Tuesday, March 29, 2011

100 Facts About Me



Naku nagsimula ito sa trending topic sa twitter na #100factsaboutme. Ayun super flood sa timeline ko ang mga hitad. 100 ba naman ang ikeme nilang facts about them. Hongdami diba? Eh mukang nagmamadali pa ang iba sa pagsulat ayun punong-puno na ng keme ang timeline ko. Ayoko naman magflood sa timeline ng iba, at since wala naman akong maisulat lately na hindi ko ikaka-iskandalo.. eto na lang muna. Yung 6 naipost ko na sa Twitter account ko sa malalayong pagitang oras naman. haha Lets see ano maiisip ko.

1. Minsan ingitera ako.. kaya gagawa din ako nito.. minsan lang naman

2.  Naggugupit ako ng kuko sa opsina..(kasalukuyang naggugupit)

3. Merun akong periodic insomia. Once umatake sya, 5days sya tuloy tuloy.. Then mawawala 

4. May pagkaaddict ako sa kape, kpag di ako nakapagkape sa umaga, mainit ulo ko maghapon kaya eto magkakape nko

5. Moody ako hindi lang halata.. kse kelangan di ipahalata para maging sibilisadong tao haha 

6. Nakapunta na ako sa Luzon-Visayas-Mindanao pero hindi pa ako nakakapunta ng Manila Zoo!! NKKLK! 

7. Mahilig ako Friends to Lovers na theme ng movie.. nakaka-relate eh. Peborit ko nga ang "Pano na Kaya" ni kim chui at gerald anderson. Dun nanggaling ang codename na Bogs. haha 

8. Panganay ako kaya sinasamantala kong tawagin ng Kuya ang sino mang mukang mas matanda kesa sakin. Pero tuwing tinatawag akong kuya ng mga kapatid ko, napapangiti ako. :) 

9. Unang cassette tape ko ay album ni Manilyn Reynes nung prep pa lang ako. At kumanta ako sa school noon ng "Sayang na Sayang"

10. Paborito ko si Britney Spears. Dati kapag nag-aalaga ako ng bata at iyak ng iyak, nagpapatugtog ako ng Britney Songs , kakanta at sasayaw habang kalong kalong ang bata. Ayun sa hilo, tulog agad sila. 

11.Yung katabi ko sa ROTC na si Jose Roy, hindi nya alam ang totoo kong name. Nung tinanong nya kase ako ano name ko, ang sagot ko Britney. Ayun tuwing magkakasalubong kami sa school, Britney na tawag nya sakin. Crush ko pa naman sya. haha 

12. Ang nickname ko sa bahay ay BO, short for Bokal.  Buong pagkabata ko ata kse kalbo ako, walang ibang alam ang mama ko na gupit kundi kalbo eh.

13. Isang beses ng ginugupitan ako ng mama ko, nasama nya gupitin ang tenga ko. Super duguan tuloy ako, hindi naman ako umiyak kse namanhid naman eh. Ayun dinikit nya ulit nilagyan ng scothtape. Buti na lang nung natuyo nakadikit na sya ulit. 

14. Ang mga bekbek kong friends mahilig gumawa ng group! SpiceGirls, Sailor Warriors, Ex-Men. Ako tuloy si Ginger Spice, Sailor Jupiter at Storm. wahahaha
Babyboi Baboy


15. Mahilig ako mag-arcade..sa kahiligan ko eh nakaipon ako ng points na napagpalit ko sa stuffed toy ko na si babyboi baboy.. uu may name. Dati kulay beige sya, ngayon madusing na sya, putol na ang isang tenga. At nawawala na ang heart na kwintas nya.


16. Speaking of kwintas, hindi ako gumagamit ng accessories na silver. Acidic kse ako. Sa pagka-acidic ko, nangingitim agad ang silver sa akin after a day lang na pagkakasuot.


17. Sporty kami sa pamilya. Ang tatay, tito at mga pinsan kong lalake mga  basketball player, ang mga tita, pinsan long babae at ako ay volleyball player. Wag kang epal kung bakit sa vball ako napunta. Marunong akong magbasketball nung bata. Maarte lang ako ayaw ko ng dinidikitan ng panget at mahawaan ng pawis ng iba kaya di na ako naglaro. Pero shooting marunong ako. Nakipagpustahan nga ako ng shooting recently lng eh. Ayun tinalo ako. haha


18. Dahil sa pagiging sporty namin, Varsity player ako ng school namin nung highschool. Nung collage kinukuha akong player ng collage namin pero conflict kse sa pag-aaral ko kaya tinanggihan ko.


19. Lahat ng pinasukan kong school ay public schools. Kalumpang Elementaty School (in Marikina), Marikina Institute of Science and Technology (now Marikina Science Higschool) at PUP (Sta. Mesa)


20. Never ako nagka-award sa school dahil sa galing sa pag-aaral. Although lagi naman ako nasa upper percentage ng mga klase. Tamad kse ako mag-aral. Ang nakukuha ko lang na trophy award ay mythical 6 at mvp kapag sports fest. 


21. At dahil nga sa public schools ako nag-aral. Hindi pa umabot sa 10k ang tuition fees ko since elementary hangang makatapos ako ng collage. Kaya etong mga kapatid ko pinagsasabihan ko na umayos sa pag-aaral dahil ang tuition nilang pinambabayad sa isang sem eh mas mahal pa sa tuition ko sa buong pag-aaral.


