Tuesday, February 1, 2011

2010 Kembot- Hello United Kingdom! - London Edition...

WestMinister Abbey
Uwian na! After 1 month na nasa Leeds kami at nag-aral aralan ng bagong system at trabaho na ililipat sa Manila, sa wakas ay uuwi na kami.

Binigyan kami ng 1 day para makapag-gala sa City ng London. Pinabook kami ng Hotel doon ng company, binigyan ng baon sa pag-gala. Ang saya diba?

Syempre sinamantala namin yun. Kasi kasama sa train ticket namin 
na galing Leeds papunta ng London ay ang unlimited train ride ticket around London.

Kinita din namin ang mga kaklase ng officemate namin na doon nag-aaral at nagwowork sa London. Sila ang maggagala sa amin doon.

Madami kaming napuntantaha.

Pagkatapos na pagkatapos namin pumunta at magcheck-in sa hotel, umalis na gad kami para gumala. At pagbaba namin sa Piccadilly Station, dumaan kami sa park. May mga nakasabay kaming mga batang estudyante na gumagala din at naka boyscout attire. At may mga magjojowa na walang pakundangan maghalikan sa damuhan! 

Nang-iingit? Sayang wala akong tirador! tinirador ko sana.






Buckingham Palace

Royal Guard


 Galing sa Park doon na namin makikita sa kabilang kalsada ang Buckingham Palace, niyaya pa naman ako ng Queen at ni Prinsipe William na magTea kasama nila pero I declined. Busy kasi ako at kailangan ko pa maggala. Choz! Ang daming mga turista. At nakipagsingitan para makapagpapicture sa Royal Guard.



Victoria Regina 

Sa tapat mismo ng Buckingham nandoon ang mataas na statwa na ito. Dyan nagtitipon ang madaming tao. Ang daming turista na iba-iba ang lahi. Iba-iba din ang lenggwahe. At higit sa lahat, iba-iba din ang amoy!


St. Paul's Cathedral

After namin sa Victoria, naglakad-lakad pa kami ng medyo malayo at nakakaligaw papunta sa St. Paul's Cathedral. Naabutan namin na patapos na ang misa. Nagdasal na lang kami na sana maging maayos at ligtas ang byahe namin papunta sa Singapore kinabukasan kung saan doon ang connecting flight namin papunta ng Manila.


Big Ben


WestMinister Cathedral


House of Parliament



London's Eye and London's City Hall


Walking distance from the Cathedral, doon sunod-sunod na amg iba pang mga land marks, ang WestMinister Church kung saan ikinakasal ang mga maharlika. Doon din ata sila ibinuburol. Ang WestMinister, kung saan nagku-convene ang Congress nila. Ang sikat na Big Ben, simple pero sikat na orasan. Ang London's Eye, isang malaking Ferries Wheel kung saan makikita mo ang buong London kapag nandoon ka sa itaas nito.




Tower of London

London Tower Bridge


London Tower Bridge

Mula sa London's Eye, naglakad kami papunta sa train station papunta sa Tower of London. At galing doon ay makikita at mapuputahan mo din ang London Tower Bridge. Sayang hindi pa ang sikat at tampok sa kantang "London Bridge is Falling Down, Falling Down" ang napuntahan namin. Sobra ng tower. :)

Leicester Square

Galing sa London Tower Bridge, nagtrain kami ulit papunta sa Leicester Square. Gasgas na gasgas na namin ang train card namin. Pede kseng gamitin yun sa kahit na anung line ng train. Hindi katulad dito sa atin na iba-ibang train, iba-iba din ang card na dapat gamitin. Anyway, diyan sa Leicester ginagawa ng mga premier night ng ibat-ibang pelikula katulad ng Harry Potter series. Diyan na din kami kumain ng dinner. Sa isang Chinese Restaurant.


Reiply's


Beleive it or Not

Ang next at last stop namin after kami ilibre ng dinner ng mga kasama naming taga doon ay ang Reiply's Beleive it or Not. Nakakatuwa ang lugar na yon. Matapos namin doon at sumakay na ulit kami ng train pabalik ng hotel. May nakasalubong kaming ng becky na corss dresser. Natawa ako, parang dito lang din sa pilipinas ang drama. 

All in all super natuwa ako sa paglilibot ng London. kahit sumisigaw na sa sakit ang paa ko. At tuwing nakakakita ako ng movies katulad ng Harry Potter at Sherlock Holmes, natutuwa akong makita yung same place na nagalaan ko na. :)


London Heathrow International Airport

Kinabukasan ay flight na namin papunta ng Singapore. Supposed to be ay 1pm ang flight namin. Buti na lang mga 3 hrs before ang nasa airport na kami. Kaloka, may sumabog na bulkan ang nagbuga ng madaming ash! Nausog ang flight namin 2hrs earlier. sakto lang ang dating namin doon dahil isasara ang airport pagdating ng 12nn. Kung hindi kami umabot sa earlier flight na 11am, naku magstay pa kami doon sa kanila ng 2 weeks pa dahil sa tagal bago magclear ang sky nila.

Uwing-uwi na ako ng Pinas nyan!