Saturday, August 20, 2011

Hindi Ako OK

Hindi ako Ok.


Mahirap din aminin yan sa sarili. Lalo na kung hindi mo alam kung ano gagawin mo o kung tama ba ang ginagawa mo para maging maayos ka tulad ng dati. Minsan parang mas madaling i-deny na wala kang problema, na ayos lang ang lahat, na kaya mo. Pero hindi rin, kasi habang kinikimkim mo lang ang lahat, pilit itinatago, lalo lang naiipon at nag-aantay  na sumabog.

Kaya eto ako ngayon, isinusulat na hindi ako ok. Wala muna akong pakialam kung sino ang makabasa. Wala muna ako pakialam sa magiging reaction ng iba. Ngayon tao lang muna ako na nasasaktan, may pinagdadaanan. Na ginagawang outlet ang pasusulat para maibsan ang nararamdaman. So bakit nga ba ako hindi ok? Kasi....

Nagmahal ako. 

Nagmahal ako ng isang tao. As usual kapag nagmahal ako, nasasanay akong andyan sya. Hindi naman sya basta-bastang tao lang. Naging kaibigan ko din naman sya bago ko mahalin, katulad ng mga minahal ko nung nakaraan. Kung tatanungin mo ako bakit ko sya minahal, katulad ng mga sagot ko kung bakit ko minahal si B1, B2 at B3, hindi ko din alam. Basta nararamdaman ko na lang na nagmamahal na ako. Na concern na ako. Sabi nga ni Ate Shawie "I care about You". Wag na mangealam kung bakit linya ni Ate Shawie nagamit ko. Eh yun ang unang naisip ko ngayon eh. Basta kung ano lang maisulat ko ngayon. Derederecho lang ako sa paglalabas ng nararamdaman. Tsaka bakit ba, Sharonian ako nung prep ako noh! Kapayatan nya nun.

Pero ganun talaga, alam naman ng lahat ng nagmahal at nagmamahal, na kasama ng pagmamahal na ibinibigay mo ay ang sakit na mararamdaman mo.

Pagod na.

Napagod na din siguro ako. Hindi siguro, siguradong napagod ako. Pagod na pagod. Nandyan na ako simula nung una pa lang. Nung namomroblema sya sa NOONG nyang jowang demonyo nya. Wag ka mangealam, demonyo talaga yun sa paningin ko. At demonyo din talaga ang tawag ko sa kanya. Nandyan ako nung naghiwalay sila. Nandyan ako ng nagkaroon sya ng isang caller, nang nawala ang isang caller. Nang nagkaroon ang 1, 2, 3 -100th caller. Nandyan din ako nung nawala ang 1-90th caller. Joke lang, hindi ko alam kung ilan. Napagod din ako sa kakabilang, wala na din akong pakialam.

Nakita mo, nandun ako simula nung umpisa. May dadating na isa makikipag kumpetensya ako sa atensyon. Mawawala ang isa, winner ako! May darating na isa, kumpetensya na naman. Mawawala, winner nanaman ako! Wala nang katapusang pagdating at pag-alis nila. Hindi biro ang laban. Dehado ako! Oo may pinagsamahan na, at maganda ko. Eh malandi sila! Ganda vs. Landi. Sige nga! Ang mahirap neto, ako haggard na sa mga nakaraang laban, sila fresh na fresh pa lang pagpasok ng ring! Puta daig ko pa si The Rock na nakikipaglaban sa Royal Rumble. Buti sana kung kasing manhid ako ng bato.

Hindi ko na kinaya.

Hindi naman ako nagtataka kung madaming maghabol. Pero hindi rin naman nga ako bato. Kahit sinasabi na sinasakyan mo lang. Nakikipagkaibigan lang. Hindi ko naman maiwasang magselos. Lalo na kapag may nagsabi potaena umagang umaga katulad kanina ng "I Miss You" sayo. Sasagot ka naman ng " Miss you Too".  May magtatanong sayo kung san ka pupunta tpos hihiritan mo ng "Sa puso mo". May mga epal na mukang mongoloid na magbobombard sa FB wall mo ng mga walang kwentang pagbati at ginagantihan mo naman sa wall nila. Naasar ako dahil hindi ko yun pedeng gawin dahil kapag ako ang gumawa nun maiissue ka sa barkada mo. 

Isa sa pinaka masakit nun yung sobrang saya ng mga post mo, may mga sinusulat ka pang mga kanta para dun sa caller mo. Tapos super proud ka pa na walang nakakaalam kung sino tumatawag sayo gabi-gabi. Sinabi mo pa na kahit ako hindi ko alam kung sino ang tumatawag sayo. Wow accomplishment mo ba na hindi ko alam kung sino ang tumatawag sayo para ipost mo yun at ipagmayabang mo sa ibang tao. Siguro accomplishment mo dun yung nabigyan mo ako ng napakadaming insecurity sa sarili. Na ganun kabongga ang tumatawag sayo para ipagmalaki mo na hindi ko sya kilala. Eventually nung magkasama tayo, sinabi mo din sakin kung sino. Tama ka, hindi ko nga sya kilala. At wala akong pakialam sa kanya. Dahil eventually ulit, nalaglag din sya sa ring. 

