Nagkakilala kami noon ni B sa isang mall, sa game stations. Nagkasabay kami maglaro ng Dance Dance. Sabay kaming pumunta sa laro na iyon. Yun yung dance game katulad ng dance dance revolution pero imbes na paa ang gamit mo, eh kamay. Eh since pangdalawahan naman ang laro na iyon, napagkasunduan na namin na sabay na lang kami maglaro.
I Wanna Dance with Somebody ang eksena ng lola mo. Ika wba naman makasayaw mo ang katulad netong si B. Maputi, tama lang sa akin ang tangkad, at higit sa lahat, wafu! Syempre kilig-kiligan ako at may kasayaw at kalaro akong gwapo. With matching pasimpleng sulyap pa ako sa kanya habang naglalaro. Nahuhuli naman nya ako dahil sya sumusulyap sulyap din sakin. hihihihi kilig!
Magaling sya maglaro ng game na yun. Normal lang na level ang kaya kong ilaro doon. Eh sya pang-wild level ang performance. Pero may naramdaman akong wild! Ang puso ko wild kung kumibot!
Doon nagsimula ang komunikasyon namin. Konting usap, nagkapalitan ng cellphone number. Hindi na ako umarte-arte pa. Bigay na ng cellphone number, discount card number, senior citizen number, SSS, TIN at higit sa lahat, ang aking PAG-IBIG number! Nakilala ko nanaman sya sa personal eh. Nakasayaw pa. Wala nag keme-keme pa. Napapakanta na lang ako ng:
"Suddenly the wheels are in motion
And I I'm ready to sail any oceanSuddenly I don't need the answers
Cos I I'm ready to take all my chances with you"
Byudo pala itong si B, walang anak. Tegi na mga naging asawa. Marami kaming pinagkakasunduan at kaparehong mga bagay. Sa pagkain pareho kaming hindi mapili, pareho naming paborito ang tilapia. Mahilig mag-inom. Lalo na ako dahil modelo ako ng alak. Ako yung nagsasabi sa commercial "Ang sarap maki-party!" habang naka two-piece swimsuit. O dba hongonda ko lang! #adikmuch
May mga bagay din kaming magkaiba, pero swak! pak! tumpak! parin. Katulad kapag matino, sya madaldal pero kapag lasing, tahimik lang. Eh ako baligtad, kapag normal lang tahimik lang ako pero kapag nalasing, madaldal na at malakas na ang loob. O dba hindi kami magbo-bore kapag magkasama.
Tumatagal ang panahon, lumalalim ang pagkakaibigan. Naging magkasintahan na nga kami. At makalipas ang 5 taon, sa simbahan din ang tuloy. I AM NUMBER 3!
Wag ka mag-alala teh! Hindi naman katulad ng Tanging Ina Mo ang eksena dito ni B na nadidisgrasya ang mga napapangasawa at natitigok. Buhay naman ako at masigla. Hongtaba ko nga eh.
Sa araw ng aming kasal, napakasaya naming dalawa. Tatlo ang kulay na motif sa aming kasal. Blue kasi yun ang paborito nya. Brown at Violet dahil yun ang paborito ko na ginawa din nyang paborito dahil may damit din sya na ganun ang kulay at hilig nya suotin.
Sobrang gwapo ni B nung araw na iyon sa suot nyang puting tuxedo. Yung tipong pati aso totodo ang paglalaway at mababaliw kapag nakita sya. Buti na lang normal na sakin ang pagiging baliw. Pagbukas ng pintuan ng simbahan at nakita ko sya nag-hihintay doon sa dambana, naiyak ako. Nakita ko syang todo ngiti, nangungusap ang mga mata. Kumukuti-kutitap.
Tumugtog ang organ sa simbahan, iniabot sa akin ang mikropono, at habang papalakad sa gitna, ako ay kumakanta ng Pangarap ko ay Ibigin Ka...
Syempre eksena ako sa sarili kong kasal. Kasal ko na yun eh. Pati nga si B nagulat. Hindi nya alam na kakantahan ko sya sa aming kasal. Panagrap ko kse ang kumanta sa kasal. Ayaw naman ako pagbigyan ng mga kaibigan ko tuwing may ikakasal sa amin. Kaya kung ayaw nila edi wag. Sa kasal ko ako ang kakanta! haha
"Tuwing ikaw ay nariyan
Sabay kong nadarama ang kabag at ligaya
Ang 'yong tinig wari ko'y di marinig
'Pagkat namamangha 'pag kausap ka
Kaya nais kong malaman mo
Ang sinisigaw nitong aking puso
Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka"
Sabay kong nadarama ang kabag at ligaya
Ang 'yong tinig wari ko'y di marinig
'Pagkat namamangha 'pag kausap ka
Kaya nais kong malaman mo
Ang sinisigaw nitong aking puso
Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka"
Lakad papunta sa gitna, habang nakangiti, kumakanta ng buong puso.