22. Bachelor of Science in Accountancy ang tinapos ko. :)


23. Nagka-cutting class ako nung highschool ako. Kakunchaba ko kse ang tagasulat sa attendance. Nung collage hind na. Takot na ako bumagsak nun eh. 


24. Nung higshchool din ako unang natutong uminom. Sa bahay at kasama ang mga pinsan ko. Gin Pomelo ang pinagtitripan namin. Ayun tuwing iinom tuloy ako ng Pomelo Juice, feeling ko may gin.


25. Malakas ako uminom, beer man o hard drinks yan. Etong weekend lang nakipag- one-on-one ako ng inuman. GSM Blue (yung malaki) at C2 na pinaghalo at Tanduay Ice. Ayun nalasing sya, ako nalasing din. 


25. Nagworking student ako nung 1st year second sem. Service Crew ako sa Wendy's nun. Yun ang dahilan kung bakit hindi ako nagsusungit sa mga crew. Naging isa din ako sa kanila at hindi naman natin alam anu ang pinagdaraanan nila at paano nila ni-prepare ang kakainin natin.  


26. Anim na taon na akong nagtatrabaho. 


27. Unang beses ako nakasakay ng eroplano ay flight papuntang Davao. Strategic Planning kasi ng company namin kaya ang mga Department Heads ay maglalayulayuan para gumawa ng plano para maimprove ang department sa taon na iyon. Kunyari lang naman kase bago pa umalis ng Manila, nakapag-imbento na kami ng plano.


28. Una at pangalawang beses ko din makalabas ng Pilipinas ay dahil din sa trabaho. Last year lang dahil magtetraining-trainingan kse sa Israel at England para sa bagong trabaho. Wag ka yung training sa Israel pede naman i-email para matutunan namin at ang sa England wala naman natutunan. Tumambay lang kami at nagbilang ng gwapong Brit habang dinudugo ang aming ilong sa accent nila.


The Plunge
29. Mahilig ako sa extreme adventure. Kapag gumagala kami ng mga barkada ko from highschool, madalas pumupunta kme sa may ganung activities. White Water Rafting sa CDO, Suislide at The Plunge sa Bohol, Skywalk at Edge Coaster sa Cebu at,  Reef Walking, Para-sailing,  ATV Motor at Zorb sa Boracay atbp.


30. Madali ako makaramdam lalo na kapag sobrang close tayo. Kapag malungkot ka, alam ko. Kapag masaya ka, alam ko. At kapag may itinatago ka o nagsisinungaling ka sakin, umayos ka, alam ko.


31. Muka daw akong Chinese, minsan Hapon, nung nauso ang Korean, yun naman daw. Pero ang totoong halo sa dugo ko ay Spanish. Kaya nga Basterechia ang Middle name ko eh. Pati naman ag Surname ko pang espanyol.


32. Bukod sa gusto ko matutunan ang mga dialect ng mga lugar na pinupuntahan ko sa pIlipinas. Gusto ko ng 3rd language. Spanish, French or Mandarin kaya.


33. Kapag narinig mo na ako English ng English ng hindi naman foreign entity ang kausap ko, dalawa lang ang ibig sabihin nun. Una ay galit ako at nagtataray. Pangalawa, lasheng ako. :P


34. Kapag naasar ako, pagsasabihan kita at ipapaliwanag ko sayo bakit ako naasar.


35. Kapag hindi na asar kundi galit na talaga ako. Hindi mo na ako maririnig magsalita. Kung close tayo, hindi kita papansin ng sobrang tagal hangang sa humupa ang galit ko. Kapag hindi kita ganun ka-close, burado ka na sa buhay ko.


36. Kapag humingi ka naman ng sorry at alam ko na hindi mo sinasadya o ipinakita mo na nagsisisi ka. Dun mismo mapapatawad kita. Lalo na at love kita. Wag mo na lang uulitin.


35. Minsan mahilig ako mangolekta, pero hindi ng jowa. Dati ng bote ng pabango, nakukyutan kase ako sa shapes at sizes. Eh dumami at muka na akong magbobote. Ibinigay ko na sa batang nangangalakal. Ngayon Ref Magnet na. Gusto ko punuin ang ref ko. Pero ang requirement, kailangan galing out of town ang magnet.


36. Mahilig akong gawing tanungan ng iba kong friends. Kapag may assignment sila, anu ibig sabihin nito ng ganyan. Minsan nirereplayan ko sila ng tanong din, "Google ba ang name ko?"


35. Hate ko ang tawagin ng baby, babe, bhe o kahit anu pang term of endearment na malapit dun... bakit? basahin mo to "Alamat ng Bhe" .. matatawa ka pero seryoso talaga yan..Gusto ko yung tawag na pede ko isigaw sa kalsada na hindi masyadong maiiskandalo ang mga konserbatibong tao. Katulad ng Boss, Hoy, Gago, Adik, Magnanakaw (ninakaw mo kasi ang puso ko, hihihi). Di ba hindi ka maiiskandalo kapag sinigawan kita sa kanto nyan.


