Tuesday, September 14, 2010

Showbiz News Ngayon!

Last long weekend nakakulong ang BB sa bahay. Ang dahilan? Poorita! haha walang laman ang banga.

Nakalabas lang ako when Kai and Eya (my super friends since HS) txted me at nasa isang bar sila sa Riverpark. Sunod naman ako para makitambay. Nagkwentuhan, tawanan, nakinig sa ingay  ng banda at uminom. Naka isang bote lang ako.

Nagtxt si BY na punta kmeng Cubao kse wala syang magawa sa haws nila. Isang linggo naman na kse syang nagtatanung sakin kung may pede ba kaming puntahan para mag-inum. Eh wala nga akong plano kasi walang yaman! Payag naman ako agad basta sagot nya ako.

Ay bumaha ang Redhorse! Tatlong Bucket ang inorder ni BY. Isang bucket para dun sa tatlong na kakilala nya. At dalawang bucket sa aming dalawa. Languan ang laban.

Pinakilala nya ako sa mga kasama namin. He introduced me as his "Bestfriend" which puts a smile in my heart.
That is how he introduced me before we became an item and then broke-up.

Merun kaming kasamang hottie, haha yung tipong Coco Martin in someway. Hindi naman ganun kataas ang level pero humahabol. Nagkakatinginan kme ni BY at alam na namin ang ibig sabihin nun. We are on the same page. Pinapansin kami ng mga kasama namin kasi pangiti-ngiti kami sa isa't-isa akala nila nagtxtxt kami kahit magkatabi. Eeeeennnk! Mali sila dun. Dahil sa FB on Mobile kami nag-uusap. Pinag-aagawan namin si Coco.

Coco got interested saming dalawa. Tahimik kasi kami at nagtatawanan na lang bigla. So he asked about us. Si Coco naging si Boy Abunda.

Coco to Us : Ganu na kayo katagal mag-bestfriends.

BB to Coco : Mga three years na.

Coco to Us: Hindi ba kayo nagkakadevelopan?

Natawa kami pareho.


BB to BY: Hindi ka ba daw nadevelop sakin uy! (habang tumatawa)


BY: Tawa lang ng tawa.


BB to BY: Aamin na ba tayo? Sasabihin ko na ba?

BY to BB: Sige

BB to Coco: Galing na kami dun. Mag-ex kami

Coco to Us: Huh? eh bakit magbestfriend kayo? Grabe di ko kaya yan.

Us to Coco: Eh mag-bestfriend naman kami sa umpisa.

BB to Coco: Yun kasi ang promise namin na kahit magbreak kami dapat magsurvive ang friendship after.

Coco to Us: Ay bilib ako sa inyo. Ako di ko kaya yan. Eh bakit hindi kayo magbalikan?

BB to Coco: Iba kasi. Iba yung commitment ng friendship sa mag Boyfriend.

BY to Coco: Natry na namin pareho. Mas patok kami magBestfriend.

Coco to Us: Bakit hindi ibalik ang tamis? Tignan nyo sweet pa rin kayo.

Natawa lang kami ulit

BB to Coco: Haha hindi madali. Masaya naman kami ng ganto. Iba yung sitwasyon. (Hindi ko maexplain ng maayos)


BY to Coco: May anak ako. (Ayun sya na nagexplain)


Coco to Us: Ay ayaw ko ng ganyang topic may anak din ako. Change topic na.


Natapos na ang interview...

Hindi naman na ako napreasure sa mga katanungan na yun. First time nga lang namin nag-explain na magkasama ni BY.

Sa totoo lang. I was very happy that night. Not only happy but PROUD.

Tinupad namin ang pangako namin sa isat-isa na magsusurvive ang friendship.

Napatunayang walang iwanan.

Kayang tabunan ang magagandang pinagsamahan ang mga sakit ng nakaraan.

Pwedeng kalimutan ang sakit at alalahanin ang ligaya.

WE ARE BLESSED, tama si Coco. Hindi lahat ng dating magkasintahan, kayang maging magkaibigan pagkatapos. At higit sa lahat, libre ang alak ko!

Ang sakit ng ulo ko buong araw kinabukasan. awts!


Friday, September 10, 2010

Boracay was a Blast

I was not with Bogs.

He backed out for whatever reason. So i ask one of my closest gay friend to accompany me to Boracay.

