Ang post na ito ay hindi kathang isip lamang, ito ay hango sa tunay na pangyayari. Ang katauhan ng mga nasa kwento ay sadyang iniba upang maitago ang pagkakakilanlan dahil sa rasong pang seguridad. SOCO!?
Ang kwentong ito ay hindi tungkol sa pinanggalingan ng salitang "Bhe". Ito ay tungkol sa kung bakit sinumpa sumpa ni Boss Becky ang endearment na Bhe, Baby, Babe o anu mang tawag na kahalintulad dito.
Lagpas dalawang taon na ang nakalilipas, nagkaroon ng kasintahan si BB. Ang kanilang naging tawagan sa isat isa ay Boss. Ayaw kse ni BB ng sobrang sweet na tawagan sa kadahilanang magkapareho sila ng kasarian. Ang gusto nya ay yung kahit sa harap ng mga kamag-anak, kaibigan, sa harap ng madlang people ay pede nilang ipagsigawan ang tawagan nila. Kahit pa sa magkabilang panig ng kalsada magsigawan.
Naging masaya naman ang kanilang samahan sa paglipas ng mga araw at linggo. At nakalagpas sila sa sumpa ng 3 buwan.
Hindi ba nga at sinasabing ang bawat 3 ng relasyon ay sinasabing may sumpa? 3 months, 3 yrs, 3 decades? sumpa pa ba yung 3 decades? hahaha. Ewan ko kung sino ba nag-imbento ng mga yan. Ako lang ata.
Bawat monthsary nila sila ay nagdiriwang. Nung ika-apat na buwan ng monthsary nila, dahil sa hindi ko matandaang kadahilanan ay hindi sila nagkita. Gusto ng plano ni BB ngunit ang kanyang Boss ay wala daw atang oras.
Kinabukasan, hindi nagpaparamdam si Boss kay BB. Deadma lang si BB dahil weekday naman. May pasok sila sa kanya-kanyang trabaho. Ngunit nung gabi na habang nasa shuttle si BB pauwi galing sa opsina, nakatanggap sya ng text mula kay Boss.
Boss: "Bhe 9pm na, asan ka na po ba?"
Ang BB, shock na shock! Bhe? Sino ang Bhe! Nanlumo, sinukluban ng paghihilakbot, pinagpawisan ng malamig at sumakit ang dibdib.
Nireplayan nya si Boss.
BB: Wrong send ka, hindi ako si Bhe, si Boss ako remember?"
BB: P*t*ng *na! Sino yang Bhe ha!
Boss: "Bakit galit ka? Typo-error lang po"
Typo-error? Lalong na shock si BB. Tinignan ang ang keypads ng cellphone. Sinuri ang pagkakasunod-sunod ng letra.
Bhe at Boss.
Both starts with B.
Ang H ay nasa 4. Ang O ay nasa 6.
Ang E ay nasa 3. Ang S nasa 7.
Ang Bhe, tatlong letra. Ang Boss ay apat!!!
Nabaliw si BB. Naubos na lahat ng pinag-aralan nya at isinuko nya ang lisensya nya bilang CPA dahil sa simpleng problem solving. Paano naging typo-error ang Bhe mula sa Boss?
Nagtext sya ulit kay Boss.
BB: "Typo-error? Sige kung typo lang yan, kung hindi ka makikipagkita sa iba puntahan mo ako ngayon din sa bahay! No excuses!"
Boss: "Sige po, ikaw ang bahala kung ayaw mo maniwala. Ita-try ko po"
At hindi nga nagpunta si Boss sa bahay nila BB.
At umabot pa ng 5 buwan ang relasyon nila. Biruin mo yun!
*Ngayon ko nalalaman ganu kabaet ni BB!*
No comments:
Post a Comment