Hello there! Antagal na ng last post ko! Ayaw gumana ng creative side ko. Yun eh kung merun ako non.
Anyway, super late post na itechiwa. May pa ito. Kainitan pa ng araw at ng kalandian ko. Charot! Infairview hindi naman puro landi ang inatupag ko sa kembot na ito, may kasamang kawang-gawa.
Isinama ako ni Kuya Bry sa pagpunta nila sa Batad, Mountain Province para sa gagawin nilang Outreach Program sa mga batang mag-aaral doon. Second year na ata nila ginagawa ito kaya familiar na sila sa lugar.
At dahil bongga ako at isinama lang ako, nagsama din ako ng kasama. Hahaha kasi dapat dalawa kmeng isasama na ipinaalam ni Kuya Bry kaso back out mode ang Dora dahil may aatenang kasal. Kaya isinama ko si Boss Fred. Ayun super paalam naman sya sa kanila, at least hindi lang basta gala ang pakay namin doon, kundi ang tumulong sa kapwa.
Umalis kme ng around 10pm sakay ng Florida Bus galing sa Manila papuntang Banaue. 8-9 hours ang byahe at may stop over sa Tarlac at somewhere north na hindi ko na matandaan hahaha. Dumating kami sa Banaue around 6am.
Puyat mode ang lola mo. Hindi makatulog ng maayos sa byahe dahil hndi talaga ako sanay matulog sa umaandar na sasakyan. At pasaway pa ang aircondition sobrang lamig! At dahil sa malandi ako, sinamantala ko ang lamig dahil super siksik ako sa katabi ko. Kaso isang oras lang ako nakatulog. Pero wag ka nakatulog ako sa balikat ng katabi ko. Hahaha.. at kahit gising ako at nakapikit lang ay nakahilig pa din ako sa kanya. Bakit ba, dun may init eh. Ginaw kaya!
Pagdating namin sa Banaue ay naglipat na kami sa jeep ng mga gamit at mga bagahe na ipapamigay namin sa mga bata. Rented ang jeep, 3,000 na yun papunta sa dulo ng kalsada bago kami maglakad papunta sa Batad mismo. Kapag magkocommute ka, 150 ang bayad one-way ata yun. Before kami tuloy tuloy na magbyahe ay kumain muna kami ng breakfast. Doon sa isang maliit na resto kami kumain. Adobong manok at rice ang kinain namin.
After noon ay sumakay na kami sa jeep. Maluwag naman ang laman ng sasakyan dahil mga 11 lang kami. Pero dahil first time ko, ni Boss Fred at ni Tisay magpunta sa Batad, eggcited eggcitedan kami makita kung ano ang meron, ay nag top load kami apat kasama si Kuya Bry.
Tagtagan kung tagtagan ang labanan. Sila mga nagsisakit ang mga waput (pwet) sa pagubo sa bakal na dahil sa lubak lubak na daan. May mga parteng patag at sementado pero after 50 meters ay rough road na ulit. At ako dahil sa Dyosa-dyosahan ay nakaupo sa maliit na sako ng bigay. Hahaha nagmamaganda ako sa knila hahaha. Ang epekto lang sakin ng lubak ay ang pagtalbog talbog sa bigay. Ayun sa bigat ko nabugbog ang bigas.
Maganda ang tanawin sa dadaanan. Dun pa lang ay makikita ka nang maliliit na Rice Terraces. At makikita mo na sa gilid gilid ng bundok at ilang bundok na ang nalagpasan nyo. Kitang kita mo din ang kitid ng dadaanan na konting liko lang ng sasakyan ay malalaglag na kayo sa bangin.
Mga 1 oras din ang byahe mula Banaue hangang sa Churva Point (nakalimutan ko ang tawag eh) kung saan kami bababa at magsisimulang maglakad. Maganda ang view sa Churva place na yun. Kita mo ang dinaanan nyong mga bundok. Ayan oh nagpapicture sya. Ako din nagpapicture pero wag nyo masyado hanapin ang pics ko sa post na ito dahil kasalukuyang minamanas ako ng mga oras na iyan. Kaya pipiliin ko lang ang ilalagay ko pic ko. Hmpft!