We did our best to have fun and relaxed. Ang dami kong itinulog dun sa hotel. Nag-enjoy ako sa free WIFI, aircon at cabled tv.

I also enjoyed our activities. Reef Walk, Parasailing at Zorb! Super fun.


But through out vacation, Bogs and I kept in touch. Ayun nanghihinayang syang hindi sumama.Eh kasalanan nya. Bahala sya.


Madami na akong napuntahang beach sa buong bansa. Lahat may kanya kanyang katangian. Pero masasabi ko ang Boracay ay mananatiling the best sa kanyang maganda at makulay na seashore, party scene at fun activities. Kung yun ang hanap nyo, sama kayo sa pagbalik ko dun!


The people are nice pa. Muntik ng mawala ang dala kong camera! Naiwan ko dun sa fast craft pagtawid ng dagat. Buti na lang nakuha ng crew at ibinalik sa akin pagtakbo ni kuyang guide para hanapin.

Iniisip ko nga din na magrelocate na dun sa island na yun. Nakakainggit ang mga kalalakihan. Mga taga-walis sa tabing dagat, construction worker, bangkero, at tattoo artist lahat sila may magagandang abs! kayo na! gusto ko din ng abs!

Madami akong napag-isip sa lugar na yun. Tumakas ako dito sa Manila upang magnilay-nilay. na-achieve ko naman ang bagay na yun. At nakita ko, at dun pa sa Boracay, na ang buhay pwedeng maging simple at masaya. Hindi kelangan bongga. basta ikaw ay malaya. Malayang gawin ang mga bagay na nakapagpapasaya sa iyo.

We realy had fun. But at the end of the day, i knew, i would have been happier if it was Bogs who was with me. ahay

Wednesday, September 1, 2010

Boy + Girl = Becky

(An Entry to Coming Out!!! Posts)

Isa ako sa mga masuswerteng Becky sa mga konserbatibong bansa na hindi kinailangang dumaan sa malulupit na pangyayari para maipakita ko ang tunay na ako. Ang tunay na Becky.

Dahil na rin ito siguro sa major major formula na umiral sa aking pagkatao simula nung paslit pa lang ako. Tignan nyo ang aking unang pictorial nung ako ay isang taong gulang pa lang.

Muka bang straight yan o mukang pilyong bata na may masamang binabalak.? : )

 Bata pa lang ako mahinhin na daw akong kumilos. Lumaki ako bukod sa aking pamilya, sa piling ng mga tita at lola. Karamihan babae ang nasa aking paligid. May kaartehan na daw akong taglay. Kinukwento sa amin ni Mader Superior na bata pa lang ako, ayoko daw lumalabas ng bahay ng walang talukbong ng bimpo dahil ayaw ko daw umitim. Hindi nila alam, iniimagine ko na ang bimpo na nakatalukbong sa aking ulo ay ang aking mahabang buhok! haha

Ikaw ba naman na sa buong pagkabata ay walang ibang hairdo bukod sa kalbo! Ayan Bokal tuloy ang aking naging nickname nuon.

Noon pa man mahilig na ako sa mga larong panglalake.

  • Mag-akyat sa puno at pader 
  • Pabilisan ng takbo 
  • Patintero 
  • Luksong baka at luksong tinik
  • Tumbang Preso 
  • Basket ball, baseball at football.


Nahilig din ako sa mga larong babae.


  • Chinese garter 
  • Jack stone 
  • Majorette majorette 
  • at ang makabaling balakang na Boom tiyaya Boom tiyaya Boom Yeh yeh!


Pero ang bongang bongang mga larong Becky ang paborito ko.

  • Little Miss Philippines na ako ang madalas manalo dahil sa Q&A portion
  • Bahay-bahayan at lutulutuan bilang isang butihing ina at ang crush kong kalarong lalake ang tatay..haha
  • Paglalaro ng laruang Rambo at Mr. T bilang mga kontrabida at She-Ra kasama ang kanyang mahiwagang kabayo bilang bida.
  • Ang pinakapaborito ko sa lahat, ang full costumed red undies, white sash, used bra with stars, golden bracelets and the golden winged crown, DARNA! Ako si Darna habang ang tito ko ang gumaganap na Manananggal (with matching black wings and curly long wig) o ang Halimaw sa banga na may mahahabang kuko. Diba supportive ang tito ko!? Minsan nga iniisip ko pangarap talaga ni Tito na gumanap bilang Darna kaso ang pangit kung ako ang kalaban bilang tyanak. Hindi match. Kaya ako na lang ang pinagamit nya ng bato. Patago ang paglalaro namin nun kase napapagalitan kami. haha.
Patuloy ang halo-halong bagay sa aking paglaki. Si Green Two sa umaga, Si Yellow Four sa gabi. May crush na babae, mas madaming crush na lalaki.

