Tuesday, October 25, 2011

No Other Becky

Napanood mo na siguro ang No Other Woman. Or kung hindi naman, malamang may idea ka na kung ano ang plot ng story nito. At lam mo din kung ano ang ginanapang character ng mga bidang artista. A little more than a month ago, Anne Curtis lang ang peg ko. As in the "Other Becky".

Nag-usap na din kami ni Kamahalan after almost two weeks. Medyo ok na din naman ako. Pero mabilis prin akong mairita sa kanya at medyo masakit prin noon ang pakiramdam at kaalaman  na may jowa na syang iba. Ayaw ko sanang pinagkukwentuhan namin ang chaka nyang jowa (sya nagsabi ng chaka, although sang-ayon naman ako). Kaso nung tinanong ko kung masaya ba naman sya sa relasyon nya, ang sagot nya ay HINDI. Ayun pinagkukwento ko nanaman sya kung bakit at anung balak nya. Gusto na daw nyang makipaghiwalay.

Padating na ang 1st month anniversary nila noon. Plano nilang magkita ng jowa nya. At natatakot sya kase napaOO nanaman daw sya sa plano nilang magkembular sa araw nila na yun! Sinabihan ko sya na makipagbreak na habang bago pa dumating ang araw ng pagkikita nila. Syempre nagpupuyos nanaman ako! Nyeta uunahan pa ako ng chaka! 

Sabi ni Kamahalan eh after na daw ng monthsary nila sya makikipagbreak, pero ayaw nya matuloy ang kembular! Sabi ko "edi umatras ka! tpos after nyo magkita, dalawin mo ako sa bahay". At ayun na nga ang naging plano. Nakaatras sya sa planong kembular, at mamadaliin nya ang date nila para sa piling ko naman sya kumembot.

The day came. Magkatxt kame maghapon, kahit nung time na magkasama sila. Sa Megamall sila nagkita. Naiimagine ko kung pumunta din ako sa Megamall para makasalubong sila. Nagpractice din ako pano dinedeliver ni Anne Curtis ang linya nya na "Your Wife" sabay pout ng red lips nung pinakilala ni Derek si Christine. Pero hindi na ako nagaksaya pa ng oras na pumunta pa don. I just stayed home and cooked Spaghetti para mapatikim ko sa kanya ang putahe ko. hihihi.

Natapos din agad ang date nila. At ang Kamahalan ay deretso ng punta sa aking kandungan, ay piling lang pla. Hindi pla sya kumandong. Wala naman kaming masyadong special na ginawa noon. Magkasama lang kami. Namiss lang namin ang isat-isa. Nanood ng Tv, kumain, kwentuhan at maya-maya ay naginuman ng konti. Syempre may konting sumbat galing sa akin. Hindi ko lang talaga mapigilan. Nagsosorry din naman sya.

At dahil magkasama kami noon, sinamantala ko na din. Nilinyahan ko sya.

"Shut up and kiss me. And i dare you to fall in love with me. Tsup tsup tsup"... pagkahinto ay "Moooore! tsup tsup tsup".

Naging masaya naman kami magkasama kahit bawas ang oras kasi may kahati ako. Nakihati lang ako. 

Kinabukasan nag-away sila ng jowa nya. kse etong jowa na nagdedemand ng mas mahabang time together. Hindi magets na long distance relationship nga sila. tsk tsk. Ayun, after a day or two, break-up! Eto pa ang winner, ako ang sumasagot ng txt ng jowa nya. Pinoforward saken ako ipoforward ko kay Kamahalan kng ano ang dapat isagot! Ayun, mukang ako ang nakipagbreak sa jowaers nya. 

Sa ngayon ok pa din naman kami ni Kamahalan. Ganun prin, hindi pa rin kami. Pero at least wala pa muna akong kaseselosan at kaiingitan. Walang may hawak ng title eh. At saka sabi nga naming dalawa. Kahit never kami nagkaroon ng commitment, daig ko pa ang mga naging jowa nya. Ako na si Anne Curtis. (sobrang kapal!)

Wednesday, September 7, 2011

Things left unsaid..

Sa bawat paghihiwalay ng landas madaming nabubuong katanungan. Hindi mo maiiwasan magtanong. Madaming "what if". Madaming "bakit?". Madaming "ano?". Madalas hindi ka mabibigyan ng pagkakataon na itanong mismo sa kanya ang mga katanungan ito. Maiiwan ka na lang na nagiisip. Minsan may pagkakataon ka ngang itanong, hindi mo naman kaya. Hindi ka handa. Hindi ka handa magtanong, o hindi ka handa sa kanyang kasagutan. 

Madalas din may mga bagay ka na gusto mong sabihin. Na dahil sa bugso ng emosyon nung huli nyong pag-uusap ay hindi mo nasabi. Hindi mo kasi alam kung paano sasabihin. O pinipigilan mo lang din ang sarili mong sabihin dahil magmumuka ka lang tanga. 

Pero kung matagal ka ng mukang tanga, ano pa nga ba ang mawawala sayo. Anung pride pa nga ba ang kakainin mo kung araw-araw kasama ito sa diet mo. Ako madami akong katanungan. Madami akong gustong sabihin. Hindi ko alam kung maisusulat ko sila lahat ngayon dito. Hindi ko rin alam kung mabibigyan ng mga kasagutan. Pero sana, sana mabasa nya ang mga gusto kong sabihin. (dahil MINSAN nagbabasa sya ng blogelya kez).

Mas matimbang ba talaga ako? Sinasabi mo na mas matimbang ako, pero sa kanya ka umOO. Sinabi mo lang ba yun para gumaan ang pakiramdam ko? Kung totoo kayang napilitan ka lang, magagawa mo kayang ipaglaban ako? Dahil ako ang mas matimbang, dahil ititigil mo yang sinasabi mong katangahan mo?

Bakit sya, at hindi ako? Mas nakakahigit ba talaga sya? Alam kong walang problema sa akin. Dahil sa buong pagkakakilala natin, never tayong nagkaproblema. O yun ba ang dahilan kung bakit nakaya mo akong masaktan. Na lahat ay ok lang sa pagitan natin anu man ang gawin mo. Never kang na-threatened na mawala ako. Deserving lang ba talaga kaming pareho kaya nung pumili ka, sya deserving lumigaya sa piling mo at ako ay deserving na masaktan.  

Mas napapasaya ka ba nya kesa sa kasiyahang naibibigay ko? Kelangan kong malaman dahil alam kong napapasaya kita. Madalas mo yang sinasabi sa akin lalo na kapag kakahiwalay pa lang natin galing sa pag-gala na magkasama.

Siguro kung masasagot ang mga katanungan na yan mas magiging madali sakin ang lahat. Kung malalaman kong mas nakakahigit lang talaga sya kesa sa akin. Bakit hindi ko ibibigay sayo kung ano yung mas nakakahigit at mas makakabuti sayo. Hindi yung tulad na gusto mong tanggapin ko na napilitan ka lang sa relasyon na yan.

Nung huli tayong nagkausap humihingi ka ng tawad. Ibinigay ko naman sa iyo agad yon. Pero kinailangan kong putulin muna ang lahat ng namamagitan sa atin dahil baka ikamatay ko kung hindi ko gagawin. Kelangan kong gawin kase hindi ko kayang magpanggap na ok lang. Sa simula naman yun na ang sinabi ko sayo. Ayoko ng pagpapanggap sa pagitan natin. 

Sana naramdaman mo kung gaano kita minahal. Sinasabi mo naman sa akin noon na nararamdaman mo. Sana nadama mo ng totoo. Siguro hindi tayo magiging ganun kaclose kung hindi mo ramdam. Sabi mo acceptance lang magiging ok din ako. Natawa ako noon. Alam natin pareho ano ang tinaggap ko. Ano ang mga bagay na naaccept ko na. Tapos tuturuan mo pa ako ng acceptance? haha. Sobra lang talaga ito. Hindi ganun kadali. Oo matatanggap ko din ito. Kung kelan, hindi ko alam. 