Kaso may dumating ulit. Sabi mo "May bago akong caller, bet ko sya". Taena gandang timing! Nasa Boracay ako! Gandang pampaganda sa bakasyon di ba. Nasa Van ako pauwi katabi ang Mama ko, naiiyak ako sa mga tugtog, pasalamat sa salamin ko, hindi kita ang pagluha. Nasa loob na ng eplen nakashades pa din! Nung sumunod tayong nagkita sinabi mo may tawagan kayo. Babes. Haha isa sa mga pinaka hate ko pang tawagan. Babes. Tinanong din kita sino mas matinbang samin. Matagal bago ka nagsalita kaya sabi ko "Wag mo ng sagutin". Kasi takot ako madinig ang isasagot mo.  Pero sumagot ka pa din ng "Hindi ko masabi".

Sana talaga hindi ka na lang sumagot. Sa sagot mong yun, dalawa lang ang ibig sabihin ng estado ng wrestling namin ni Babes. Kung hindi kami pantay, lamang sya. Yung pa nga lang na pantay kami ang hirap na tanggapin eh. Andyan ako simula sa simula! Andyan ako palagi! Andyan ako! Pantay!? Tinanung ko kung naga "ILoveYou" kayo sa isat-isa. Syempre kahit hindi ako malandi alam ko gawain ng mga hitad! Kaya naitanong ko yun. Sumagot ka ng OO. Pero sabi mo ngayon hindi ka na masyado naga-IloveYou. Matutuwa ba ako? Kse hindi na masyado?

Gusto kong umiyak nun. Naiiyak na ako nun. Sinubukang kong ibuhos ang luha ko. Kaso ayaw. Buti pa ang luha ko may kahihiyan. Ayaw pumatak sa harapan mo. Hangang garalgal na boses lang ang nailabas ko. Tinanong ulit kita. "Kelangan ko na ba magMove-on?". Hindi ko naman kailangang itanong yun. Gusto ko lang malaman ang sagot mo. Gusto ko lang madinig mula sa iyo. Ano ang sagot mo? "Wag muna". Ok sana kung yun lang ang sagot mo. Pero winner talaga nung sinabi mong "Sasabihin ko na lang sayo kapag kailangan na". 

Anu yun!? Anu yun!? Nakadepende sa kakalabasan ng kembutan nyo ng babes mo kung ano mangyayari sa atin? Kung hindi kayo magwork-out try natin yung sa atin!? Sana ininsulto mo na lang ako. Sana minura mo na lang ako. Sinabihan mo na lang ako ng walang kwenta. Feeling ko gulong ako, nakareserbang pampalit sa masisira!In Fairness hindi pa kayo nagkikita nyan ah.

Dumating nag mga araw hinayaan ko na lang muna ang nangyari. Deadma kung hindi ka na naggu-Goodnyt tulad ng nakasanayan. Yung may kasamang kiss na "Mwuah" at Emoticon. Hindi na kita sinita. Wag na lang kesa napipilitan ka na lang. Deadma na din ako kapag tumatawag sayo ay nae-echapwera ako dahil hindi ka nagrereply sa txt ko. Sinabihan na lang kita na wag mo tatawaging Babes yang bakla mo kapag ako ang kausap mo. Sumunod ka naman. Kaso lang naWrong send ka. Oo hindi mo naman sinasadya. Pero yung mabasa ko ang mga salitang Babe, Mwuah at Love You na magkakasama sa txt, napatulala na lang ako sa sarili ko. Ganun na ba ako kawalang respeto sa sarili ko para manatiling nakatayo sa ring?

Desisyon

Hindi kita kinausap buong maghapon. Kinakalma ko ang sarili ko na wag sumabog. Iniisip ko kung ano ba dapat at tama kong gawin. Iniisip ko kung kakayanin ko bang gawin. Iniisip ko kung pano ko sasabihin sayo. Iniisip kita, ako, tayo. 

Pagdating ng hapon nag DM ka sakin humihingi ka ng sorry hindi mo sinasadyang ma-Wrong send. Sabi ko "Yeah I know". Hindi mo naman sasadyain yun kase alam mong masasaktan ako. Kaso naWrong send ka nga. At nasaktan nanaman ako.

Kaya nagdesisyon ako manahimik muna. Sayo, at sa atin. Hindi ko naman tatapusin ang lahat. Hindi ko tatapusin ang pagkakaibigan. Tatapusin ko lang ang pag-asa na merun ako na maging Champion ng Royal Rumble. Siguro ang magiging titulo ko sa pagsuko na ito ay Biggest Loser. 

Dont get me wrong. Madami akong ipinapasalamat. Maraming times na napasaya mo ako. Natupad mo ang ibang mga pangarap ko. Nabigyan mo ako ng comfort. Kaso naghangad ako ng mas higit pa. Hindi mo din naman ako masisisi diba. Hindi ko din masisisi ang sarili ko. Kelangan natin aminin pareho yun. Pinagkatiwalaan mo ako, hindi ko naman sinamantala. Pinagkatiwalaan din kita, ang mali ko lang hindi ako nagtira, ibinigay ko ang lahat. Kaya eto, nasa magkaiba tayong katayuan.

Nung nagpaalam ako, we both want good things for each other. Kaya nung sinabi mong hindi mo man ako naiintidihan kasi siguro hindi ka pa nagmahal ng totoo at hindi ka pa nalalagay sa sitwasyon ko. Sana hindi ka malagay sa sitwasyon ko. I also wish you happiness. Besides kapag ok na ako ulit, i'll be back being your bestfriend.


No comments:

Post a Comment