. Wag na lang kesa napipilitan ka na lang. Deadma na din ako kapag tumatawag sayo ay nae-echapwera ako dahil hindi ka nagrereply sa txt ko. Sinabihan na lang kita na wag mo tatawaging Babes yang bakla mo kapag ako ang kausap mo. Sumunod ka naman. Kaso lang naWrong send ka. Oo hindi mo naman sinasadya. Pero yung mabasa ko ang mga salitang Babe, Mwuah at Love You na magkakasama sa txt, napatulala na lang ako sa sarili ko. Ganun na ba ako kawalang respeto sa sarili ko para manatiling nakatayo sa ring?

Desisyon

Hindi kita kinausap buong maghapon. Kinakalma ko ang sarili ko na wag sumabog. Iniisip ko kung ano ba dapat at tama kong gawin. Iniisip ko kung kakayanin ko bang gawin. Iniisip ko kung pano ko sasabihin sayo. Iniisip kita, ako, tayo. 

Pagdating ng hapon nag DM ka sakin humihingi ka ng sorry hindi mo sinasadyang ma-Wrong send. Sabi ko "Yeah I know". Hindi mo naman sasadyain yun kase alam mong masasaktan ako. Kaso naWrong send ka nga. At nasaktan nanaman ako.

Kaya nagdesisyon ako manahimik muna. Sayo, at sa atin. Hindi ko naman tatapusin ang lahat. Hindi ko tatapusin ang pagkakaibigan. Tatapusin ko lang ang pag-asa na merun ako na maging Champion ng Royal Rumble. Siguro ang magiging titulo ko sa pagsuko na ito ay Biggest Loser. 

Dont get me wrong. Madami akong ipinapasalamat. Maraming times na napasaya mo ako. Natupad mo ang ibang mga pangarap ko. Nabigyan mo ako ng comfort. Kaso naghangad ako ng mas higit pa. Hindi mo din naman ako masisisi diba. Hindi ko din masisisi ang sarili ko. Kelangan natin aminin pareho yun. Pinagkatiwalaan mo ako, hindi ko naman sinamantala. Pinagkatiwalaan din kita, ang mali ko lang hindi ako nagtira, ibinigay ko ang lahat. Kaya eto, nasa magkaiba tayong katayuan.

Nung nagpaalam ako, we both want good things for each other. Kaya nung sinabi mong hindi mo man ako naiintidihan kasi siguro hindi ka pa nagmahal ng totoo at hindi ka pa nalalagay sa sitwasyon ko. Sana hindi ka malagay sa sitwasyon ko. I also wish you happiness. Besides kapag ok na ako ulit, i'll be back being your bestfriend.