Sa Overlooking ng Boracay Island |
Ito ang unang gala ng Mama ko sa Pilipinas. Sa Boracay.
Noong bandang April, nagtxt sa akin si Mama. Napapagod daw at nai-stress na daw sya. Ikaw ba naman ang magtrabaho simula nung kabataan mo hangang ngayong may pamilya na sya kung hindi ka ba naman ma-stress.
Pagdating sa Mama ko, medyo matatarantahin ako! Sabi ko sa Mama ko magbakasyon muna sya sakin dito sa Manila. Sa Naga City sa Camsur kse sila nakatira. Ora-mismo nung araw na yon nagpabook ako ng flight balikan Naga-Manila.
Tapang Ni Mudra! sa Kanya nakasabit ang Paniki |
So ako na ang bahala sa pagpaplano kung saan kami maggagala since ako naman ang super kembot sa buong Pilipinas. Noong una eh pinaplano ko na sa isang beach, siguro Puerto Galera, at sa isang mabundok, Benguet, na lugar kami pupunta. Hindi naman kasi ganun kalaki ang gastos sa pagpunta sa mga lugar na iyon kumpara sa ibang lugar. Maganda din naman sa mga iyon. Kaso itong si mudra, walang ibang alam kundi Boracay, Boracay, Boracay!!!
Oh edi ng matapos lng di sa Boracay. Yun lang ang gastos sa dalawang lugar eh sa Boracay mapupunta lahat. Sasakay ka ng eplen papunta dun noh!
Nangitim ako dahil dito! |
So dumating na si mader! At hindi lang sya ang ipinasama nya sa lakad namin pati pa ang dalawang kapatid ko na andito na sa Manila. Naku madaming first time sa lakad namin na yun. Si Mama first time sumakay ng eplen, yung galing sa Naga. Ang dalawa kong kapatid naman first time din sumakay ng eplen nung byahe namin papunta Kalibo.
Since dun lang sila nakapunta dun, at hindi nila alam kung kelan sila makakakembot pa ulit pabalik don, niexperience na din nila ang ilang activities dun.
Sa unang araw namin dun eh ATV motor ang una naming ginawa. Isang pang dalawahan kse si Mama ay aangkas lang at dalang solo. Sa paglilibot sa island ng Boracay eh nagpunta kami sa isang mini-Zoo at sa Overlooking na view ng buong island. Nasunog aketch sa activity na yun! haha.
Katutubo? |
Nagtingin tingin na din kami ng mga mabibiling mga bagay-bagay habang nagpapalipas ng init ng araw bago magtampisaw sa malinaw na tubig. At syempre, si mudra ang kasama, kontrabida sa paginom ng alak, eh uminom pa din kami. Sa Starbucks! First time din ni Mama ang magStarbucks, at sosyal sa Boracay pa!
Transformers Churva |
Hindi na din kami masyado nagsikain sa mga Resto doon, twice lang. Isang lunch at isang dinner. Kamusta naman kse gastos ko lahat. Kung lahat ng kain eh doon baka hindi na kami makauwe at maghugas pa kami ng platochina! haha
Namamalengke na lang din kami sa talipapa at nagluluto sa bahay na tinutuluyan namin. May mga gamit at kitchen na kseng kasama ang room na nirent namin. At malamang ako din ang ngaluluto. Di ba all around ako!
Nung 2nd day eh Helmet Diving or Reef Walking naman ang ginawa namin. Si Mama game na game pa din! Ayaw magpaiwan eh. Ayun naaliw naman sya.
Oh flat ang tyan ko oh! |
Naloloka nga ako! Habang nasa ilalim ng dagat, paglingon ko tumatalon talon! Inaabot abot ang mga isda! Nasa pampang ka lang Ma?! hahaha tawa ako ng tawa habang pinapanood syang nageejoy. Naku ang kairita lang sa reef walking na yan eh anchachaka ng kuha ng pics ng mga tao dun! hmpft!
Anyway, nagenjoy naman ang Mama ko. Sa sobrang enjoy nga nya eh nakalimutan nyang isuot ang tsinelas nya pabalik ng pampang at naalala lang nya nung bababa na ng banka! Kaloka! Ayun naglakad ang kapatid ko papunta sa Main Beach ng nakapaa!
Tsunami! Takboooo! |
After nun ay kumain lang kami at nagpunta na ulit sa mga tindahan para maghanap ng mga pasalubong sa dalawa ko pang kapatid na nasa Bicol at hindi nakasama. Pampalipas ulit ng init ng araw. Pagkatapos noon eh sinulit na namin ang pagsuswimming. Medyo maalon din ngayon doon. Pero inenjoy na din namin.
Super habulan ng mga alon at picture picture. hahaha..
Chumi-Cheerleader si Mudra! |
Sobrang saya ng lakad na yun. lalo na akpag kasama si Mama. Comedy mode. Lumilinya pa sya, "51 nako, bakit kse ngayon mo lang ako dinala dito, hindi nung 21 pa lang ako. " oh di ba bongga kung makapagrequest sakin, sinagot ko nga "Mama!? 3 years old ako? may trabaho na ako nun?!" hahaha.
Kaya sabi ko sa kanya mag-isip na sya saan nya gusto pumunta. Paplanuhin na namin. Wag lang sa makikidnap ako ha! Alam naman nyang napagbibintangan akong Koreano at minsan Hapon. haha.
Nagmamagandang Chubby |
May isang pa pala akong activity dun, ang PAGMAMAGANDA! CHAROT!
Uwian na, At Kalibo Airport |
At katulad ng ibang lakad , kami ay uuwi din. Sa December ulit sabi ko sa iba naman. At para bakasyon kasama ang dalawa ko pang kapatid para kumpleto kaming 5! haha
No comments:
Post a Comment