Monday, January 31, 2011

2010 Kembot- Hello United Kingdom! - Petrang Kabayo Edition...


We have been invited by our company's CEO (UK main office) to this company sponsored horse racing, this is a social event in England, the William Hill Lincoln Meeting. We were given the pleasure of meeting the top execs of our company and able to enjoy the luxury of experiencing the event as one of the them...they were very nice..And we just enjoyed acting as one of the Matapobres... hahaha

We dreaded to attend the event as we would be required to dress up... at dahil dyan...we gave justice in acting as the Matapobres! kelangan namin ng hustisya! makibaka! 



Syempre ang ginapanan ko ay si Cedie, ang munting popstar pwincess!


Naku! This is my first time to wear a complete set of monkey suits! Buti na lang hindi ako umarteng unggoy.


Hindi naman namin inaasahan na aatend kami sa ganitong klaseng event. Hindi kami ready! At wala naman kaming dalang damit para sa ganitong okasyon.


Kaya ang nangyare ay binigyan kami ng budget para pambili ng damit! Hindi ba ang saya! At ang bongga sa lahat, sa Marks and Spencers ako namili ng kasuotan ko! Naku kung dito sa Pilipinas hindi ako willing bumili ng ganyan! Pero doon sa England, mas mura ang M&S! At sale kung sale! From head to toe doon ko binili.


Take note ha! Manonood lang kami ng karera ng kabayo, kelangan formal formalan ang kasuotan! Itry mo kaya dito sa Pilipinas yan, kung hindi ka mamatay sa init ng suot mo, gagawa ka pa ng eksena sa karerahan! 




Shala naman talaga makasalamuha ang mga elite, bukod na sa balkonahe kayo nakapwesto, kitang kita nyo ang buong pangyayari sa pagkakarera ng kabayo, ay may sosyal pa kayong pang fine dine-in lunch. Syempre ang usual ng set ng meal sa kanila ay tatlo! Apetizer, Main Course at Dessert. Yun ang normal na pagkain sa kanila. Minsan nga kapag sa hotel kami kumakain, inaabot kme ng 2hrs for dinner lang! Sa tagal ng preparation ng mga courses.

At dahil sa mga nakahain, di namin pinalagpas ang pag-inom ng sosyal at masarap na Champagne. Overflowing! Sobrang lamig kasi, kaya kelangan namin ng pampainit at pampakalma. :))
 At syempre, dahil sa event na iyon, Hindi na rin namin pinalagpas ang pagtry tumaya sa karera! haha nanalo naman kami ng isang beses. Pero dalawnag beses natalo. Ok lang naman, pera din naman ng company ang pinangtaya namin eh.

Bukod doon, kami din ang pinapili at nagjudge kung anong kabayo ang well groomed. May sariling price kapag sila ang napili. Pero malay ba naman namin kung pano namin malalaman ang well groomed sa not so well groomed? Hindi ko pa naman natry mag-alaga ng kabayo noh! At dahil dyan, biased ako, nakadepende kung cute ang nag-aalalay sa kabayo! Kung gurlash! lost! wahahaha



Iyan ang ilan sa mga kabayo na kasali sa takbuhan. Hindi ko na matandaan kung sino ba ang nanalo. Madami kasing categories ang karera.


Sya ang nasa pinakamataas na posisyon sa company namin, ang CEO. Mabait yan at approachable. Parang lolo lang ni Cedie ang pakiramdam ko sa kanya. Diba kamukha nya si Lolo KFC?


At ang nasa dulong kaliwa naman ang 1st lady. Nagkauntugan kme kse nalaglag yung shades ko at sabay naming inabot. hehe


Ay kasama din pla namin sa lamesa si Justin Bieber. Naku hasler yan sa pagtaya sa karera. Madalas tama ang tinatayaan nya. Pero since minor pa sya, hindi pa sya pede tumaya sa karera, pero sa sugal ng pag-ibig at paglandi pede na! hihihi

Naging memorable ang lakad namin na yun. At napagod din kame sa pagpapanggap na maging prim and proper. Pagbalik ko sa hotel, ang sakit ng paa ko. Hindi na ako sanay nakasuot ng black shoes lalo na kung may 2inch hills yun! haha

Saturday, January 29, 2011

2010 Kembot- Hello United Kingdom! - York Edition...

Sa unang weekend namin sa England, gala agad ang inatupag namin. At sagot naman at recommended naman yun ng office namin so why not!? 