Dun na nagsimula ang challenge! Nagrenta muna ako ng tungkod kay manong sa halagang 10 pesos. Kung bibilihin mo sya ay 40 sya. Yung mga bagahe namin ay pinaporter na dahil mabibigat. Hindi ko pa alam ang mga susuungin ng pagsubok kaya keber lang ako sa bitbit ko na malaking bag. Malay ko ba. Nagsimula kaming bumaba sa pamatay na hagdan. Isang bundok na hagdan! kung iisipin mo madali lang, jusme pagdating ko sa dulo ay bumibigay na ang tuhod ko. Dont get me wrong, matagal ng akong bumigay, pero this time may 2nd na pagbigay ang tuhod ko. Nagbabadya syang basta na lang bumagsak.
Dalawang oras din ang inabot ng paglalakad namin. Pataas-pababa-pataas, Lakad-pahinga-lakad. Hindi ko na kinaya, pinabawasan ko na laman ng bag ko! Hahaha.. Maya award ako nun, Best in Pawis. Nakakaloka talaga.
After 2 hours nakarating din kami sa aming paparoonan. Binaba lang namin ang aming gamit at dumeretso na kami sa school at inayos ang mga ipapamigay namin sa mga bata at sa eskwelahan mismo. Ayos dito, ayos doon. Matapos kaming magayos, Pinakilala na kami isa-isa sa mga bata habang sila ay nakapila. After noon ay pinapila na namin ang mga bata isa-isa based sa kanilang baitang (grade) para mabigyan na ng kanya kanyang supplies.
Nakakatuwa ang reaction ng mga bata. Mas nakakatuwa ang pakiramdam kapag nakita mo na ang mga ngiti nila at nagpasalamati sila sa iyo. Kakaiba ang feeling. Masaya ang pakiramdam ng nakakatulog. Kahit epal lang kami dito, iba pa rin ang pakiramdam. Kita mo sa muka ng mga bata ang appreciation at saya.
Makukulit nag mga bata. After nun ay nagpicture picture taking kami kasama sila. Binigyan ng konting meryenda na donut at jabi burger. Pero pati syempre kami gutom na. Kaya nakikain na din kami sa knila. Haha.
Pagod na pagond na kami ng oras na yun kaya kahit maaga pa, hindi na namin naituloy ang balak na pumunta sa falls. Naglinis at nagpahinga na lang kami. Inenjoy ang view ng rice terraces sa batad. Hongonda diva!
At dahil mga manginginom ang kasama ko, ahem, ako na din pla, maagang nagsimula ang inuman. Nung una eh kaming 4 plang, ng pagkatapos nila magpahing at medyo dumidilim na eh unti-unti na kaming nadagdagan. Hangang sa lahat na kami.
Ang saya ng inuman/kantahan. haha Puro tawa lang at kalokohan. Antonov, The Bar at may Shontoc (spell check). Hindi man lang kami nalasing sa kakatawa kahit hapon pa lang ay nagsimula na ng inom. Pagkatapos ng inuman ay nagutom kami. Walang dinner-dinner pa kasi yun. Haha so lafang na muna bago dumeretso sa kwaro at humimlay sa kama. Walang bintilador sa room. Simpleng higaan, unan at kumot lang tlaga. Hangin na galing sa bintana lang ang magsisilbing pampalamig nyo. At infairview, hindi malamok. Sa pagod ng araw na yun ay nakatulog naman ako ng mahimbing. Haller! Katabi ko pa sa pagMeme ang crush ko! (Crush lang daw oh! Plastic!). Hindi ko akalain na kinabukasan ay wala pa sa kalingkingan ang dinanas ko na muntik na pagbigay ng tuhod ko sa hagdan.
To be continued.....
No comments:
Post a Comment