Masakit. Sobrang sakit. Kailangan kong aminin na nasasaktan ako. Kasi kung hindi, lalo lang bibigat ang pagpasan ko ng nararamdaman kong ito. Masakit kse sa araw-araw naaalala kita. Yung paggising sa umaga, txt mo una kong mababasa at sa gabi ang paalaman natin ng Goodnight. Yung tawagan natin sa isat-isa. Yung mga kanta na nagpapaalala sayo. Yung anklet na suot-suot ko na galing sayo. Iniisip ko kung mapipigtal pa ba ang anklet na yun o hindi na kasi hindi na matutupad ang wish ko nung isinuot ko iyon. Lahat yun nakakadagdag sa sakit. Ganun naman ata talaga. Yung masasayang bagay na yun ang mas nakakasakit kesa sa mismong dahilan ng lahat. Yung paghahanap sa kung ano ang nawala.

Oo bitter pa ako ngayon. Pero sana ok ka. Sana mas masaya ka sa piling nya kesa nung ako lang ang kasama mo. Para kahit papano, worth-it naman tong hirap na nararanasan ko. Pero kung hindi, tangina naman, umalis ka na dyan. Dito ka na lang. 

Sabi mo kapag ok na ako sana we can start again. Sabi ko kapag ako na lang, walang kaagaw, walang kahati, walang iba. Selfish na ba ako? Hindi ko alam kung ano mangyayari bukas sa pagitan nating dalawa. Kung may babalikan pa ba tayo. Kung may tayo pa ba o ikaw at ako na lang. Pero sana tuwing maaalala mo ako, sa katauhan ni Anne Curtis (ambidyosa!), kung maririnig mo ang kantang Pangarap ko ang Ibigin Ka, tuwing magagawi ka sa Megamall, tuwing suot mo ang kwintas at makikita ang rice terraces, tuwing gagamitin ni Mama mo ang puting rosario, at kung ano pang maliliit na bagay na magpapaalala sayo ng isang Elle, sana maalala mo ganu kita kamahal, minahal at sinikap na mapasaya. 


Salamat...

Salamat.. 






Monday, September 5, 2011

Kulang Ako Kung Wala Ka

Nung Sunday nasa bahay lang ako at nanonood ng TV. Nang biglang ipalabas ang movie ng Kimerald na "Till My Heartaches End". Ay umeeksena ang kanta. Instrumental pa lang ng kanta naiiyak na aketch! At kamusta naman ang biglang pagtugtog ni Sarah G. ng "How Could You Say You Love Me" sa ipod ko habang isinusulat ko ito.

Anyways, may naalala lang ako. Ang paghihiwalay ni Kamahalan at Warden. 

Gerald Anderson as Kamahalan and Sarah Geronimo as Warden. Chareeeng!


Warden: Kelan tayo magkikita?

Kamahalan: Hindi ko alam Warden, kasi manonood kami ng tropa bukas, tapos sa 24 magkikita kami ni BB.

Warden: Sino si BB? Babes?

Kamahalan: Babe lang po.

Wow! Warden sit corrected. 

Warden: Ahhhh ok. Sige wag na lang.

Kamahalan: Baka pwede din po tayo magkita, gawan ko ng paraan.

Warden: Wag na, mahirapan ka pa. Alam mo naman ayaw ko makadagdag sayo. Ibuhos mo na lang sa pagkikita nyo ng BB mo. Monthsary nyo ata yun.

Kamahalan: Over ka naman. Wag na magdrama, ok lang sakin yun. Monthsary? hmmmm

Warden: Kayo na no? Monthsary celebration nyo yun.

Kamahalan: Warden, oo

Shit! Tama ang nararamdaman ni Warden. Confirmed!

Kamahalan: Warden, sorry.

Warden: Sorry for what?

Kamahalan: Kasi hindi ko sinabi agad.

Warden: Ok, hahaha. Natatawa lang ako. Tinanong kita noon kung napagusapan nyo na kung ano ba talaga kayo. Sabi mo buti na lang hindi kasi hindi mo pa alam ang isasagot mo. Haha well i guess alam na natin ang isinagot mo.

Kamahalan: Alam mo naman ako Warden, pala Oo ako. Hindi ko nga alam eh. Tanga ko lang.

Warden: Sino mas tanga saten? Ikaw na umoOO sa iba, o ako na hindi ka pinilit na umOO sa akin? hahaha Tangina!

Kamahalan: Mas tanga pa din ako Warden.

Warden: No! Dont give me that crap na umOO ka lang dahil pala OO ka. UmOO ka kase gusto mo. Kasi kung hindi mo gusto, mas pipiliin mo syang masaktan kesa sakin. Mas takot ka mawala sya kesa sakin.

Kamahalan: Warden hindi sa ganun yon.

Warden: Eh panu yun? Wag mo sabihin sakin na napaOO ka lang. Ano kasalanan ko na hindi kita pinilit na umOO sakin kaya sa kanya ka umOO? Desisyon mo yan! Kung hindi mo ginusto yan at iniisip mo antanga mo, ano ginagawa mo dyan sa relasyon na yan!? Bakit ka mananatili dyan?

Kamahalan: Mas MATIMBANG ka pa din po eh. KULANG AKO KAPAG WALA KA.

Warden: Tangina! Mas matimbang ako!? Kulang ka kapag wala ako!? Bakit sino sinasaktan mo ngayon!? Sino ngayon ang kumakain ng pride..Sila ba? Ganun ba yun? Magdusa ako, mas matimbang naman ako eh.. Wow!

More mura, more exclamation point more fun!

Kamahalan: Hindi ko alam Warden. Hindi ko maintindihan. Siguro kung masaya man ako, pansamantala lang ito.

Kamahalan: Kita mo, diba ang tanga ko. Pati pagsagot, pagdedisisyon at paggawa, mali ako. Hindi ko alam. Pasensya kung nasasaktan kita, pero Warden sana wag ka mawala. Sorry talaga.

Warden: Wag ako mawala? Hindi mo ba naisip na pwede akong mawala kung kayo na? Sa tingin mo ano gagawin ko, paano ako magiging ok na nasa tabi mo habang alam ko may iba na nagmamayari sayo? Yung may kaagaw palang hirap na hirap na ako. Ngayon pa. Damihan mo man ang "Sorry" hindi na mawawala ang sakit. Ang pagkainsulto.

Warden: Kung masaya ka ngayon hindi kita pipigilan maging masaya. Yun naman ang hangad ko para sayo eh. Kung hindi mo talaga sakin yun makukuha, sige. Kelangan ko na lang gawin ang kailangan para maging ok ako.

Kamahalan: Warden masaya naman ako sayo eh. Nasanay na ako na lagi kang andyan. Sana mapatawad mo ako.

Masaya ka pala eh, bakit ka naghanap ng iba? Tanga!

Warden: Yun nga eh, nakasanayan mo na lang ako. Na lahat na lang tinatanggap ko. Na ok lang sakin. Kaso eto hindi na. Hindi na ako ok. Pagpapatawad madali ko ibigay yun. At iintindihin ko din na karapatan mo ang mamili kung sino ba gusto mo. Nakapili ka na. Bababa na ako ng ring. Knock-out na ako. Biggest Loser.

Kamahalan: Mali nga ako na siguro nasanay ako na lagi kang ok, lagi ako pinagbibigyan, iniintindi at pinapatawad. Sana kapag pinatawad mo ako malimutan mo na lahat ng pait at sakit na naidulot ko sayo. Hihintayin ko dumating ang araw na napatawad mo na ako at makapagsimula tayo ng bago.

Warden: Ngayon pa lang pinapatawad na kita. Ibibigay ko na sayo yun. Ngayon pa lang magsisimula na ako ng bago. Kung magkakaChance man na magsimula tayo ng bago, ayoko na ng may iba. Ng may kaagaw at kahati. Ingat ka palagi. KAMAHALAN KO.

Kamahalan: Salamat at nagawa mo pa rin akong patawarin kahit sa sakit ng nagawa ko sayo. Kung magkakachance? Bakit hindi ka ba sigurado? Mag-ingat ka din po Warden Sarah G. My Warden.

Warden: Kung magkakaChance. Hindi ako sigurado dahil may kundisyon na ako ngayon. Walang iba, walang kaagaw at kahati. At hindi na ako maghihintay. Pagod na ako. Hindi ko na kaya. Kung dumating man ang araw na yun, wala ng sagabal sa kaligayahan ko, go. Kung hindi, wish ko na lang na sana lagi kang maligaya.