36. Mahilig ako manuod ng sine. Action, Fantasy, Sci-fi, Horror, Drama or Romantic Comedy. Dati mahilig ako manuod mag-isa. Ngayon hindi na. Madalas barkada ko na ang kasama ko. Pero kapag niyaya kita manood na tayong dalawa lang, malamang special ka sakin. 


37. Palabasa ako ng books. Sci-fi, mystery at action novels.  Lalo na yung mga ipapalabas na movies na ginawa from books. Gusto ko mabasa ko muna sila.


38. Mahilig din ako manood ng English series. Marathon na yan ng walang tayuan kapag may kopya na ako ng season. ALIAS at Charmed ang all time favorite series ko. Banyo na lang nag pahinga.


39. Mahilig ako sa holding hands. Pero wag in public. Feeling ko kse ang secured ko sayo. Lalo na kapag hinawakan mo kamay ko ng mahigpit. At pinisil mo pa. Kahit walang mangyari at matulog lang tayo magkahawak kamay. Sobrang romantic na sakin noon.


40. Ayaw ko ng porn. Yung puro kang-kang lang walang kwento. Gusto ko may sense na palabas. 


41. Hindi ako mapili sa pagkain, kasi ang pagkain ay biyaya. haha basta hindi mabaho ang amoy at kaaya-aya naman ang lasa, kain lang. Ang sarap kaya kumain. 


42. Unang ulam na natutunan kong lutuin ay adobo. Grade 4 plang ako nun.


43. Lola's boy ako. kase sa lola ko ako lumaki. At ako ng unang apo nya. 


44. Pinakapaborito kong ulam ang menudo ng lola ko. Unfortunately, hindi ko na sya matitikman dahil hindi ako nakapagpaturo bago sya lumisan.


45. I first had a boyfriend when i was in grade 6. Sya yung bestfriend ko nung grade 5. Puma-puppy love! Hoy wag mo isipin na kiri ako! Sya ang unang nagsabi ng iLoveU! Dun sa school stairs namin habang cleaner ako at nagwawalis ng hagdan. Siya nagpalate umuwi para magcorner ako nun. Hindi naman ako nagsabi ng iLoveU, napangiti lang ako tapos kami na. Sa bahay na nila ako nanunuod ng Sailormoon.


46. Sya din ang first kiss ko. Habang naglalaro ako ng street fighter vs. x-men bigla na lang may tumakip ng mata ko at humalik sa akin. Nahulaan ko naman na siya yun kase wala naman iba. Hoy hindi pa rin ako kiri! Sa noo lang yung kiss, pang lola lang.


47. After 12 years, saka na ulit ako nagkaOfficial boyfriend. Official kase may mga nakiki-M.U. hindi naman natutuloy maging boyfriend.  Bestfriend din kami ni boyfie bago naging kame.


48. Ang status ko ngayon. Single. Pero sa FB ang nakalagay Divorsed. Maiba lang. haha


49. Kung tatanungin mo ako kung may bestfriend ako ngayon. Bukod sa mga super friends ko na simula pagkabubot ko. MERUN.


50. Preference ko ang matangkad, kayumanggi, maganda ang katawan at gwapo. Pero nadiskubre ko na ang preference ay pang-crush lang pla. Kase hindi ko pala napipili kung kanino ako mai-inlove. 


51. Nahihirapan ako isulat ito. Ang hirap pala magshare ng ganun kadami. Ang dami neto eh! Potek naka-kalahati na ako.


52. Buwakaw ako sa picture. Wala akong camera, pero kapag may lakad ako ang may pinaka madaming picture.


53. Ayaw ko ng kukunan mo ako ng hindi ko alam. Dapat kase nakatamang angle ako. Left face angle ako. At sabihan mo ako ng stomack-in  ng hindi bumulwak ang tummy ko.


54. Pangarap kong kumanta sa wedding. Madadamot lang tong mga friends ko ayaw ako pakantahin sa wedding nila eh. Hagang videoke pa lang tuloy ako. Kapag ako ikinasal ako kakanta ng lahat ng kanta makikita nyo!


55. Beach bum. Bukod sa isda ang zodiac ko, at nagtitinda ng isda ang mama ko sa market, pakiramdam ko dati akong sirena. haha


56. Hindi ito ang unang blogsite ko. Nagsimula ako magsulat sa Multiply Account ko. Tpos gumawa ako ng ibang blogspot account ko. Kaso nakalimutan ko ang password ko. Shunga lang. Kaya andito na ako sa site na ito. 


57. Hindi ko alam na marunong pala ako magsulat o magkwento. Nag-enjoy lang ako magsulat nung may nagsabi na nakakatawa naman ang sulat ko. Kaya itinuloy-tuloy ko na.


58. Magalang at marespeto ako. Pero may rule naman din ako dyan. Hindi porket ikaw ang mas matanda ikaw na ang tama, masusunod at dapat irespeto. Gawin mo ang sarili mong karespe-respeto para ibalik sayo ang pagrespeto.


59. Masipag? Sakto lang. Sumpungin kse ako minsan gusto ko gumawa, minsan ayaw. Pero kapag kailangan, hindi ko tinitigilan hangang di ko nagagawa. Ang importante lang, maachieve ko ang dapat nakaset sa mind ko i-achieve.


