Siguro mga 1 month after namin unang magkita ng personal ni B nung niyaya ko sya na manood ng sine. Nagkataon na ipapalabas na noon ang Catch Me I'm In Love. Super favorite ko si Sarah G kaya isinumpa ko na papanoorin ko talaga ang movie na iyon sa sinehan. Type din naman ni B ang pilikulang iyon kasi gusto din nya mga feel good movies katulad nito. So napagkasunduan namin na lumabas, na kami lang, for the 1st time. Eh ang panalo, 2 weeks before pa ipalabas ang movie eh nung iset na namin ang usapan. Diba super wait lang! haha
Ay hindi biro ang pagsalag ko sa mga okasyon para lang hindi mapurnada ang lakad na iyon. Kasabay kasi ng date na yun eh ang birthday ng isa kong becky friend na gagawin sa Dagupan. At ang birthday celebration din ng tito ko. Ay super dahilan ako para lang hndi magpunta sa mga celebration na yun. May celebration din kaya ako! hahaha
Dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Excited ako sa movie, pero mas excited ako na makapiling si B. hihi kiri-kiri ko lang. Super prepare naman ako bago ang oras namin magkita. Linis ang bahay a day before. check the CR ng malinis, ang kwarto kung maayos, ang sala kung maalikabok at kung nagupitan ang damo sa hardin. Ambisiosa ko lang wala akong hardin. haha
After lunch ang usapan. Sa Shangri-la kami magkikita sa pagbaba nya ng MRT saka kami sabay na pupunta ng Megamall. Ilang ilangan at hiya-hiyaan portion sa una. Pero sa una lang yun, mga 2 minutes lang. Habang naglalakad daldalan na kami.
Bago kami pumasok ng Megamall, may nakita kaming wall na pede sulatan ng mga sumusuporta sa Earth Hour. Nagkataon na gaganapin din ang Earth Hour nung gabi na iyon. Ayun nagsulat naman kami. Sakin "Lets Make a Change. Start with Oursels". Oh di ba fail! Oursels! nawala ang V!!! Vakla kse!. Si B nagsulat ng "Lets save the mother earth!!!" May galit sa tatlong exclamation point!
Bumili ng ticket para sa papanuoring movie. At bongga nilibre ako ng food namin sa loob ng sinehan.
Habang nasa loob ng sinihan, tahimik nanaman muna kami nanonood nung una. Nung kiligkiligan portion na ng movie, ay naku maihi-ihi ako sa kilig! Feeling ko ako si Sarah G at si B si Gerald A!! Pagdating sa comedy portion, napabongga ang tawa ko. Bakit? Dahil si B eh super piit ng tawa nya para hindi mapahagalpak ng malakas. Nitatry pa nya takpan ang buong muka para lang hindi lumabas ang wagas na tawa. Parang horror movie lang kung makapagtakip. Hahaha. Fail naman, dinig na dinig ko ang lakas ng tawa nya. Nakakatuwa sya kasama manood sa sinehan. Nadadala sya sa palabas at dahil kasama mo sya, madadala ka din sa kanya. Hindi ako malakas tumawa, madalas wala pang sounds. Pero kapag andyan sya wapakels! Hagalpak din ako. haha
Super saya ko sa panonood ko ng sine na yun. Paglabas ng sinehan tinanong ko sya, "Enjoy?". Sumagot sya, "Sobla!". Sobra tlaga yung sinabi nya, ganun nya lang bigkasin haha. Sumilay naman ang matamis na ngiti sa aking labi.
Pagkatapos ng sine, deretso kami sa Timezone. Plano namin maglaro, magBastketball! Shoot-shoot the balls ganyan! Walang dribble kse shooting lang naman merun don. haha. May pustahan kasi kami. Pataasan ng score. Ang matalo kelangan mauna lagi gumising sa umaga. haha.
The game is on! Super shoot ako! Ang galing galing ko! andami kong score! yes! wala na! After ng timer, pinagtatawanan ko si B. Kasi panalo sya, mas mataas ang score nya.
After nun nagsayaw pa kme sa dance dance revolution. Syempre mas magaling pa din sya sakin doon. Praktisado ang B! After nun baril barilan naman. Magkakampi kami, this time ako naman ang winner. Mas magaling sya mag-shoot at umindayog, pero mas magaling ako mamaril! hihihi
After nmain maglaro, deretso na kami sa grocery para bumili ng foods at alak. Kasama din kasi sa plano namin ang mag-inom. One-one-One. Kahit half lang ang size nya at 1 1/2 naman ang size ko. haha
Bili-bili na kami ng chicha. Ang gamit naman namin na pambili ay ang GC na ibinigay sakin sa office dahil nagbirthday ako. So parang libre lang din at kelangan namin ubusin ang buong amount. GSM Blue + C2 Apple (Litro) ang iinumin namin. Bumili din kami ng Tanduay Ice para matikman na din ni B. Di ba manginginom lang. Dami alak kaming 2 lang ang iinom. Hanap na din kami ng mga chicha at kung ano ano pa. May pagtatalo moment pang nangyayari kasi pinapapili ko sya ng bibilin, eh ayaw nya ako pinapapili nya. Natatawa lang kami parang magjowang nagaaway lang kami. At dahil pa sa gusto namin pagbigyan ano ang gusto ng bawat isa. Ay kilig! haha.
After nun ay dumeretso na kami sa bahay. Ang kapatid ko winner eh. Nagtxt na aalis daw muna sya. Di ba napakasupportive! Solo namin ang bahay. Pagdating namin ay kumain muna kami ng dinner. Dinuguan at bbq. Parehong wala kaming arte sa food ni B kaya kahit anong pagkain oks lang. Habang kumakain ay nanonood naman kami, PGT Season 1.