Kamahalan: So sa ngayon kakalimutan mo ako hangang dumating ang time na yun?

Warden: Sa ngayon gagawin ko ang lahat para maitawid ko ang araw-araw at maging ok ako.

Kamahalan: Ipagdarasal ko na maging ok ka parati at maging madali ang paghilom ng mga sugat sa puso mo na ako ang nagdulot.

Warden: Sana nga, kahit alam kong hindi magiging madali.

Kamahalan: Acceptance lang Warden. Mag-ingat ka po palagi Warden. Andito lang ako kapag kailangan mo. Itext mo ako kapag ok ka na. Maghihintay ako.

Warden: Sige na Kamahalan. Pauwi na ako. Hindi ko na kaya. Baka maiyak ako sa daan. Till next time. Kapag pwede ng ako ang piliin mo, yung ako lang.

Kamahalan: Ingat ka po pag-uwi. Itxt mo ako pag nasa haws ka na para alam ko na safe ka na. Sorry po ulit Warden. I'm very sorry. Mwuah. :-*  :-(

Pagdating ni Warden sa bahay, hindi na sya nagtext. Dahil alam nya, sa araw na yun at sa mga darating pa, hindi siya magiging ok. 
Sa ngayon walang nakakaalam kung magkakaChance pa ba. Kung kelan magiging ok si Warden. At kung dadating ba ang araw na kaya ng piliin ni Kamahalan si Warden, nang sya lang, walang kahati, walang kaagaw.





Saturday, August 20, 2011

Hindi Ako OK

Hindi ako Ok.


Mahirap din aminin yan sa sarili. Lalo na kung hindi mo alam kung ano gagawin mo o kung tama ba ang ginagawa mo para maging maayos ka tulad ng dati. Minsan parang mas madaling i-deny na wala kang problema, na ayos lang ang lahat, na kaya mo. Pero hindi rin, kasi habang kinikimkim mo lang ang lahat, pilit itinatago, lalo lang naiipon at nag-aantay  na sumabog.

Kaya eto ako ngayon, isinusulat na hindi ako ok. Wala muna akong pakialam kung sino ang makabasa. Wala muna ako pakialam sa magiging reaction ng iba. Ngayon tao lang muna ako na nasasaktan, may pinagdadaanan. Na ginagawang outlet ang pasusulat para maibsan ang nararamdaman. So bakit nga ba ako hindi ok? Kasi....

Nagmahal ako. 

Nagmahal ako ng isang tao. As usual kapag nagmahal ako, nasasanay akong andyan sya. Hindi naman sya basta-bastang tao lang. Naging kaibigan ko din naman sya bago ko mahalin, katulad ng mga minahal ko nung nakaraan. Kung tatanungin mo ako bakit ko sya minahal, katulad ng mga sagot ko kung bakit ko minahal si B1, B2 at B3, hindi ko din alam. Basta nararamdaman ko na lang na nagmamahal na ako. Na concern na ako. Sabi nga ni Ate Shawie "I care about You". Wag na mangealam kung bakit linya ni Ate Shawie nagamit ko. Eh yun ang unang naisip ko ngayon eh. Basta kung ano lang maisulat ko ngayon. Derederecho lang ako sa paglalabas ng nararamdaman. Tsaka bakit ba, Sharonian ako nung prep ako noh! Kapayatan nya nun.

Pero ganun talaga, alam naman ng lahat ng nagmahal at nagmamahal, na kasama ng pagmamahal na ibinibigay mo ay ang sakit na mararamdaman mo.

Pagod na.

Napagod na din siguro ako. Hindi siguro, siguradong napagod ako. Pagod na pagod. Nandyan na ako simula nung una pa lang. Nung namomroblema sya sa NOONG nyang jowang demonyo nya. Wag ka mangealam, demonyo talaga yun sa paningin ko. At demonyo din talaga ang tawag ko sa kanya. Nandyan ako nung naghiwalay sila. Nandyan ako ng nagkaroon sya ng isang caller, nang nawala ang isang caller. Nang nagkaroon ang 1, 2, 3 -100th caller. Nandyan din ako nung nawala ang 1-90th caller. Joke lang, hindi ko alam kung ilan. Napagod din ako sa kakabilang, wala na din akong pakialam.

Nakita mo, nandun ako simula nung umpisa. May dadating na isa makikipag kumpetensya ako sa atensyon. Mawawala ang isa, winner ako! May darating na isa, kumpetensya na naman. Mawawala, winner nanaman ako! Wala nang katapusang pagdating at pag-alis nila. Hindi biro ang laban. Dehado ako! Oo may pinagsamahan na, at maganda ko. Eh malandi sila! Ganda vs. Landi. Sige nga! Ang mahirap neto, ako haggard na sa mga nakaraang laban, sila fresh na fresh pa lang pagpasok ng ring! Puta daig ko pa si The Rock na nakikipaglaban sa Royal Rumble. Buti sana kung kasing manhid ako ng bato.

Hindi ko na kinaya.

Hindi naman ako nagtataka kung madaming maghabol. Pero hindi rin naman nga ako bato. Kahit sinasabi na sinasakyan mo lang. Nakikipagkaibigan lang. Hindi ko naman maiwasang magselos. Lalo na kapag may nagsabi potaena umagang umaga katulad kanina ng "I Miss You" sayo. Sasagot ka naman ng " Miss you Too".  May magtatanong sayo kung san ka pupunta tpos hihiritan mo ng "Sa puso mo". May mga epal na mukang mongoloid na magbobombard sa FB wall mo ng mga walang kwentang pagbati at ginagantihan mo naman sa wall nila. Naasar ako dahil hindi ko yun pedeng gawin dahil kapag ako ang gumawa nun maiissue ka sa barkada mo. 

Isa sa pinaka masakit nun yung sobrang saya ng mga post mo, may mga sinusulat ka pang mga kanta para dun sa caller mo. Tapos super proud ka pa na walang nakakaalam kung sino tumatawag sayo gabi-gabi. Sinabi mo pa na kahit ako hindi ko alam kung sino ang tumatawag sayo. Wow accomplishment mo ba na hindi ko alam kung sino ang tumatawag sayo para ipost mo yun at ipagmayabang mo sa ibang tao. Siguro accomplishment mo dun yung nabigyan mo ako ng napakadaming insecurity sa sarili. Na ganun kabongga ang tumatawag sayo para ipagmalaki mo na hindi ko sya kilala. Eventually nung magkasama tayo, sinabi mo din sakin kung sino. Tama ka, hindi ko nga sya kilala. At wala akong pakialam sa kanya. Dahil eventually ulit, nalaglag din sya sa ring. 

Kaso may dumating ulit. Sabi mo "May bago akong caller, bet ko sya". Taena gandang timing! Nasa Boracay ako! Gandang pampaganda sa bakasyon di ba. Nasa Van ako pauwi katabi ang Mama ko, naiiyak ako sa mga tugtog, pasalamat sa salamin ko, hindi kita ang pagluha. Nasa loob na ng eplen nakashades pa din! Nung sumunod tayong nagkita sinabi mo may tawagan kayo. Babes. Haha isa sa mga pinaka hate ko pang tawagan. Babes. Tinanong din kita sino mas matinbang samin. Matagal bago ka nagsalita kaya sabi ko "Wag mo ng sagutin". Kasi takot ako madinig ang isasagot mo.  Pero sumagot ka pa din ng "Hindi ko masabi".

Sana talaga hindi ka na lang sumagot. Sa sagot mong yun, dalawa lang ang ibig sabihin ng estado ng wrestling namin ni Babes. Kung hindi kami pantay, lamang sya. Yung pa nga lang na pantay kami ang hirap na tanggapin eh. Andyan ako simula sa simula! Andyan ako palagi! Andyan ako! Pantay!? Tinanung ko kung naga "ILoveYou" kayo sa isat-isa. Syempre kahit hindi ako malandi alam ko gawain ng mga hitad! Kaya naitanong ko yun. Sumagot ka ng OO. Pero sabi mo ngayon hindi ka na masyado naga-IloveYou. Matutuwa ba ako? Kse hindi na masyado?