60. Nagpatulong ako sa bestfriend ko sa 100 facts kase hirap na hirap na ako. sabi nya MAGANDA AKO, kahit humihilik ako ng kaunti, MAGANDA AKO. kahit asar na asar ako sa pic namin, MAGANDA AKOSiya may sabi nun hindi ako ah. Sinulat ko lang.  


61. Kapag umuuwi ako sa Bicol, gawain ko asikasuhin ang mama ko. Ako nagluluto ng ulam, naghahain sa kanya at nag-aayos ng higaan nya. Eh pagod na sya galing sa pagtitinda sa palengke eh.


Me and Bunso
62. Kamukha ko daw ang bunso kong kapatid. Ayun oh tignan nyo...


63. Favorite color ko ang brown at violet. Yun nga ang motif sa burol ko eh.


64. Ugly duckling ako ng highschool days. Kaya hate ko nga magpost ng pics ko noon, nakakasira ng reputasyon.


65. Mahilig ako sa jacket, mas madami pa nga akong jacket kesa sa mga t-shirt ko.


66. Hindi ako sanay bumili ng sarili kong damit. Lumaki kasi ako nagsasabi lang ako ano gusto kong damit at sila tito ko na ang bibili para sa akin. Ngayon pa lang ako nagsasanay.


67. Ang ingay ng mga palaka kong opismeyt, sinabihan ko nga ng volume down. Ngayon lang hindi ako makapagsulat ng maayos eh. Epal kase. Opo mahadera ako minsan. haha


68. Mahilig ako mag-day dream. Tapos kinikilig din ako sa sarili kong ilusyon. Parang eng-eng lang.


69. Mahilig ako mag-inum ng tubig. Kaya kapag pinindot ko ang taas ng dibdib ko, antagal mawala ng puting marka ng daliri. Water retention :)


70. May pagkasuplada. Hindi kase ako friendly at mapagkilala unless mauna sila maglakas loob makipag kilala o may mag-introduce na common friend. 


71. I tend to spoil someone i love. Yung tipong lahat ng gusto binibigay bukod sa puso at kaluluwa. Mehe ganun!? Ayun namimihasa tuloy.


72. Mahilig ako pumaktor (factor) o humavey! Napanood nyo My Amnesia Girl? Yung mga cheesy lines dun. Bago pa napalabas ang movie na yun, gawain ko na umarte ng mga linyang pampelikula.


73. Kapag nagpunta ako sa CR para maligo o kahit ano pa man ang kailangan kong gawin dun, kasama ko ang cellphone ko at ipod. Concert on Going ang tema kapag andun ako. At opo, kahit basang basa at lunod na lunod na ako sa paliligo, sumasagot prin ako sa txt kapag adik ako sa katext ko. Kaya ang towel ko basa na bago pa ako matapos maligo.


74.  Never pa ako nag Nokia Phone. Ayaw ko kse andaming model na kalalabas lang ng model ng phone, next month phased out na agad.


75. Smart ang una kong gamit na number. Kaso lahat ng friends ko naka Globe kaya nung nagpalit ako ng number Globe na din. Ngayon dalawa ang number ko, parehong Globe.


76. Sex. May isa akong patakaran dito. No Boyfriend No Sex. Kasi karugtong ng Sex na yan ang feelings ko. Kaya takot din ako may manyari sa ex.. baka bumalik ang nakaraan. Scaaaaaared!


77. One time, nakipag dare ako sa friend to pretend as boyfriends for a whole day. Matagal na din naman ako walang bf. The experience was so magical. Parang panaginip lang ang lahat. Hoy wag ka echosera! Walang sex yun ah. Hindi kasali sa pagpepretend yun! 


78. I used to have two piercings sa left ear ko. Isa sa tuktok at isa sa normal na nilalagyan ng hikaw. Kaso lagi ko nawawala ang pakaw ng hikaw. Tsaka nadadaganan ko yung tenga ko nagsusugat yung isang hikaw sa tuktok ng tenga. Ayun hinayaan ko na lang sila magsara.


My Tattoo
79. I have a tattoo on my back. Sa right side. Wala pang kulay. Hindi ko pa pinapatapos ng kulay kse nataba ako, papayat muna ako ulit saka ko sya papakulayan. Kapatid ko naman ang tattoo artist eh.


80. Nung nagcostume party kami sa dati kong opisina, hindi ako nagpakabog. Hulaan nyo kung sino ang costume ko? Si Sangre Danaya. Asan ang picture? Wag nyo ng hanapin ibinaon ko na sa baul! Nakakasira nanaman ng reputasyon.


81. Pinaka masakit na gagawin sakin ng isang tao? Ang lokohin. Ayaw ko talaga yung feeling betrayed. You rather hurt me with the truth, but never comfort me with a lie. Anu nga ulit yung sinabi ko? 


82. Namimiss ko mag-aral. Yung pumasok sa school, naghahapit para sa exams, yung gigising ng madaling araw tapos magpapatugtog ng radyo at may nakahain na pagkain habang nagrereview.  Sana maisingit ko na ulit yun. At sana bilisan makatapos ng mga kapatid ko. haha


83. Nag-aalay lakad kami noon ng mga kabarkada ko from highschool. Nine years straight yun every Holy Thursday galing Marikina to Antipolo Church. Every after lakad, deretso kami sa resort at dun nagsu-swimming. Pasma lang ang labanan!


