Thursday, November 11, 2010

Ang Alamat ng "BHE"

Ang post na ito ay hindi kathang isip lamang, ito ay hango sa tunay na pangyayari. Ang katauhan ng mga nasa kwento ay sadyang iniba upang maitago ang pagkakakilanlan dahil sa rasong pang seguridad. SOCO!?

Ang kwentong ito ay hindi tungkol sa pinanggalingan ng salitang "Bhe". Ito ay tungkol sa kung bakit sinumpa sumpa ni Boss Becky ang endearment na Bhe, Baby, Babe o anu mang tawag na kahalintulad dito.

Lagpas dalawang taon na ang nakalilipas, nagkaroon ng kasintahan si BB. Ang kanilang naging tawagan sa isat isa ay Boss.  Ayaw kse ni BB ng sobrang sweet na tawagan sa kadahilanang magkapareho sila ng kasarian. Ang gusto nya ay yung kahit sa harap ng mga kamag-anak, kaibigan, sa harap ng madlang people ay pede nilang ipagsigawan ang tawagan nila. Kahit pa sa magkabilang panig ng kalsada magsigawan.

Naging masaya naman ang kanilang samahan sa paglipas ng mga araw at linggo. At nakalagpas sila sa sumpa ng 3 buwan.

Hindi ba nga at sinasabing ang bawat 3 ng relasyon ay sinasabing may sumpa? 3 months, 3 yrs, 3 decades? sumpa pa ba yung 3 decades? hahaha. Ewan ko kung sino ba nag-imbento ng mga yan. Ako lang ata.

Bawat monthsary nila sila ay nagdiriwang. Nung ika-apat na buwan ng monthsary nila, dahil sa hindi ko matandaang kadahilanan ay hindi sila nagkita. Gusto ng plano ni BB ngunit ang kanyang Boss ay wala daw atang oras.

Kinabukasan, hindi nagpaparamdam si Boss kay BB. Deadma lang si BB dahil weekday naman. May pasok sila sa kanya-kanyang trabaho. Ngunit nung gabi na habang nasa shuttle si BB pauwi galing sa opsina, nakatanggap sya ng text mula kay Boss.

Boss: "Bhe 9pm na, asan ka na po ba?"

Ang BB, shock na shock! Bhe? Sino ang Bhe! Nanlumo, sinukluban ng paghihilakbot, pinagpawisan ng malamig at sumakit ang dibdib.

Nireplayan nya si Boss.

BB: Wrong send ka, hindi ako si Bhe, si Boss ako remember?"

BB: P*t*ng *na! Sino yang Bhe ha!

Boss: "Bakit galit ka? Typo-error lang po"

Typo-error? Lalong na shock si BB. Tinignan ang ang keypads ng cellphone. Sinuri ang pagkakasunod-sunod ng letra.

Bhe at Boss.

Both starts with B.

Ang H ay nasa 4. Ang O ay nasa 6.

Ang  E ay nasa 3. Ang S nasa 7.

Ang Bhe, tatlong letra. Ang Boss ay apat!!!

Nabaliw si BB. Naubos na lahat ng pinag-aralan nya at isinuko nya ang lisensya nya bilang CPA dahil sa simpleng problem solving. Paano naging typo-error ang Bhe mula sa Boss?

Nagtext sya ulit kay Boss.

BB: "Typo-error? Sige kung typo lang yan, kung hindi ka makikipagkita sa iba puntahan mo ako ngayon din sa bahay! No excuses!"

Boss: "Sige po, ikaw ang bahala kung ayaw mo maniwala. Ita-try ko po"

At hindi nga nagpunta si Boss sa bahay nila BB.

At umabot pa ng 5 buwan ang relasyon nila. Biruin mo yun!



*Ngayon ko nalalaman ganu kabaet ni BB!*

Saturday, November 6, 2010

Bahala na si Batman

Ang tagal ko nang hindi nagsusulat dito sa blog ko. Ayaw kse gumana ng utak ko para makapagkwento. Alam ko kase na ang talent ko sa pagkukwento eh nasa emosyon. Yung mga tipong may pinagdadaanan ako. In-love man o Brokenhearted. Eh kaso ngayon stagnant ako. Simula nung PAREHO namin mapagdesisyunan ni Bogs na maging magkaibigan na parang magkapatid na lang ay stagnant na muna ako.

Madami din akong dapat asikasuhin sa mga dadating na araw bukod sa trabaho. This time aasikasuhin ko na ang sarili ko. This time its for me, I AM for ME.

Maghahanap na ako ng lilipatang lugar na malapit sa work. At gusto kong gawing project ang itsura ng malilipatang ko. New place, new home, new things, new oppurtunities for an improved new me!

Nakakatakot magsimula ng bago. Pero nakaka-excite din. Babalik na ako sa pagpaplano sa takbo ng buhay ko na ilang taon ding natigil.

Ganun naman talaga kse siguro. At a certain age of your life, maiisip mo na may mga bagay ka na kelangan mo na gawin ngayon palang. We have to admit, some oppurtunities asks for a certain age requirements. Kapag lumagpas ka dun, medyo pilitan na o nakakailang na.   

There are also things we have to accept. In starting anew, there will always be something or a person you have to leave behind. It is hard at first, but you will get used to it. Besides, you wont call it anew if everything is the same and old. haha

Ahay! Hindi na ako sanay magkwento ng seryosong istorya. Basta excited ako, sisimulan na ulit ng sirena ang paghahanap sa nawawala niyang kabibe at kay Prince Charming! Toinkz! haha Basta bahala na, bahala na si Batman!