Gusto kong umiyak nun. Naiiyak na ako nun. Sinubukang kong ibuhos ang luha ko. Kaso ayaw. Buti pa ang luha ko may kahihiyan. Ayaw pumatak sa harapan mo. Hangang garalgal na boses lang ang nailabas ko. Tinanong ulit kita. "Kelangan ko na ba magMove-on?". Hindi ko naman kailangang itanong yun. Gusto ko lang malaman ang sagot mo. Gusto ko lang madinig mula sa iyo. Ano ang sagot mo? "Wag muna". Ok sana kung yun lang ang sagot mo. Pero winner talaga nung sinabi mong "Sasabihin ko na lang sayo kapag kailangan na". 

Anu yun!? Anu yun!? Nakadepende sa kakalabasan ng kembutan nyo ng babes mo kung ano mangyayari sa atin? Kung hindi kayo magwork-out try natin yung sa atin!? Sana ininsulto mo na lang ako. Sana minura mo na lang ako. Sinabihan mo na lang ako ng walang kwenta. Feeling ko gulong ako, nakareserbang pampalit sa masisira!In Fairness hindi pa kayo nagkikita nyan ah.

Dumating nag mga araw hinayaan ko na lang muna ang nangyari. Deadma kung hindi ka na naggu-Goodnyt tulad ng nakasanayan. Yung may kasamang kiss na "Mwuah" at Emoticon. Hindi na kita sinita. Wag na lang kesa napipilitan ka na lang. Deadma na din ako kapag tumatawag sayo ay nae-echapwera ako dahil hindi ka nagrereply sa txt ko. Sinabihan na lang kita na wag mo tatawaging Babes yang bakla mo kapag ako ang kausap mo. Sumunod ka naman. Kaso lang naWrong send ka. Oo hindi mo naman sinasadya. Pero yung mabasa ko ang mga salitang Babe, Mwuah at Love You na magkakasama sa txt, napatulala na lang ako sa sarili ko. Ganun na ba ako kawalang respeto sa sarili ko para manatiling nakatayo sa ring?

Desisyon

Hindi kita kinausap buong maghapon. Kinakalma ko ang sarili ko na wag sumabog. Iniisip ko kung ano ba dapat at tama kong gawin. Iniisip ko kung kakayanin ko bang gawin. Iniisip ko kung pano ko sasabihin sayo. Iniisip kita, ako, tayo. 

Pagdating ng hapon nag DM ka sakin humihingi ka ng sorry hindi mo sinasadyang ma-Wrong send. Sabi ko "Yeah I know". Hindi mo naman sasadyain yun kase alam mong masasaktan ako. Kaso naWrong send ka nga. At nasaktan nanaman ako.

Kaya nagdesisyon ako manahimik muna. Sayo, at sa atin. Hindi ko naman tatapusin ang lahat. Hindi ko tatapusin ang pagkakaibigan. Tatapusin ko lang ang pag-asa na merun ako na maging Champion ng Royal Rumble. Siguro ang magiging titulo ko sa pagsuko na ito ay Biggest Loser. 

Dont get me wrong. Madami akong ipinapasalamat. Maraming times na napasaya mo ako. Natupad mo ang ibang mga pangarap ko. Nabigyan mo ako ng comfort. Kaso naghangad ako ng mas higit pa. Hindi mo din naman ako masisisi diba. Hindi ko din masisisi ang sarili ko. Kelangan natin aminin pareho yun. Pinagkatiwalaan mo ako, hindi ko naman sinamantala. Pinagkatiwalaan din kita, ang mali ko lang hindi ako nagtira, ibinigay ko ang lahat. Kaya eto, nasa magkaiba tayong katayuan.

Nung nagpaalam ako, we both want good things for each other. Kaya nung sinabi mong hindi mo man ako naiintidihan kasi siguro hindi ka pa nagmahal ng totoo at hindi ka pa nalalagay sa sitwasyon ko. Sana hindi ka malagay sa sitwasyon ko. I also wish you happiness. Besides kapag ok na ako ulit, i'll be back being your bestfriend.


Wednesday, August 17, 2011

Ansaket sa Panga

Kahapon nagpaalam muna ako kay B.
Magpapagaling lang muna.
Pupulutin ang mga piraso.
Bubuuin ang mga sira.
Tatapalan ang mga butas.
Paghihilumin ang mga sugat.
Mananahimik muna ako.
Sa kanya.
Sa amin.

BB: Salamat po. Salamat sa lahat. Lalo na sa mga tinupad mong mga pangarap ko.

B: Ako ang dapat magpasalamat, sobrang pasasalamat. Salamat sa lahat, ang daming nagbago sa akin. Marami ako nakilala, napuntahan at napala. Yung mga bagay na hindi ko magawa dati nagawa ko nung kasama kita.

Yun na ang huling usap na nagreply ako. Hindi na ako nagreply pa. Hindi ko na kaya. Masakit na ang panga ko. Dati rati sumasakit ang panga ko sa pagpipiit ng kilig. Pero ngayon iba. Masakit din pala sa panga ang magpigil ng luha. Bakit ba, nasa opisina ako. Kapag tinanong ako kung bakit ako umiiyak, ano ang isasagot ko? Nagpapractice para sa susunod kong teleserye?



Friday, August 12, 2011

Para sa IBA

Pag-gising sa umaga, txt na "Good Morning" nya ang nababasa.
"Breakfast po tayo" ang sabi nya, "Kape po tayo" aking aya.

Maghanda sya sa pagpasok sa eskwela, sa trabaho naman ako.
Tuwing may lakad o pupuntahan laging may pasabing "Aalis na po ako"

"Ingat po sa pagbyahe" ang laging pabaon.
"Wag papagutom at alagaan ang sarili" ang laging pahabol.

Nagkikita at magkasama paminsan-minsan.
Kasiyahan lagi ang gustong kanyang maramdaman.

Masaya ako at ako'y kanyang pinagkakatiwalaan.
Ang aming mahalagang usapan ay "walang lihiman"

Kakwentuhan simula sa umaga, hangang antok ay datnan.
Sa kanyang mga pinagdaraanan sya ay dinaramayan.

Mukang perpekto ang pagsasama, akala ko ay masaya.
Paulit-ulit na lang, kelan ako magsasawa.

Babe ang kanyang tawag, pero hindi daw nya jowa.
Tangina nyang tawag, hindi para sakin kundi para sa IBA.


Nakakaloka! Effort! Hindi ako marunong gumawa ng tula! Imbento oh! hahaha..


Saturday, July 30, 2011

1st Date Never Dies

Siguro mga 1 month after namin unang magkita ng personal ni B nung niyaya ko sya na manood ng sine. Nagkataon na ipapalabas na noon ang Catch Me I'm In Love. Super favorite ko si Sarah G kaya isinumpa ko na papanoorin ko talaga ang movie na iyon sa sinehan. Type din naman ni B ang pilikulang iyon kasi gusto din nya mga feel good movies katulad nito. So napagkasunduan namin na lumabas, na kami lang, for the 1st time. Eh ang panalo, 2 weeks before pa ipalabas ang movie eh nung iset na namin ang usapan. Diba super wait lang! haha

Ay hindi biro ang pagsalag ko sa mga okasyon para lang hindi mapurnada ang lakad na iyon. Kasabay kasi ng date na yun eh ang birthday ng isa kong becky friend na gagawin sa Dagupan. At ang birthday celebration din ng tito ko. Ay super dahilan ako para lang hndi magpunta sa mga celebration na yun. May celebration din kaya ako! hahaha

Dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Excited ako sa movie, pero mas excited ako na makapiling si B. hihi kiri-kiri ko lang. Super prepare naman ako bago ang oras namin magkita. Linis ang bahay a day before. check the CR ng malinis, ang kwarto kung maayos, ang sala kung maalikabok at kung nagupitan ang damo sa hardin. Ambisiosa ko lang wala akong hardin. haha

After lunch ang usapan. Sa Shangri-la kami magkikita sa pagbaba nya ng MRT saka kami sabay na pupunta ng Megamall. Ilang ilangan at hiya-hiyaan portion sa una. Pero sa una lang yun, mga 2 minutes lang. Habang naglalakad daldalan na kami. 