84. Nung bata ako takot ako sa gumaganap na Hudas sa senakulo. Paano nanghahabol ng bata. Nung lumaki na ako, crush ko na yung gumaganap na hudas. Cute kasi eh.


85. Sa bahay namin dati nagpapasyon. Uso sa amin ang pagkanta ng pasyon sa modern na tugtog. Isang beses wala ng kakanta at magsisitulugan na sila kaya iniwan nila ako dun. Kumanta nga ako sa tono ng "Ooops I Did It Again". Ayun hindi sila natulog katatawa. Pinagmumura nila ako after dahil sumakit ang tiyan nila.


86. Paborito kong isda ay tilapia! Kapag Holyweek agawan sila sa tilapia kase bawal ang karne. Sila nagaagawan ako kampante lang kasi ipinagtabi na ako ng Lola o Tita ko ng isang buong tilapia.


87. Nangtwo-time na ako? NEVER. 


88. Nabigtima na ako ng two-timer? Hindi lang ata two timer yun.


89. Naging kabit  na ba ako? OO


90. Kabit ka ba ako ngayon? Hindi


91. Kakabit ka pa ba ako? Awat na! Ayaw ko na.


92. Mixed ang friends ko. I have bestfriends na boys, girls at bekbek. 


93. Most touching na compliment na sinabi sa akin ay yung sinabi ng dati ko nakatrabaho sa Wendy's. Sabi nya, homophobic sya. Pero nung nakilala nya ako at nakasama, nawala ang phobia nya. Natulala lang ako. Hindi ko alam may ganun pla akong impact sa ibang tao. Gamot lang sa phobia? 


94. Madali akong ma-bore sa trabaho kung parepareho na ang ginagawa. Buti na lang tuwing may bagong team na itinatayo, sakin pinapahawak. 


95. Hindi ako bumibili ng bagong pants ngayon. Kasi pinapangatawanan ko na babalik ako sa dating size ko at masusuot ko ulit lahat ng ayaw na magkasya kong pantalon.


96. Mahilig ako humingi ng sign kay Lord. Lalo na kapag tungkol sa trabaho, school at iba pang desisyon. Puwera lang sa love life. Natatakot kasi ako baka hindi ako kunsintihin ni Lord. hahaha


97. Kapahon, March 28, 2011, 1st time may tumawag sa aking Author. May bago na akong title yehey! Ang unang tumawag sakin nun, si koya @shagamy , ang author ng  Stochastic Shagamy

98. Ang iba ko pang mga title? Dyosa, Sangre, Madam, Sir, Mr., Kuya, CPA, at higit sa lahat, Boss.


99. Pagdating sa opisina, hindi kaagad trabaho ang ginagawa ko. Nag-aasikaso muna ako ng feelings. Meaning, Facebook, twitter at basa-basa ng blog. Sa hapon o gabi pa ako nagsisimula.


100. At ito ang pinakapasabog sa lagat! wala pang nakakaalam nito. Na Becky ako! weh? di nga!? Oo nga! Ayaw mo maniwala bahala ka.


All things must come to an end. Charot! Gumaganun pa. Ang gusto ko lang naman sabihin ay natapos ko na din sa wakas. NKKLK! Hindi ko akalain ganun pala kahirap yun. Sabi ko pa naman "100 lang yan! sisiw!" Yun pala mapapakain ako ng sisiw ng balot bago ko matapos. Sabagay, kahit naman tayo sa sarili natin, habang dumaraan pa lang ang oras at araw ng buhay saka pa lang natin nakikilala ng paunti-unti ang sarili natin. Paano pa kaya natin mae-expect ang iba na makikilala tayo ng lubos lalo na at limited naman ang time nila para magawa iyon at sa atin. Ganun din tayo sa kanila.


Tapusin ko na ito. Napagod ako. Chow!     

Tuesday, March 8, 2011

Ang Kanta ng Aming Pagmamahalan...

Nagkakilala kami noon ni B sa isang mall, sa game stations. Nagkasabay kami maglaro ng Dance Dance. Sabay kaming pumunta sa laro na iyon. Yun yung dance game katulad ng dance dance revolution pero imbes na paa ang gamit mo, eh kamay. Eh since pangdalawahan naman ang laro na iyon, napagkasunduan na namin na sabay na lang kami maglaro.

I Wanna Dance with Somebody ang eksena ng lola mo. Ika wba naman makasayaw mo ang katulad netong si B. Maputi, tama lang sa akin ang tangkad, at higit sa lahat, wafu! Syempre kilig-kiligan ako at may kasayaw at kalaro akong gwapo. With matching pasimpleng sulyap pa ako sa kanya habang naglalaro. Nahuhuli naman nya ako dahil sya sumusulyap sulyap din sakin. hihihihi kilig!

Magaling sya maglaro ng game na yun. Normal lang na level ang kaya kong ilaro doon. Eh sya pang-wild level ang performance. Pero may naramdaman akong wild! Ang puso ko wild kung kumibot!