Pagdating ko sa ikalimang baitang sa elementarya, nabuo ang samahan ng mga becky bilang Sailor Warriors. Diba Sailor Moon ang drama. Ako si Sailor Jupiter noon. Ang pinakamaton sa grupo. Lahat ng myembro ng Sailor Warriors ay umaarte na mayroon silang crush noon. Pinipilit nilang akong magkacrush kasi unfair daw wala silang tutuksuhin sa akin. Kaya napilitan akong pumili at syempre ang pinili ko ay ang lalaking naging pinakamalapit sa akin nuong panahon na iyon. Besfriend ko nun na si Jeffrey. Siya ang naging first love ko, puppy love, first kiss (sa noo lang naman) at first bf (kahit hindi naman namin alam pano yun.). Sya ang unang lalaki nagsabi sakin ng I love You at sinabihan ko ng I love You Too.

Simula nun in-embrace ko na ang pagiging becky.

Hindi ko naman akalain na nagmumuni-muni prin ang pamilya ko na mahinhin lang ata talaga ako at tunay na lalake prin ako. Eh isang hakbang tatlompung kembot ako maglakad.

Noong summer na magthi-third year ako sa highschool. Napatagal ang pagbabakasyon ko sa Bicol. Walang contact dahil hindi pa uso ang cellphone nun kaya naghalungkat ang Tita Ruby ko (pinaka-close kong tita) sa aking gamit sa aparador. Duon nya nahalungkat ang puro kabaklaan at kaartihang slam book na sobrang uso nun. Dun nya nakumpirma ang aking pagka becky.

Pagluwas ko ng Maynila, kinausap nya ako.

Tita Ruby: Naghalungkat ako sa gamit mo dahil naghahanap ako panu kayo macontact sa Bicol, nakita ko yung mga Slam Book mo. Bakla ka ba?

Tango lang ang naisagot ng BB .

Tita Ruby: Akala namin mahinhin ka lang talaga. Ayos lang yun basta wag kang mag-aakyat ng kahihiyan sa ating pamilya ah.

Ngiti at tango lang ulit ang aking naisagot.

Magmula nun natanggap na agad ng aking pamilya kung ano talaga ako. Hindi na din kinailangang maungkat ang usapan tungkol dun. Kundi malalagot sila kay Ruby, ang pinangmanahan kong Bidang Kontrabida. Paborito kaya ako nun bukod pa sa Lola ko. Tinupad ko din naman ang pangakong hindi mag-aakyat ng kahihiyan sa pamilya. At proud pa nga sila sa akin ngayon. Kaso hindi ko pala naitanong kung pede bang lalake ang iakyat? haha

Masaya ako at masasabi kong maswerte sa maagang pagtanggap at bukas isip na pagsuporta sakin ng aking pamilya. May mga kaibigan akong kasing swerte ko din. May mga kakilala naman din akong may ibang sitwasyon at nasa mas mahirap na posisyon at kailangan dumaan sa butas ng karayom para maipakita ang totoong sila.

Sa akin lamang, sa kahit anong sitwasyon, alam nating masasaktan at masasaktan ang ating pamilya sa oras na malaman nila na tayo ay taga sunod ni San Rio (Santo ng mga Becky at Hello Kitty).   Kung hindi ka man kasing palad ko at kinakailangan mo pa rin itong itago. Go susuportahan kita. Wag ka lang sana manggamit ng iyong kapwa lalo na at babae para mapagtakpan ang iyong sarili. Hindi mo alam kung gaano kasakit at ano ang epekto nito sa taong ginagamit mo at sa mga kaibigan nya. Yun lamang po. Wag na nating dagdagan ang taong ating  masasaktan. (oo may pinaparinggan ako. haha)