Bago kami pumasok ng Megamall, may nakita kaming wall na pede sulatan ng mga sumusuporta sa Earth Hour. Nagkataon na gaganapin din ang Earth Hour nung gabi na iyon. Ayun nagsulat naman kami. Sakin "Lets Make a Change. Start with Oursels". Oh di ba fail! Oursels! nawala ang V!!! Vakla kse!. Si B nagsulat ng "Lets save the mother earth!!!" May galit sa tatlong exclamation point!

Bumili ng ticket para sa papanuoring movie. At bongga nilibre ako ng food namin sa loob ng sinehan. 

Habang nasa loob ng sinihan, tahimik nanaman muna kami nanonood nung una. Nung kiligkiligan portion na ng movie, ay naku maihi-ihi ako sa kilig! Feeling ko ako si Sarah G at si B si Gerald A!! Pagdating sa comedy portion, napabongga ang tawa ko. Bakit? Dahil si B eh super piit ng tawa nya para hindi mapahagalpak ng malakas. Nitatry pa nya takpan ang buong muka para lang hindi lumabas ang wagas na tawa. Parang horror movie lang kung makapagtakip. Hahaha. Fail naman, dinig na dinig ko ang lakas ng tawa nya. Nakakatuwa sya kasama manood sa sinehan. Nadadala sya sa palabas at dahil kasama mo sya, madadala ka din sa kanya. Hindi ako malakas tumawa, madalas wala pang sounds. Pero kapag andyan sya wapakels! Hagalpak din ako. haha

Super saya ko sa panonood ko ng sine na yun. Paglabas ng sinehan tinanong ko sya, "Enjoy?". Sumagot sya, "Sobla!". Sobra tlaga yung sinabi nya, ganun nya lang bigkasin haha. Sumilay naman ang matamis na ngiti sa aking labi.

Pagkatapos ng sine, deretso kami sa Timezone. Plano namin maglaro, magBastketball! Shoot-shoot the balls ganyan! Walang dribble kse shooting lang naman merun don. haha. May pustahan kasi kami. Pataasan ng score. Ang matalo kelangan mauna lagi gumising sa umaga. haha. 

The game is on! Super shoot ako! Ang galing galing ko! andami kong score! yes! wala na! After ng timer, pinagtatawanan ko si B. Kasi panalo sya, mas mataas ang score nya. 

After nun nagsayaw pa kme sa dance dance revolution. Syempre mas magaling pa din sya sakin doon. Praktisado ang B! After nun baril barilan naman. Magkakampi kami, this time ako naman ang winner. Mas magaling sya mag-shoot at umindayog, pero mas magaling ako mamaril! hihihi

After nmain maglaro, deretso na kami sa grocery para bumili ng foods at alak. Kasama din kasi sa plano namin ang mag-inom. One-one-One. Kahit half lang ang size nya at 1 1/2 naman ang size ko. haha 

Bili-bili na kami ng chicha. Ang gamit naman namin na pambili ay ang GC na ibinigay sakin sa office dahil nagbirthday ako. So parang libre lang din at kelangan namin ubusin ang buong amount. GSM Blue + C2 Apple (Litro) ang iinumin namin. Bumili din kami ng Tanduay Ice para matikman na din ni B. Di ba manginginom lang. Dami alak kaming 2 lang ang iinom. Hanap na din kami ng mga chicha at kung ano ano pa. May pagtatalo moment pang nangyayari kasi pinapapili ko sya ng bibilin, eh ayaw nya ako pinapapili nya. Natatawa lang kami parang magjowang nagaaway lang kami. At dahil pa sa gusto namin pagbigyan ano ang gusto ng bawat isa. Ay kilig! haha.

After nun ay dumeretso na kami sa bahay. Ang kapatid ko winner eh. Nagtxt na aalis daw muna sya. Di ba napakasupportive! Solo namin ang bahay. Pagdating namin ay kumain muna kami ng dinner. Dinuguan at bbq. Parehong wala kaming arte sa food ni B kaya kahit anong pagkain oks lang. Habang kumakain ay nanonood naman kami, PGT Season 1.

After lumafung eh sinimulan na ang inuman. Habang nanonood ng tv at umiinom ay nagkukwentuhan kami ng buhay buhay. Mga pinagdaanan at kasalukuyang pangyayari. At eto pa, kay crying moment pa ang B! Nagulat ako pero ok lang. masaya naman ako at nakakaiyak sya sa harap ko. Meaning ganun sya kakumportable sa akin. At hindi lovelife ang dahilan ng pag-iyak ah. Pinagdaanan sa life lang.

Nung dumating ang oras ng Earth Hour ay ngapatay kami ng lahat ng ilaw. At syempre habang madilim, hindi kami nangapa at nagkapaan sa dilim. Wholesome kami noh! lumabas kami ng bahay at dun nagkwentuhan habang naninigarilyo. Pagkatapos ng Earth Hour eh pumasok na ulit kami ng bahay at resume ang inuman session. 

Nung unang beses naubusan kami ng yelo, nagprisinta sya lumabas para bumili. Successful naman. Ok lang at hindi pa naman sya lasing nun. At 1/3 plang ng GSM Blue ang naiinom namin nun. Nung sumunod na maubos ang yelo, hindi na successful ang pagbili nya kaya sumama na ako sa labas para bumili. Bibili na din kami ng yosi kasi naubusan na kami. Ay ang B gumegewang gewang! Naka 3/4 na kami ng litrong GSM. tawa kami nga tawa habang hawak ko sya sa braso at inaalalayan sa paglakad. Pagkabili namin ng yelo at yosi ay nagsuindi sya agad ng isa. Naku nawala agad ang paggewang. Yosi lang ang katapat. 

May dalang bag si B. At pinagusapan namin kung uuwi ba sya o samin na magstay para matulog.

BB: Ano nagtxt ka na kay mama kung what time ka uuwi?

B: Hindi pa mamaya na lang. 

BB: Kung uuwi ka ihahatid kita para safe (medyo disappointed)

B: Pero pede naman ako makitulog diba if ever?

BB: Oo anluwag ng kama oh, Queen size (fiesta na ang pakiramdam)

Oh di ba nagkunwari akong hindi sabik! haha Inamin din naman nya sakin kinabukasan na plano na naman nya makiMeme nun. Nahihiya lang sya na yun agad ang sasabihin nya kaya paandar muna. Haha..

At hindi sya halata sa plano nya, pinapahubad ko shoes nya at papahiramin ko sya ng slippers para maging kumportable. Ay kinuha ang bag at tsaraaan! May dalang tsinelas! Boyscout! May dala ding toothbrush at pampalit na tshirt.. oh diba, hindi handa!

Nagpicture din kami habang nag-iinum. Ayaw nya dun sa mga pics namin. Mapungay na kasi ang mga mata nya. Lashing lashingan na kasi. haha. Ako natutuwa naman ako sa mata nya. Ang cute ampungay pungay.

Pagkaubos ng litro ng GSM Blue + C2 Apple eh yung Tanduay Ice naman. Nakaisang bote na lang si B. Hindi na nya kinekeri. Sakto namang pag-uwi ng kapatid ko kaya sa knya kon na ibinigay ang share ni B.

Pinapunta ko na si B sa kwarto para maghimlay na. Deretso sa kama ang lolo mo. Ako ay nagayos pa kasi gusto ko maligo at isuka ang ibang laman ng tyan ko. hihi.. Sabi ko kay B, "oh gudnyt kiss na" hahaha humihirit ako! Ay ang lolo mo, tinuka ako! Kiss sa lips! Smack lang naman. Pero kahit na! Sa lips pa din yun, kaya ako na shock, deretso sa CR at dun nag Blush! nyeta ka mo Highschool ako kung magblush at kiligin. hihihi.

Pagkatapos ko maligo ay gising pa pala si B. Maliligo din sya at magsusuka ng laman ng tyan. Haha.. Paadikan lang kasi kami sa pag-inum. Inantay ko lang sya para sabay na kami matulog. Pinahiram ko sya ng sando at shorts. Natulog na nga kami. NATULOG LANG! Ng magkaholding hands. hihihi

Nung buong gabi na yun habang nagiinuman, kwentuhan at kung ano pa, magkahawak kami ng kamay. May hiniling kasi ako sa kanya nung umaga bago kami magkita. sabi ko "Pwede bang boyfriend kita today? Today lang sa date natin". Sumagot naman ang lolo mo "Oo andun na, Date na eh, edi go na!". Oo na! Anladi koooo!