Doon nagsimula ang komunikasyon namin. Konting usap, nagkapalitan ng cellphone number. Hindi na ako umarte-arte pa. Bigay na ng cellphone number, discount card number, senior citizen number, SSS, TIN at higit sa lahat, ang aking PAG-IBIG number! Nakilala ko nanaman sya sa personal eh. Nakasayaw pa. Wala nag keme-keme pa. Napapakanta na lang ako ng:

"Suddenly the wheels are in motion
And I I'm ready to sail any ocean
Suddenly I don't need the answers
Cos I I'm ready to take all my chances with you"


Byudo pala itong si B, walang anak. Tegi na mga naging asawa. Marami kaming pinagkakasunduan at kaparehong mga bagay. Sa pagkain pareho kaming hindi mapili, pareho naming paborito ang tilapia. Mahilig mag-inom. Lalo na ako dahil modelo ako ng alak. Ako yung nagsasabi sa commercial "Ang sarap maki-party!" habang naka two-piece swimsuit. O dba hongonda ko lang! #adikmuch

May mga bagay din kaming magkaiba, pero swak! pak! tumpak! parin. Katulad kapag matino, sya madaldal pero kapag lasing, tahimik lang. Eh ako baligtad, kapag normal lang tahimik lang ako pero kapag nalasing, madaldal na at malakas na ang loob. O dba hindi kami magbo-bore kapag magkasama.

Tumatagal ang panahon, lumalalim ang pagkakaibigan. Naging magkasintahan na nga kami. At makalipas ang 5 taon, sa simbahan din ang tuloy. I AM NUMBER 3! 

Wag ka mag-alala teh! Hindi naman katulad ng Tanging Ina Mo ang eksena dito ni B na nadidisgrasya ang mga napapangasawa at natitigok. Buhay naman ako at masigla. Hongtaba ko nga eh. 

Sa araw ng aming kasal, napakasaya naming dalawa. Tatlo ang kulay na motif sa aming kasal. Blue kasi yun ang paborito nya. Brown at Violet dahil yun ang paborito ko na ginawa din nyang paborito dahil may damit din sya na ganun ang kulay at hilig nya suotin.

Sobrang gwapo ni B nung araw na iyon sa suot nyang puting tuxedo. Yung tipong pati aso totodo ang paglalaway at mababaliw kapag nakita sya. Buti na lang normal na sakin ang pagiging baliw. Pagbukas ng pintuan ng simbahan at nakita ko sya nag-hihintay doon sa dambana, naiyak ako. Nakita ko syang todo ngiti, nangungusap ang mga mata. Kumukuti-kutitap. 

Tumugtog ang organ sa simbahan, iniabot sa akin ang mikropono, at habang papalakad sa gitna, ako ay kumakanta ng Pangarap ko ay Ibigin Ka...

Syempre eksena ako sa sarili kong kasal. Kasal ko na yun eh. Pati nga si B nagulat. Hindi nya alam na kakantahan ko sya sa aming kasal. Panagrap ko kse ang kumanta sa kasal. Ayaw naman ako pagbigyan ng mga kaibigan ko tuwing may ikakasal sa amin. Kaya kung ayaw nila edi wag. Sa kasal ko ako ang kakanta! haha

"Tuwing ikaw ay nariyan
Sabay kong nadarama ang kabag at ligaya
Ang 'yong tinig wari ko'y di marinig
'Pagkat namamangha 'pag kausap ka

Kaya nais kong malaman mo
Ang sinisigaw nitong aking puso

Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka"


Lakad papunta sa gitna, habang nakangiti, kumakanta ng buong puso.

"Ikaw kaya ay nais din
Akong makapiling at ibigin
O kay sarap namang isipin
Na tayong dalawa ay iisa ang damdamin

Aking hinihiling na sabihin mo
Ang nilalaman ng 'yong puso

Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka"

Naiiyak na ako, puno ang emosyon sa pagkanta. Nakatingin sa mga mata ni B.

"O kay tagal ko nang naghihintay
Na sa akin ay mag-aalay
Ng pag-ibig na tunay at di magwawakas

Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka

Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka" 

Si B tuluyan nang umiyak habang nakangiti at inaantay ako sa dambana.

Umpisa plang ng kasal na yun, may iyakang factor na! Naiyak ako sa sobrang saya at emosyon ng pagmamahal na nararamdaman. Si B hindi ko alam kung saya ba yun, o natakot sya na araw-araw ba sa buhay namin eh matutulilig sya sa pagkanta ko. Eh tinanong ko naman sya pagkatapos ng kasal bakit sya naiyak, ang sagot naman nya sobra syang saya at ramdam na ramdam daw nya ang pagmamahal sa pagkanta ko.

Natapos ang kasal at nagproceed kami sa reception. Syempre ang first dance namin ni B ay ang theme song namin. Ang kantang Perfect Combination.

"Perfect combination
Love plus you and me
Perfect combination
We couldn't ask for any better
Perfect combination
We fit to a tee
A perfect combination
We're all it takes to last forever
Together"

Hindi ako marunong sumayaw masyado. Kaya itong si B, lagi ko naaapakan. Kaya ang ginawa nya, pinaapak nya ako sa dalawa nyang paa, at sya na ang nagsayaw para sa aming dalawa. Hong-sweet diba! Hindi naman halata dahil sakop ng gown ko ang paanan namin.

Masasarap ang handa noon, carbonara, caldereta, tilapia prin, tortang talong, inihaw na baboy, fried chicken, at kung ano -ano pa. May inuman at videoke pa. Mukang fiesta ang handaan hindi reception ng kasal. haha

At dahil abala naman ang lahat, ang B itinakas na ako. Hindi na daw sya kasi makatiis. At deretso na kami sa Honeymoon. Isang linggo yung event na yun. At wag ka! bongga ang honeymoon na yun. Sa PARIS! 