Nagpunta kme ng York. Dun daw kse makikita ang mga ancient streets at walls at ang set-up ng lugar ay makaluma prin so that we could have an idea what was their past looked like.

Ganun kse sa England, hindi sila mayaman sa natural resources as tourists spots katulad dito sa Pilipinas, mayaman sila sa history and culture.

9 train stations ata ang layo ng York sa Leeds. mga 2 hrs din ang byahe ng sosyal na train.

First stop namin ay ang Museum ng mga train.

Ang National railway Museum. Puro lumang trains ang mga nandito. Panu sila nagsimula nagkaroon ng train. Anung mga modelo ang nagkaroon sila. Mga luma at makabagong train.



Parang bumalik ka lang sa sinaunang panahon. Puro bakal at sasakyan. Hindi ako fan ng gantong klase ng Museum. 



After namin sa Museum, nilakad na namin ang daan papunta sa lugar kung saan andoon ang simbahan at ang mga ancient aisles. Yun nga lang.. sa temperature ng UK ay umulan! jusmeo! Negative 1 na nga ang temperature, sinabayan pa ng pag-ulan. San na lang kami pupulutin nun sa lamig.



Una naming pinuntahan ang simbahan. Umaga pa ng una namin syang puntahan. At sya ang ginawa din naming landmark para malaman namin kung saan ang daan pauwi. Magaganda ang simbahan sa kanila. Mga mukang castles. Nagaabang nga ako kung may lalabas na prinsipe at may hawak na glass slippers na magtatakang ipasukat kung kasya sa akin. hehe. Ang arte! Cinderella lang.


After sa Church ay naglakad na kme sa mga kalsada ng York. Feeling ko naman ay nasa loob ako ng Harry Poter movie. In fairness naman kse ay may pagkakahawig sila. Dito din sa UK nagshooting yun eh. Kala ko nasa Diagon Alley ako. hehe Malayo layo na din ang nalakad namin. Doon na din kme kumain sa isang authentic Italian Pizzeria. 




At dahil papagabi na, nagpunta na kme sa gagawin naming activity. Ang Ghost Walk. Uso sa nila ang ganon. isasama kayo ng isang guide para maglibot. At tignan mo ang guide namin, emote na emote ang boses, husky! Husky na nga Brit accent pa, nastress ang tenga ko sa pakikinig. Hindi naman nya sinabi na naka Pirate costume sya, sana nag corset at boots na din ako para mafeel ko ng attire habang naglilibot!Medyo nakakatakot ang mga kwento ng bawat lugar. Minsan titindig ang balahibo mo dahil iba ang pakiramdam ng lugar. Hindi ko alam kung totoo, pero wala na akong balak alamin pa. Malay ko totoo edi napahamak pa ako. 



After ng Ghost Walk, bumalik kme doon sa pub na lugar kung saan simula ng tour. Sa Black Swan. Diba parang toyo lang? Doon ko unang natikman ang beer nila. Hindi kasing tapang ng dito sa atin sa Pinas. Mas mahina ang sipa. Mas nakaka bloat lang! 

At doon natapos ang gala namin sa York. Umuwi kme sa Leeds ng mamasa-masa at pagod sa kalalakad. Haha


Thursday, January 27, 2011

2010 Kembot- Hello United Kingdom! - Leeds Edition

Nuong bata ako, kapag tinatanong ako kung saang lugar gusto kong makarating, tatlo lang ang lagi kong isinasagot. USA, para makita ko kung saan sumasalakay ang mga Aliens, sa Italy kse masasarap ang mga spaghetti daw doon, at sa England para makilala si Prince William...talandi!

After ng 1 week na pagpunta sa Israel, pagdating na pagdating ay inasikaso na namin agad ang visa namin papunta ng UK para sa isang buwang traning DAW. Sakto sa mismong birthday ko, naapprove ang visa ko.