"Ikaw kaya ay nais din
Akong makapiling at ibigin
O kay sarap namang isipin
Na tayong dalawa ay iisa ang damdamin
Aking hinihiling na sabihin mo
Ang nilalaman ng 'yong puso
Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka"
Akong makapiling at ibigin
O kay sarap namang isipin
Na tayong dalawa ay iisa ang damdamin
Aking hinihiling na sabihin mo
Ang nilalaman ng 'yong puso
Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka"
Naiiyak na ako, puno ang emosyon sa pagkanta. Nakatingin sa mga mata ni B.
"O kay tagal ko nang naghihintay
Na sa akin ay mag-aalay
Ng pag-ibig na tunay at di magwawakas
Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka
Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka"
Na sa akin ay mag-aalay
Ng pag-ibig na tunay at di magwawakas
Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka
Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka"
Si B tuluyan nang umiyak habang nakangiti at inaantay ako sa dambana.
Umpisa plang ng kasal na yun, may iyakang factor na! Naiyak ako sa sobrang saya at emosyon ng pagmamahal na nararamdaman. Si B hindi ko alam kung saya ba yun, o natakot sya na araw-araw ba sa buhay namin eh matutulilig sya sa pagkanta ko. Eh tinanong ko naman sya pagkatapos ng kasal bakit sya naiyak, ang sagot naman nya sobra syang saya at ramdam na ramdam daw nya ang pagmamahal sa pagkanta ko.
Natapos ang kasal at nagproceed kami sa reception. Syempre ang first dance namin ni B ay ang theme song namin. Ang kantang Perfect Combination.
"Perfect combination
Love plus you and me
Perfect combination
We couldn't ask for any better
Perfect combination
We fit to a tee
A perfect combination
We're all it takes to last forever
Together"
Hindi ako marunong sumayaw masyado. Kaya itong si B, lagi ko naaapakan. Kaya ang ginawa nya, pinaapak nya ako sa dalawa nyang paa, at sya na ang nagsayaw para sa aming dalawa. Hong-sweet diba! Hindi naman halata dahil sakop ng gown ko ang paanan namin.
Masasarap ang handa noon, carbonara, caldereta, tilapia prin, tortang talong, inihaw na baboy, fried chicken, at kung ano -ano pa. May inuman at videoke pa. Mukang fiesta ang handaan hindi reception ng kasal. haha
At dahil abala naman ang lahat, ang B itinakas na ako. Hindi na daw sya kasi makatiis. At deretso na kami sa Honeymoon. Isang linggo yung event na yun. At wag ka! bongga ang honeymoon na yun. Sa PARIS!
Naging masaya ang pagsasama naming dalawa, na nagbunga ng dalawang magandang mga bata. Isang lalaki at isang babae. At hindi lang namin Theme Song namin, pati ang aming sperms at eggcells ay nakikikanta din ng Perfect Combination! Honggaganda ng kinalabasan ng mga anak namin! Dinaig at napatabi ang mga anak ni Zoren at Carmina pati ni Aga at Charlene at sila ang pumalik ng mga tv endorsements!
Sa kasalukuyan patuloy ang pagsasama namin ni B. Masaya, maligaya. parang nasa paradise, kumakanta ng:
"I wanna believe it’s love this time
I wanna believe my heart’s not telling me lies
But with you I can’t deny
If I believe in paradise
I swear
I’m there"
"I wanna believe it’s love this time
I wanna believe my heart’s not telling me lies
But with you I can’t deny
If I believe in paradise
I swear
I’m there"
*Note: ito ay kathang isip lamang ng 2 tao na walang magawang matino ng araw na iyon kundi ang magkulitan at magdugtungan ng kwento. Pero kung magkakatotoo ito, or kahit parte lang nito? Ako na siguro ang magiging pinaka masayang tao sa buong earth!
sino naman yung 1 tao, beks?
ReplyDeleteentertaining talaga yung blog mo... hhaha...
lupit ha, pati tin, sss #, etc. binigay ha... hhaha... =D
-cherrie♥