Kinabukasan pag-uwi nya, dun ko first time na naramdaman ang ganung feeling after ng isang date. Parang ang magical. Yung feeling na akala mo sa fantasy lang nangyayari na ganun kasaya. Simple lang yung labas namin na yun. Pero hindi simple ang saya na naramdaman ko, at sabi nya sya din. Kaya after nun, paminsan-minsan eh lumalabas labas na kami. Sobrang eenjoy at saya lalot nat sa bawat paglabas, may bagong gagawin at laging may malakas na halakhak. Haha

Mga 1st namin nung araw na yun:

1. Movie
2. Holding Hands
3.Umiyak sya sa harap ko
4. Kiss
5. Sleepover
6. Kain sa Jolibee (nilibre nya muna ako Jobi paghatid ko sa knya sa MRT nung umaga)

Marami pa sigurong 1st ng araw/gabi na yun. Maliliit na bagay, pero pagPinagsamasama mo, naging dahilan kung bakit naging magical ang araw na yun. Kung may ankalimutan ako, pede naman nya idagdag sa comment. Hindi ba B? haha











Friday, July 22, 2011

Unang Gala ni Mudra

Sa Overlooking ng Boracay Island
Ito ang unang gala ng Mama ko sa Pilipinas. Sa Boracay.

Noong bandang April, nagtxt sa akin si Mama. Napapagod daw at nai-stress na daw sya. Ikaw ba naman ang magtrabaho simula nung kabataan mo hangang ngayong may pamilya na sya kung hindi ka ba naman ma-stress.

Pagdating sa Mama ko, medyo matatarantahin ako! Sabi ko sa Mama ko magbakasyon muna sya sakin dito sa Manila. Sa Naga City sa Camsur kse sila nakatira. Ora-mismo nung araw na yon nagpabook ako ng flight balikan Naga-Manila.

Tapang Ni Mudra! sa Kanya nakasabit ang Paniki
So ako na ang bahala sa pagpaplano kung saan kami maggagala since ako naman ang super kembot sa buong Pilipinas. Noong una eh pinaplano ko na sa isang beach, siguro Puerto Galera, at sa isang mabundok, Benguet, na lugar kami pupunta. Hindi naman kasi ganun kalaki ang gastos sa pagpunta sa mga lugar na iyon kumpara sa ibang lugar. Maganda din naman sa mga iyon. Kaso itong si mudra, walang ibang alam kundi Boracay, Boracay, Boracay!!! 

Oh edi ng  matapos lng di sa Boracay. Yun lang ang gastos sa dalawang lugar eh sa Boracay mapupunta lahat. Sasakay ka ng eplen papunta dun noh!

Nangitim ako dahil dito!
So dumating na si mader! At hindi lang sya ang ipinasama nya sa lakad namin pati pa ang dalawang kapatid ko na andito na sa Manila. Naku madaming first time sa lakad namin na yun. Si Mama first time sumakay ng eplen, yung galing sa Naga. Ang dalawa kong kapatid naman first time din sumakay ng eplen nung byahe namin papunta Kalibo.

Since dun lang sila nakapunta dun, at hindi nila alam kung kelan sila makakakembot pa ulit pabalik don, niexperience na din nila ang ilang activities dun. 

Sa unang araw namin dun eh ATV motor ang una naming ginawa. Isang pang dalawahan kse si Mama ay aangkas lang at dalang solo. Sa paglilibot sa island ng Boracay eh nagpunta kami sa isang mini-Zoo at sa Overlooking na view ng buong island. Nasunog aketch sa activity na yun! haha.

Katutubo?
Nagtingin tingin na din kami ng mga mabibiling mga bagay-bagay habang nagpapalipas ng init ng araw bago magtampisaw sa malinaw na tubig. At syempre, si mudra ang kasama, kontrabida sa paginom ng alak, eh uminom pa din kami. Sa Starbucks! First time din ni Mama ang magStarbucks, at sosyal sa Boracay pa!

Transformers Churva
Hindi na din kami masyado nagsikain sa mga Resto doon, twice lang. Isang lunch at isang dinner. Kamusta naman kse gastos ko lahat. Kung lahat ng kain eh doon baka hindi na kami makauwe at maghugas pa kami ng platochina! haha

Namamalengke na lang din kami sa talipapa at nagluluto sa bahay na tinutuluyan namin. May mga gamit at kitchen na kseng kasama ang room na nirent namin. At malamang ako din ang ngaluluto. Di ba all around ako!

Nung 2nd day eh Helmet Diving or Reef Walking naman ang ginawa namin. Si Mama game na game pa din! Ayaw magpaiwan eh. Ayun naaliw naman sya.

Oh flat ang tyan ko oh!
Naloloka nga ako! Habang nasa ilalim ng dagat, paglingon ko tumatalon talon! Inaabot abot ang mga isda! Nasa pampang ka lang Ma?! hahaha tawa ako ng tawa habang pinapanood syang nageejoy. Naku ang kairita lang sa reef walking na yan eh anchachaka ng kuha ng pics ng mga tao dun! hmpft! 

Anyway, nagenjoy naman ang Mama ko. Sa sobrang enjoy nga nya eh nakalimutan nyang isuot ang tsinelas nya pabalik ng pampang at naalala lang nya nung bababa na ng banka! Kaloka! Ayun naglakad ang kapatid ko papunta sa Main Beach ng nakapaa!

Tsunami! Takboooo!
After nun ay kumain lang kami at nagpunta na ulit sa mga tindahan para maghanap ng mga pasalubong sa dalawa ko pang kapatid na nasa Bicol at hindi nakasama. Pampalipas ulit ng init ng araw. Pagkatapos noon eh sinulit na namin ang pagsuswimming. Medyo maalon din ngayon doon. Pero inenjoy na din namin.

Super habulan ng mga alon at picture picture. hahaha..

Chumi-Cheerleader si Mudra!
Sobrang saya ng lakad na yun. lalo na akpag kasama si Mama. Comedy mode. Lumilinya pa sya, "51 nako, bakit kse ngayon mo lang ako dinala dito, hindi nung 21 pa lang ako. " oh di ba bongga kung makapagrequest sakin, sinagot ko nga "Mama!? 3 years old ako? may trabaho na ako nun?!" hahaha.

Kaya sabi ko sa kanya mag-isip na sya saan nya gusto pumunta. Paplanuhin na namin. Wag lang sa makikidnap ako ha! Alam naman nyang napagbibintangan akong Koreano at minsan Hapon. haha. 



Nagmamagandang Chubby
May isang pa pala akong activity dun, ang PAGMAMAGANDA! CHAROT! 

Uwian na, At Kalibo Airport
At katulad ng ibang lakad , kami ay uuwi din. Sa December ulit sabi ko sa iba naman. At para bakasyon kasama ang dalawa ko pang kapatid para kumpleto kaming 5! haha

Thursday, July 14, 2011

2 Years Feeling Ko Boyfriend Kita

Bogs: Di mo ako nirereply yan. Laki na ng pinagbago mo. Salamat sa lahat.      

                                           
BB: Ay dumadrama ikaw! Nagreply ako kanina ah. Anu merun bakit ganyan?                                                                         

Bogs: Hindi ko nga alam eh                                                                                  
                                       

BB: Bakit ka nagdadrama?       


Bogs: Nagbago ka na kase eh                                                                                                                  

BB: Eh kasi nga nauna ka naman. Nawala lang ako sandali para asikasuhin sarilo ko humanap ka na ng iba. Hahaha ganun talaga. Happy ka naman eh.


Bogs: Ganun, ikaw naman ang unang naghanap ng iba eh hindi ako.                                                          

BB: Hindi ako naghanap ng iba. Sino ba ang may Boyfriend ngayon? Haha tsaka ako malinaw satin pareho anu nararamdaman ko sayo.. eh ikaw tahimik lang.. Bleh!