Naging masaya ang pagsasama naming dalawa, na nagbunga ng dalawang magandang mga bata. Isang lalaki at isang babae. At hindi lang namin Theme Song namin, pati ang aming sperms at eggcells ay nakikikanta din ng Perfect Combination! Honggaganda ng kinalabasan ng mga anak namin! Dinaig at napatabi ang mga anak ni Zoren at Carmina pati ni Aga at Charlene at sila ang pumalik ng mga tv endorsements!

Sa kasalukuyan patuloy ang pagsasama namin ni B. Masaya, maligaya. parang nasa paradise, kumakanta ng:

"I wanna believe it’s love this time
I wanna believe my heart’s not telling me lies
But with you I can’t deny
If I believe in paradise
I swear
I’m there"


*Note: ito ay kathang isip lamang ng 2 tao na walang magawang matino ng araw na iyon kundi ang magkulitan   at magdugtungan ng kwento. Pero kung magkakatotoo ito, or kahit parte lang nito? Ako na siguro ang magiging pinaka masayang tao sa buong earth! 

Tuesday, February 1, 2011

2010 Kembot- Hello United Kingdom! - London Edition...

WestMinister Abbey
Uwian na! After 1 month na nasa Leeds kami at nag-aral aralan ng bagong system at trabaho na ililipat sa Manila, sa wakas ay uuwi na kami.

Binigyan kami ng 1 day para makapag-gala sa City ng London. Pinabook kami ng Hotel doon ng company, binigyan ng baon sa pag-gala. Ang saya diba?

Syempre sinamantala namin yun. Kasi kasama sa train ticket namin 
na galing Leeds papunta ng London ay ang unlimited train ride ticket around London.

Kinita din namin ang mga kaklase ng officemate namin na doon nag-aaral at nagwowork sa London. Sila ang maggagala sa amin doon.

Madami kaming napuntantaha.

Pagkatapos na pagkatapos namin pumunta at magcheck-in sa hotel, umalis na gad kami para gumala. At pagbaba namin sa Piccadilly Station, dumaan kami sa park. May mga nakasabay kaming mga batang estudyante na gumagala din at naka boyscout attire. At may mga magjojowa na walang pakundangan maghalikan sa damuhan! 

Nang-iingit? Sayang wala akong tirador! tinirador ko sana.






Buckingham Palace

Royal Guard


 Galing sa Park doon na namin makikita sa kabilang kalsada ang Buckingham Palace, niyaya pa naman ako ng Queen at ni Prinsipe William na magTea kasama nila pero I declined. Busy kasi ako at kailangan ko pa maggala. Choz! Ang daming mga turista. At nakipagsingitan para makapagpapicture sa Royal Guard.



Victoria Regina 

Sa tapat mismo ng Buckingham nandoon ang mataas na statwa na ito. Dyan nagtitipon ang madaming tao. Ang daming turista na iba-iba ang lahi. Iba-iba din ang lenggwahe. At higit sa lahat, iba-iba din ang amoy!


St. Paul's Cathedral

After namin sa Victoria, naglakad-lakad pa kami ng medyo malayo at nakakaligaw papunta sa St. Paul's Cathedral. Naabutan namin na patapos na ang misa. Nagdasal na lang kami na sana maging maayos at ligtas ang byahe namin papunta sa Singapore kinabukasan kung saan doon ang connecting flight namin papunta ng Manila.


Big Ben


WestMinister Cathedral


House of Parliament



London's Eye and London's City Hall


Walking distance from the Cathedral, doon sunod-sunod na amg iba pang mga land marks, ang WestMinister Church kung saan ikinakasal ang mga maharlika. Doon din ata sila ibinuburol. Ang WestMinister, kung saan nagku-convene ang Congress nila. Ang sikat na Big Ben, simple pero sikat na orasan. Ang London's Eye, isang malaking Ferries Wheel kung saan makikita mo ang buong London kapag nandoon ka sa itaas nito.




Tower of London

London Tower Bridge


London Tower Bridge

Mula sa London's Eye, naglakad kami papunta sa train station papunta sa Tower of London. At galing doon ay makikita at mapuputahan mo din ang London Tower Bridge. Sayang hindi pa ang sikat at tampok sa kantang "London Bridge is Falling Down, Falling Down" ang napuntahan namin. Sobra ng tower. :)

Leicester Square

Galing sa London Tower Bridge, nagtrain kami ulit papunta sa Leicester Square. Gasgas na gasgas na namin ang train card namin. Pede kseng gamitin yun sa kahit na anung line ng train. Hindi katulad dito sa atin na iba-ibang train, iba-iba din ang card na dapat gamitin. Anyway, diyan sa Leicester ginagawa ng mga premier night ng ibat-ibang pelikula katulad ng Harry Potter series. Diyan na din kami kumain ng dinner. Sa isang Chinese Restaurant.


Reiply's


Beleive it or Not

Ang next at last stop namin after kami ilibre ng dinner ng mga kasama naming taga doon ay ang Reiply's Beleive it or Not. Nakakatuwa ang lugar na yon. Matapos namin doon at sumakay na ulit kami ng train pabalik ng hotel. May nakasalubong kaming ng becky na corss dresser. Natawa ako, parang dito lang din sa pilipinas ang drama. 