Grabe, kung matagal ang byahe papunta ng Israel eh mas majugal portugal ang byahe papunta ng UK. Pero di hamak namang mas komportable ang eroplanong sinakyan namin simula Hongkong (connecting flight) hanggang London. Mas maluwag ang makikilusan mong space sa eroplano, may kanya kanyang TV screen at masarap na plane food! Hindi nga lang ako nakatulog sa byahe. Nakatatlong movies ata ako noon at 3 cd albums!

Pagdating namin sa Heathrow Airport sa London, nawindang ang pores ko sa lamig! At kaloka ang byahe papunta sa Leeds kung saan nakabase ang aming opisina. Sakay ng train papunta sa Kings Cross Train Station kung saan lilipat ulit kme ng train na babyahe ng 3 oras pa papunta ng Leeds.

Nangingisay ang mga kalamanan namin noong umaga na yon. feeling mo nakahubad ka pati brief at nakatapat ka sa aircon! Hindi sapat na makapal na jacket lang ang suot ko. Kelangan ko mag gloves at scarf para mabawasan ang lamig na pumapasok sa kanasa-nasa kong katawan. Chos!

Kumportable ang mga train nila doon. Well maintained ang mga subway. Hindi ko maimagine kung ilang levels sa ilalim ng lupa ang ginawa nila para sa knilang subway. Ang mga train, classic ang itsura kung titignan sa labas. Pero sa loob ay well maintained at may free wifi connection pa.

Pagdating namin sa Leeds, sinundo kami ng contact namin sa opisina namin doon. Mula doon ay nagproceed na kme sa City Inn kung saan magiging bahay namin sa loob ng isang buwan. Maganda naman ang hotel na yun. May pagkasosyal nga eh. may free wifi connection sa buong building, may Macbook bawat room. At katulad ng sa Israel, kanya kanya kaming room. Hay naku, kedami kong nasisite na bumibisita sa hotel na kanasa-nasa! Kaso baka duguin ako sa kanila! Ilong ko ha, sa page-English na may British accent! Hindi sa kung ano!
Naging maayos naman ang pagstay namin sa Leeds, naglibot libot kami doon. Sa mga shopping center, may mga establishments din na meron dito sa Pilipinas. McDonals, Burger King, Starbucks. May mga Asian Restaurants din doon. Hindi katulad sa Israel na hirap na hirap kami sa paghahanap ng pagkain. Hindi nga lang lutong Pilipino.

Maganda ang kanilang lugar, sumusunod ang mga tao sa tamang tawiran, sa tamang sakayan, may oras ang dating ng mga bus, at tama ang binobroadcast na tala ng panahon. 

May reklamo lamang talaga ako doon. Pagsapit ng ika-6 ng gabi, nagsisimula ng magsara ang mga establishments. Bukas ang mga pub, ngunit hangang ika-10 lamang ng gabi at sa panahong iyon ay sarado at nakabakasyon ang mga Unibersidad. Walang mga papable students! At puro beki ang nakita ko sa pub.

Masarap mag-Shopping sa kanila. Sale kung sale. Mura ang mga Chocolates. Muntik na nga ako ma-overdose. Araw-araw bumibili ako ng chocolate galing sa daily allowance namin. Kaya sa loob ng isang buwan, nakaipon ako ng madami. Natyempuhan din namin na nagsale ang Marks and Spencer, ayun naghakot ako ng mga pabango at body wash ng pauwi ng Pilipinas. Kaya kung nag over baggage ako, chocolates at M&S yun! 

Nag-enjoy ako sa pagstay namin sa lamig sa Leeds. Pero syempre at the end of the day, naiwan ko pa din dito sa Pinas ang puso ko. Nandito ang bahay at buhay ko. Hindi ko pa naililipat. :)

May mga gala pa kme dito sa England sa labas ng Leeds at ibabahagi ko ito sa susunod na kembot ko! :)

At pahabol lang, Inenjoy ko talaga ang lamig doon at umaarte ako sa pang-ginaw! oh di ba!?