Bogs: Eh ganun naman ako, tahimik ah. Hindi ka lang nakakaramdam.                                                        

BB: Kelangan ko din marinig. Kelangan mo din sabihin... Kasi ayaw ko mag-assume at mag-feeling..Napagaod din ako kakaantay. 2 years din yun                                                                            

Bogs: Yung 2 years na yun pakiramdam ko boyfriend kita.                                                                        

BB: Ako confused kung bestfriend lang ba o may pag-asa pa... Hangang sumuko na lang ako..kasi masakit na... haha ang umasa.                                                                                                                              

Bogs: Hala, wala akong masabi. Ginagamitan mo ako ng mga lines ng pelikula.                                            

BB: Haha hindi yun lines ng pelikula.. Adik mo hahaha.. Yun naman kasi ang nangyari kaya naging ganito tayo.. Bakit ba kase pagdating sakin takot ka magsabi. Hindi mo maexplain nararamdaman mo. Sa iba ang bilis. Ano ba pinagkaiba ko sa knila?


Bogs: Ewan, nahihiya ako sayo eh. Sa iba malakas loob ko. Parang ikaw yung may ari ng kumpanya tapos ako yung empleyado. Parang ganun ang dating.                                                                                                

BB: Eh dahil dun kea ganto. Haha yaan na, nakaraan na. Iba na sitwasyon. May pinagbigyan ka na ng puso mo. Ok na yun. Basta masaya ka.                                                                                                          

Bogs: Hindi ko alam, lagi kami magkaaway                                                                                                

BB: Normal naman yun diba? Di naman kayo mag-aaway kung hindi nyo mahal ang isat-isa.                                                                                                                                    

Bogs: Sabagay may point ka..                                                                                                                      

BB: Lagi naman ako may point.. Bleh..


Bogs: Ai alam ko naman yun..                                                                                                                      

BB: Ahahaha sus! miss mo lang ako eh. Ayeeee!                                                                                                                    

Bogs: Bakit masama?                                                                                                                                

BB: Hindi.

Tuesday, July 12, 2011

Journey for A Cause part 1

Hello there! Antagal na ng last post ko! Ayaw gumana ng creative side ko. Yun eh kung merun ako non. 

Anyway, super late post na itechiwa. May pa ito. Kainitan pa ng araw at ng kalandian ko. Charot! Infairview hindi naman puro landi ang inatupag ko sa kembot na ito, may kasamang kawang-gawa.  

Isinama ako ni Kuya Bry sa pagpunta nila sa Batad, Mountain Province para sa gagawin nilang Outreach Program sa mga batang mag-aaral doon. Second year na ata nila ginagawa ito kaya familiar na sila sa lugar.

At dahil bongga ako at isinama lang ako, nagsama din ako ng kasama. Hahaha kasi dapat dalawa kmeng isasama na ipinaalam ni Kuya Bry kaso back out mode ang Dora dahil may aatenang kasal. Kaya isinama ko si Boss Fred. Ayun super paalam naman sya sa kanila, at least hindi lang basta gala ang pakay namin doon, kundi ang tumulong sa kapwa.

Umalis kme ng around 10pm sakay ng Florida Bus galing sa Manila papuntang Banaue. 8-9 hours ang byahe at may stop over sa Tarlac at somewhere north na hindi ko na matandaan hahaha. Dumating kami sa Banaue around 6am. 

Puyat mode ang lola mo. Hindi makatulog ng maayos sa byahe dahil hndi talaga ako sanay matulog sa umaandar na sasakyan. At pasaway pa ang aircondition sobrang lamig! At dahil sa malandi ako, sinamantala ko ang lamig dahil super siksik ako sa katabi ko. Kaso isang oras lang ako nakatulog. Pero wag ka nakatulog ako sa balikat ng katabi ko. Hahaha.. at kahit gising ako at nakapikit lang ay nakahilig pa din ako sa kanya. Bakit ba, dun may init eh. Ginaw kaya!

Pagdating namin sa Banaue ay naglipat na kami sa jeep ng mga gamit at mga bagahe na ipapamigay namin sa mga bata. Rented ang jeep, 3,000 na yun papunta sa dulo ng kalsada bago kami maglakad papunta sa Batad mismo. Kapag magkocommute ka, 150 ang bayad one-way ata yun. Before kami tuloy tuloy na magbyahe ay kumain muna kami ng breakfast. Doon sa isang maliit na resto kami kumain. Adobong manok at rice ang kinain namin.

After noon ay sumakay na kami sa jeep. Maluwag naman ang laman ng sasakyan dahil mga 11 lang kami. Pero dahil first time ko, ni Boss Fred at ni Tisay magpunta sa Batad, eggcited eggcitedan kami makita kung ano ang meron, ay nag top load kami apat kasama si Kuya Bry. 

Tagtagan kung tagtagan ang labanan. Sila mga nagsisakit ang mga waput (pwet) sa pagubo sa bakal na dahil sa lubak lubak na daan. May mga parteng patag at sementado pero after 50 meters ay rough road na ulit. At ako dahil sa Dyosa-dyosahan ay nakaupo sa maliit na sako ng bigay. Hahaha nagmamaganda ako sa knila hahaha. Ang epekto lang sakin ng lubak ay ang pagtalbog talbog sa bigay. Ayun sa bigat ko nabugbog ang bigas.

Maganda ang tanawin sa dadaanan. Dun pa lang ay makikita ka nang maliliit na Rice Terraces. At makikita mo na sa gilid gilid ng bundok at ilang bundok na ang nalagpasan nyo. Kitang kita mo din ang kitid ng dadaanan na konting liko lang ng sasakyan ay malalaglag na kayo sa bangin.


Mga 1 oras din ang byahe mula Banaue hangang sa Churva Point (nakalimutan ko ang tawag eh) kung saan kami bababa at magsisimulang maglakad.  Maganda ang view sa Churva place na yun. Kita mo ang dinaanan nyong mga bundok. Ayan oh nagpapicture sya. Ako din nagpapicture pero wag nyo masyado hanapin ang pics ko sa post na ito dahil kasalukuyang minamanas ako ng mga oras na iyan. Kaya pipiliin ko lang ang ilalagay ko pic ko. Hmpft!

Dun na nagsimula ang challenge! Nagrenta muna ako ng tungkod kay manong sa halagang 10 pesos. Kung bibilihin mo sya ay 40 sya. Yung mga bagahe namin ay pinaporter na dahil mabibigat. Hindi ko pa alam ang mga susuungin ng pagsubok kaya keber lang ako sa bitbit ko na malaking bag. Malay ko ba. Nagsimula kaming bumaba sa pamatay na hagdan. Isang bundok na hagdan! kung iisipin mo madali lang, jusme pagdating ko sa dulo ay bumibigay na ang tuhod ko. Dont get me wrong, matagal ng akong bumigay, pero this time may 2nd na pagbigay ang tuhod ko. Nagbabadya syang basta na lang bumagsak. 

Dalawang oras din ang inabot ng paglalakad namin. Pataas-pababa-pataas, Lakad-pahinga-lakad. Hindi ko na kinaya, pinabawasan ko na laman ng bag ko! Hahaha.. Maya award ako nun, Best in Pawis. Nakakaloka talaga. 

After 2 hours nakarating din kami sa aming paparoonan. Binaba lang namin ang aming gamit at dumeretso na kami sa school at inayos ang mga ipapamigay namin sa mga bata at sa eskwelahan mismo.  Ayos dito, ayos doon. Matapos kaming magayos, Pinakilala na kami isa-isa sa mga bata habang sila ay nakapila. After noon ay pinapila na namin ang mga bata isa-isa based sa kanilang baitang (grade) para mabigyan na ng kanya kanyang supplies.

Nakakatuwa ang reaction ng mga bata. Mas nakakatuwa ang pakiramdam kapag nakita mo na ang mga ngiti nila at nagpasalamati sila sa iyo. Kakaiba ang feeling. Masaya ang pakiramdam ng nakakatulog. Kahit epal lang kami dito, iba pa rin ang pakiramdam. Kita mo sa muka ng mga bata ang appreciation at saya. 

Makukulit nag mga bata. After nun ay nagpicture picture taking kami kasama sila. Binigyan ng konting meryenda na donut at jabi burger. Pero pati syempre kami gutom na. Kaya nakikain na din kami sa knila. Haha.

Pagod na pagond na kami ng oras na yun kaya kahit maaga pa, hindi na namin naituloy ang balak na pumunta sa falls. Naglinis at nagpahinga na lang kami. Inenjoy ang view ng rice terraces sa batad. Hongonda diva!