All in all super natuwa ako sa paglilibot ng London. kahit sumisigaw na sa sakit ang paa ko. At tuwing nakakakita ako ng movies katulad ng Harry Potter at Sherlock Holmes, natutuwa akong makita yung same place na nagalaan ko na. :)


London Heathrow International Airport

Kinabukasan ay flight na namin papunta ng Singapore. Supposed to be ay 1pm ang flight namin. Buti na lang mga 3 hrs before ang nasa airport na kami. Kaloka, may sumabog na bulkan ang nagbuga ng madaming ash! Nausog ang flight namin 2hrs earlier. sakto lang ang dating namin doon dahil isasara ang airport pagdating ng 12nn. Kung hindi kami umabot sa earlier flight na 11am, naku magstay pa kami doon sa kanila ng 2 weeks pa dahil sa tagal bago magclear ang sky nila.

Uwing-uwi na ako ng Pinas nyan!










Monday, January 31, 2011

2010 Kembot- Hello United Kingdom! - Petrang Kabayo Edition...


We have been invited by our company's CEO (UK main office) to this company sponsored horse racing, this is a social event in England, the William Hill Lincoln Meeting. We were given the pleasure of meeting the top execs of our company and able to enjoy the luxury of experiencing the event as one of the them...they were very nice..And we just enjoyed acting as one of the Matapobres... hahaha

We dreaded to attend the event as we would be required to dress up... at dahil dyan...we gave justice in acting as the Matapobres! kelangan namin ng hustisya! makibaka! 



Syempre ang ginapanan ko ay si Cedie, ang munting popstar pwincess!


Naku! This is my first time to wear a complete set of monkey suits! Buti na lang hindi ako umarteng unggoy.


Hindi naman namin inaasahan na aatend kami sa ganitong klaseng event. Hindi kami ready! At wala naman kaming dalang damit para sa ganitong okasyon.


Kaya ang nangyare ay binigyan kami ng budget para pambili ng damit! Hindi ba ang saya! At ang bongga sa lahat, sa Marks and Spencers ako namili ng kasuotan ko! Naku kung dito sa Pilipinas hindi ako willing bumili ng ganyan! Pero doon sa England, mas mura ang M&S! At sale kung sale! From head to toe doon ko binili.


Take note ha! Manonood lang kami ng karera ng kabayo, kelangan formal formalan ang kasuotan! Itry mo kaya dito sa Pilipinas yan, kung hindi ka mamatay sa init ng suot mo, gagawa ka pa ng eksena sa karerahan! 




Shala naman talaga makasalamuha ang mga elite, bukod na sa balkonahe kayo nakapwesto, kitang kita nyo ang buong pangyayari sa pagkakarera ng kabayo, ay may sosyal pa kayong pang fine dine-in lunch. Syempre ang usual ng set ng meal sa kanila ay tatlo! Apetizer, Main Course at Dessert. Yun ang normal na pagkain sa kanila. Minsan nga kapag sa hotel kami kumakain, inaabot kme ng 2hrs for dinner lang! Sa tagal ng preparation ng mga courses.

At dahil sa mga nakahain, di namin pinalagpas ang pag-inom ng sosyal at masarap na Champagne. Overflowing! Sobrang lamig kasi, kaya kelangan namin ng pampainit at pampakalma. :))
 At syempre, dahil sa event na iyon, Hindi na rin namin pinalagpas ang pagtry tumaya sa karera! haha nanalo naman kami ng isang beses. Pero dalawnag beses natalo. Ok lang naman, pera din naman ng company ang pinangtaya namin eh.

Bukod doon, kami din ang pinapili at nagjudge kung anong kabayo ang well groomed. May sariling price kapag sila ang napili. Pero malay ba naman namin kung pano namin malalaman ang well groomed sa not so well groomed? Hindi ko pa naman natry mag-alaga ng kabayo noh! At dahil dyan, biased ako, nakadepende kung cute ang nag-aalalay sa kabayo! Kung gurlash! lost! wahahaha



Iyan ang ilan sa mga kabayo na kasali sa takbuhan. Hindi ko na matandaan kung sino ba ang nanalo. Madami kasing categories ang karera.


Sya ang nasa pinakamataas na posisyon sa company namin, ang CEO. Mabait yan at approachable. Parang lolo lang ni Cedie ang pakiramdam ko sa kanya. Diba kamukha nya si Lolo KFC?


At ang nasa dulong kaliwa naman ang 1st lady. Nagkauntugan kme kse nalaglag yung shades ko at sabay naming inabot. hehe


Ay kasama din pla namin sa lamesa si Justin Bieber. Naku hasler yan sa pagtaya sa karera. Madalas tama ang tinatayaan nya. Pero since minor pa sya, hindi pa sya pede tumaya sa karera, pero sa sugal ng pag-ibig at paglandi pede na! hihihi

Naging memorable ang lakad namin na yun. At napagod din kame sa pagpapanggap na maging prim and proper. Pagbalik ko sa hotel, ang sakit ng paa ko. Hindi na ako sanay nakasuot ng black shoes lalo na kung may 2inch hills yun! haha