Nung college pa ako, habang nasa bahay ng isang kaibigan, binasahan ako ng palad ng isa sa mga bisita na nandodoon. Ang sabi lamang nya sa akin ay:
"Malayo ang mararating mo"
Kaya itinanong ko kung literal ba yan o figurative. Sinagot naman nya ng:
"Pareho"
Positive naman ang pagkagetchung ko sa basa ng palad ko na iyon.
Simula nung nagtrabaho ako, nagsimula na din ang pag-gala ko sa ibat-ibang lugar. Simula 2005 hangang ngayon 2010 na, sinisigurado ko na may mapuntahan akong parte ng bansa na tourist destination. ang tawag na nga sa akin ng iba kong kaibigan ay "Ms. Wow Philippines".
Sa paglibot ko sa Pilipinas nadidiskubre kung ano ang mga dapat ipag-malaki natin bilang Pinoy at bilang mga residente sa lupain na tinawag na Perlas ng Silangan.
Ngayon 2010, medyo napabongga ang pag-gala ko. Dahil hindi lamang ako nakagala at bumalik sa ibang lugar dito sa Pilipinas, Dito din naganap ang unang pagbyahe ko sa labas ng ating bansa.
So simulan na natin!
ISRAEL
Ito ang una kong napuntahan sa labas ng bansa. Well technically kse hindi naman maisasama ang connecting flight ng Bangkok dahil ang kagandahan ng airport lang naman nito ang nakita ko.
Kakaiba na ito ang una kong napuntahan diba? Pinadala lang kse kme ng kumpanya dito para sa 1 week training na kakailanganin para sa bagong project at itatayong team ko. Ang masaya pa nito, Valentines day nasa eroplano kame! Kaya ang pagbati sa araw na yun eh puro txt lang. At wala ako ng mismong araw ng birthday ni Bogs! huhuhu. Pero ok lang, kse sya naman ang kasama ko day before ng flight namin. Naibigay ko na sa kanya ang regalo ko. Ang Puso ko. Chos! At araw-araw naman prin kme magkatxt ay madami akong pasalubong sa kanya. Hekhek
Dito ko din unang naranasa ang 20hrs flight! Hay at kung makapagpalipad pa ng eroplano ang Israeling pilot eh kala mo trycle ang sinasakyan ko sa sobrang mauga. Sanay naman ako ugain, pero hindi sa himpapawid! katakot kaya!
Tel Aviv
Sa Crown Regency sa Tel Aviv kami nagstay. Duon ko unang naranasan ang magsolo ng hotel room. Hotel room na good for two! Aba! parang encouraged pa kame mag-uwi ng lalake! aw! haha. Enjoy naman ang hotel accomodation dahil bukod sa amenities na aircon, malaking kama, flatscreen tv, phone, buffet breakfast at hot and cold shower, ang pinakapaborito ko sa lahat ay ang bathtub na inenjoy ko talaga gabi-gabi.
At dahil natuwa ako sa lighting ng room at bagay na ilaw para sa pagkuha ng picture, nagfeeling model ako! haha.
Nakapaglibot-libot din kami sa Tel Aviv, lakad lakad sa paligid ng hotel. Sa isang linggo na nandun kami, dalawa at kalahating araw lang kami nagtrabaho. Tapos sa gabi pa ay inilalabas nila kami for dinner and after dinner drinks! In fairness malalakas din uminom ang mga tao dun.
Masayang kasama ang mga contacts namin doon. Natuwa nga ako feeling mo andun ang nanay or bestfriend mo sa sobrang pag-asikaso nila sa amin.
At syempre since nasa Israel na kami, hindi nila kinalimutang dalin sa.....
Jerusalem
Nung papunta kami sa Jerusalem, mga 2 oras din ang layo nun sa Tel Aviv, noon ko narealized kung ganu kaganda ng natural resources ng Pilipinas. Kasi dito sa atin, maliban sa Metro Manila, lumingon ka lang or tumingala ay may makikita ka nang bundok. Totoong bundok! Duon kasi sa kanila, ang bundok ay bundok ng bato. As in bato, parang semento ng bahay. Ganun ang bundok sa kanila. Wala masyadong tumutubong puno.
May kasama kaming tour guide ng pumunta sa Jerusalem. Doon itinuro nya ang History ng Lugar. Ang pag-aagawan ng mga relihiyon sa iisang lugar.
At dahil ang lugar na yon ay isang banal na lugar, di mawawala ang pagdadasal at pag-aalay ng sulat ng pasasalamat at kahilingan. At dahil hindi ako makasarili, nanghingi ako ng sulat sa pamilya at mga kaibigan ko na isiningit ko sa Western Wall/Wailing Wall.
Naging makahulugan naman at memorable ang unang pagbyahe ko sa labas ng ating bansa. Bukod sa nauna ako makauwi kesa sa check-in luggage ko na dinaig pa ako at nag-overnight stay pa sa Beijing, China.
May luhaan sa aming pag-alis ng Israel, nawawala daw kse ang pang-itaas nya.
Day Market Kinuha kse ng kasamahan namin. hahaha |
KABOOOM!!
At ako, ang reklamo ko lang ay ang pagkain, tignan nyo yan kung nakikilala nyo ang mga yan. Asan ang karne!? Kung hindi pa kme specifically magrerequest ng rice dish, naku magiging kasing payat ko si Kim Chiu! haha ganun naman talaga, buti na lang may McDo sa knila. Kaso ginto ang presyo! Ang isang order ng french fries, 600-800php na ang katumbas. Kaya pinagtiisan ko na lang yang nasa picture!!! Nyahaha