At dahil mga manginginom ang kasama ko, ahem, ako na din pla, maagang nagsimula ang inuman. Nung una eh kaming 4 plang, ng pagkatapos nila magpahing at medyo dumidilim na eh unti-unti na kaming nadagdagan. Hangang sa lahat na kami.

Ang saya ng inuman/kantahan. haha Puro tawa lang at kalokohan. Antonov, The Bar at may Shontoc (spell check). Hindi man lang kami nalasing sa kakatawa kahit hapon pa lang ay nagsimula na ng inom. Pagkatapos ng inuman ay nagutom kami. Walang dinner-dinner pa kasi yun. Haha so lafang na muna bago dumeretso sa kwaro at humimlay sa kama. Walang bintilador sa room. Simpleng higaan, unan at kumot lang tlaga. Hangin na galing sa bintana lang ang magsisilbing pampalamig nyo. At infairview, hindi malamok. Sa pagod ng araw na yun ay nakatulog naman ako ng mahimbing. Haller! Katabi ko pa sa pagMeme ang crush ko! (Crush lang daw oh! Plastic!). Hindi ko akalain na kinabukasan ay wala pa sa kalingkingan ang dinanas ko na muntik na pagbigay ng tuhod ko sa hagdan.

To be continued.....

Monday, April 11, 2011

..UNFAIR..

Nagugulantang ako sa mga reactions ni Bogs lately.

May tantrums.

Alam nyo naman ang story namin. kung hindi edi magbasa kayo! Hahaha uulitin ko nanaman ba?

Natanggap ko na ang relasyon namin ay hanggang pang-magkaibigan lang. At ayus naman kami sa ganung set-up.

May mga nagbago nga lang. Nalayo na ako ng tirahan. Hindi na kami ganun kadalas magkita. Yung basta maisipan at wala naman akong gagawin ay magkikita kami. At syempre, hindi na rin ako magiintay. Kapag may dumating at makapukaw ng atensyon ko, pede at may karapatan naman ako siguro i-entertain.

More than 2 weeks ago, I went out with someone special. Saka ko na spluk kung sino, ibang blog na lang yun. Kinuwento ko sa kanya yun.

Bogs: May lakad ka ngayon?

BB: Merun, may date ako. May usapan kami ng friend ko. We will pretend na magboyfriends for a day.

Bogs: Wow! Malay mo magwork.

BB: Haha, wish ko lang. Tagal ko na din walang bf no.

Bogs: Sige hindi muna ako magttxt.

BB: Bakit? Ok lang naman magtxt ah.

Bogs: Nyeak. Baka makaistorbo ako.

After nun hindi sya nagparamdam ng 2 days. Ok lang naman kse sobrang high pa ako sa date. As in yung tipong parang napapa "Nangyari ba yun? o Panaginip?" na tanong ako. Parang ang magical lang. Anyways, ibang kwento nga yun.

Ilang araw at linggo ang nakalipas, normal na usapan lang. Kagaya pa din ng dati. Hangang sa isang araw, nagukwentuhan kami habang papasok ako sa opisins, bigla nya naisingit.

Bogs: Musta na kayo ng boyfriend boyfrenan mo?

BB: Ayos lang naman kami ni B. B din kse ang gusto nyang tawag. Susunduin nya ako bukas dito sa opis

Bogs: Ah ok sweet ah. Baka kayo na ayaw mo lang sabihin.

BB: Haha hindi pa nga kami...Aamin naman ako kung kami na. Kilala mo ako, proud ako kapag ganyan.

Bogs: Ok. No comment bahala ka nga.

BB: Hahaha ayan nagagalit ka nanaman

Bogs: Bakit nagpapasundo pa marunong ka naman umuwe ;(

BB: Haha hindi ako nagpapasundo. May lakad kasi kame, dito sya matutulog bukas.

Bogs: Wala ba syang bahay bakit sa inyo matutulog?

BB: Taga ****** po kasi sya.

Bogs: Anu naman sus! San mo ba nakilala yan? Bahala ka na.

BB: Amamin ka nga... Nagseselos ka ba? Inaaway mo ako.

Bogs: Hindi! Sleep na ako.

BB: Lagi mo na lang ako inaaway.

Bogs: Enjoy. Cge na. May pa bogs ka pang tawag eh may B ka pala tsk tsk

BB: Dati ko na sayo tawag yun eh. Alangan naman ibahin ko yung dahil may dumating na bago. Bakit ka ba nagagalit? Teka di ba ikaw ang may ayaw sakin. Ok naman ako ah. Bakit ikaw ang hindi ok ngayon? Nang-aaway ka.

Bogs: Sinabi ko ba na ayaw ko sayo? May sinabi ba ako, may ginawa ba ako sayo at sinasabi mo na ayaw ko? Wala naman ah.

BB: Hindi mo sinabi na ayaw mo sakin. Hindi naman yun ang point. Ang sabi mo ayaw mo maging tayo, kasi alam mo pasaway ka. Ano ang gusto mo gawin ko?

Bogs: Wala, may magagawa ba ako? Im sorry i got jealous lang. Text ka na lang if may problem ka ang sad.

BB: Iti-txt kita kase miss kita, kse friend kita, kasi madami tayong pinagsamahan. Hindi dahil sa may problema lang ako at sad ako..

Bogs: Kaw bahala. Madaming magbabago.

BB: Dahil magbabago ka? Ikaw ang bahala. Basta ako alam ko ginawa ko lahat para sayo. Andito lang naman parin ako. May jowa man ako o wala.

Natapos na ang usapan ng hapong iyon. The usual day at work. Hindi ko hinayaang mabad trip sa pagka-adik ni Bogs. Lalo na at excited ako para sa susunod na araw.

Kinagabihan, paguwi ko ng bahay ay nagtxt nanaman sya. Ok lang naman. Parang walang nangyari nung hapon. Usual na kwentuhan. Ano plano sa holy week ganyan. Tapos nagpaalam na ako matulog dahil antok na ako at pagod na ako galing sa trabaho at nagjogging pa after.

BB: Matutulog na ako. Goodnight :)

Bogs: Cge enjoy kayo ng bf mo.

Wala naman sanang kaso yung sagot nya na yun kung hindi nangyari ang usapan nung hapon.


BB: Matutulog na lang ako humihirit ka pa. Hindi pa kami magjowa... Sasabihin ko sayo kung kami na.

Bogs: Wag mo na sabihin.

BB: Isang tanong isang sagot... Love mo ba ako more than friends? As in as Boyfriend?

Bogs: Hindi na, wala na.

BB: Hindi na, wala na? Hindi mo man lang ipinaalam.. Hindi mo man lang ipinaglaban.. Napaka unfair mo..

Bogs: May bf ka, its late na to naswer your question.

BB: Wala pa akong BF... Kung ayaw mo maniwala edi wag... kung duwag ka kasalanan mo yun.. Nasasaktan ako Oo.. Napaka unfair mo eh..

Bogs: Sleep na ako bahala ka

BB: Matulog ka na duwag ka..

Bogs: Sweet dreams. Lilipas din bad trip ko. Pasensya na.

BB: Sweet dreams? Sa tingin mo paano ako makakatulog ng maayos nito..Sa tagal ko na pag-aantay hindi mo ako ipinaglaban.. Wala naman talaga ako magagawa kundi magpasensya.

Bogs: Matulog ka na. Bukas ok na ako at ikaw.

Nung gabing yun hindi ako kaagad nakatulog. Sa pagkaasar! Sabihin na natin na wala na sa akin ang panghihinayang na bakit hindi naging kami. Kasi nga may gusto na akong iba.

Pero yung feeling at tanung na bakit hindi sya naglakas ng loob noon? Bakit hindi nya ipinaglaban ang nararamandaman nya noon kung totoong merun? Hindi ba worth it na ipaglaban nya yun para sa akin? O nagkakaganyan lang sya dahil natatakot lang sya na mawala ako dahil may dumating na na iba?

Kahit anu man ang sagot..hindi na siguro mahalaga.. basta ako.. enjoy at masaya dahil nandyan na si B.  Unfair ba? Mas una syang naging Unfair..