After lumafung eh sinimulan na ang inuman. Habang nanonood ng tv at umiinom ay nagkukwentuhan kami ng buhay buhay. Mga pinagdaanan at kasalukuyang pangyayari. At eto pa, kay crying moment pa ang B! Nagulat ako pero ok lang. masaya naman ako at nakakaiyak sya sa harap ko. Meaning ganun sya kakumportable sa akin. At hindi lovelife ang dahilan ng pag-iyak ah. Pinagdaanan sa life lang.
Nung dumating ang oras ng Earth Hour ay ngapatay kami ng lahat ng ilaw. At syempre habang madilim, hindi kami nangapa at nagkapaan sa dilim. Wholesome kami noh! lumabas kami ng bahay at dun nagkwentuhan habang naninigarilyo. Pagkatapos ng Earth Hour eh pumasok na ulit kami ng bahay at resume ang inuman session.
Nung unang beses naubusan kami ng yelo, nagprisinta sya lumabas para bumili. Successful naman. Ok lang at hindi pa naman sya lasing nun. At 1/3 plang ng GSM Blue ang naiinom namin nun. Nung sumunod na maubos ang yelo, hindi na successful ang pagbili nya kaya sumama na ako sa labas para bumili. Bibili na din kami ng yosi kasi naubusan na kami. Ay ang B gumegewang gewang! Naka 3/4 na kami ng litrong GSM. tawa kami nga tawa habang hawak ko sya sa braso at inaalalayan sa paglakad. Pagkabili namin ng yelo at yosi ay nagsuindi sya agad ng isa. Naku nawala agad ang paggewang. Yosi lang ang katapat.
May dalang bag si B. At pinagusapan namin kung uuwi ba sya o samin na magstay para matulog.
BB: Ano nagtxt ka na kay mama kung what time ka uuwi?
B: Hindi pa mamaya na lang.
BB: Kung uuwi ka ihahatid kita para safe (medyo disappointed)
B: Pero pede naman ako makitulog diba if ever?
BB: Oo anluwag ng kama oh, Queen size (fiesta na ang pakiramdam)
Oh di ba nagkunwari akong hindi sabik! haha Inamin din naman nya sakin kinabukasan na plano na naman nya makiMeme nun. Nahihiya lang sya na yun agad ang sasabihin nya kaya paandar muna. Haha..
At hindi sya halata sa plano nya, pinapahubad ko shoes nya at papahiramin ko sya ng slippers para maging kumportable. Ay kinuha ang bag at tsaraaan! May dalang tsinelas! Boyscout! May dala ding toothbrush at pampalit na tshirt.. oh diba, hindi handa!
Nagpicture din kami habang nag-iinum. Ayaw nya dun sa mga pics namin. Mapungay na kasi ang mga mata nya. Lashing lashingan na kasi. haha. Ako natutuwa naman ako sa mata nya. Ang cute ampungay pungay.
Pagkaubos ng litro ng GSM Blue + C2 Apple eh yung Tanduay Ice naman. Nakaisang bote na lang si B. Hindi na nya kinekeri. Sakto namang pag-uwi ng kapatid ko kaya sa knya kon na ibinigay ang share ni B.
Pinapunta ko na si B sa kwarto para maghimlay na. Deretso sa kama ang lolo mo. Ako ay nagayos pa kasi gusto ko maligo at isuka ang ibang laman ng tyan ko. hihi.. Sabi ko kay B, "oh gudnyt kiss na" hahaha humihirit ako! Ay ang lolo mo, tinuka ako! Kiss sa lips! Smack lang naman. Pero kahit na! Sa lips pa din yun, kaya ako na shock, deretso sa CR at dun nag Blush! nyeta ka mo Highschool ako kung magblush at kiligin. hihihi.
Pagkatapos ko maligo ay gising pa pala si B. Maliligo din sya at magsusuka ng laman ng tyan. Haha.. Paadikan lang kasi kami sa pag-inum. Inantay ko lang sya para sabay na kami matulog. Pinahiram ko sya ng sando at shorts. Natulog na nga kami. NATULOG LANG! Ng magkaholding hands. hihihi
Nung buong gabi na yun habang nagiinuman, kwentuhan at kung ano pa, magkahawak kami ng kamay. May hiniling kasi ako sa kanya nung umaga bago kami magkita. sabi ko "Pwede bang boyfriend kita today? Today lang sa date natin". Sumagot naman ang lolo mo "Oo andun na, Date na eh, edi go na!". Oo na! Anladi koooo!
Kinabukasan pag-uwi nya, dun ko first time na naramdaman ang ganung feeling after ng isang date. Parang ang magical. Yung feeling na akala mo sa fantasy lang nangyayari na ganun kasaya. Simple lang yung labas namin na yun. Pero hindi simple ang saya na naramdaman ko, at sabi nya sya din. Kaya after nun, paminsan-minsan eh lumalabas labas na kami. Sobrang eenjoy at saya lalot nat sa bawat paglabas, may bagong gagawin at laging may malakas na halakhak. Haha
Mga 1st namin nung araw na yun:
1. Movie
2. Holding Hands
3.Umiyak sya sa harap ko
4. Kiss
5. Sleepover
6. Kain sa Jolibee (nilibre nya muna ako Jobi paghatid ko sa knya sa MRT nung umaga)
Marami pa sigurong 1st ng araw/gabi na yun. Maliliit na bagay, pero pagPinagsamasama mo, naging dahilan kung bakit naging magical ang araw na yun. Kung may ankalimutan ako, pede naman nya idagdag sa comment. Hindi ba B? haha