Thursday, January 27, 2011

2010 Kembot- Hello United Kingdom! - Leeds Edition

Nuong bata ako, kapag tinatanong ako kung saang lugar gusto kong makarating, tatlo lang ang lagi kong isinasagot. USA, para makita ko kung saan sumasalakay ang mga Aliens, sa Italy kse masasarap ang mga spaghetti daw doon, at sa England para makilala si Prince William...talandi!

After ng 1 week na pagpunta sa Israel, pagdating na pagdating ay inasikaso na namin agad ang visa namin papunta ng UK para sa isang buwang traning DAW. Sakto sa mismong birthday ko, naapprove ang visa ko.

Grabe, kung matagal ang byahe papunta ng Israel eh mas majugal portugal ang byahe papunta ng UK. Pero di hamak namang mas komportable ang eroplanong sinakyan namin simula Hongkong (connecting flight) hanggang London. Mas maluwag ang makikilusan mong space sa eroplano, may kanya kanyang TV screen at masarap na plane food! Hindi nga lang ako nakatulog sa byahe. Nakatatlong movies ata ako noon at 3 cd albums!

Pagdating namin sa Heathrow Airport sa London, nawindang ang pores ko sa lamig! At kaloka ang byahe papunta sa Leeds kung saan nakabase ang aming opisina. Sakay ng train papunta sa Kings Cross Train Station kung saan lilipat ulit kme ng train na babyahe ng 3 oras pa papunta ng Leeds.

Nangingisay ang mga kalamanan namin noong umaga na yon. feeling mo nakahubad ka pati brief at nakatapat ka sa aircon! Hindi sapat na makapal na jacket lang ang suot ko. Kelangan ko mag gloves at scarf para mabawasan ang lamig na pumapasok sa kanasa-nasa kong katawan. Chos!

Kumportable ang mga train nila doon. Well maintained ang mga subway. Hindi ko maimagine kung ilang levels sa ilalim ng lupa ang ginawa nila para sa knilang subway. Ang mga train, classic ang itsura kung titignan sa labas. Pero sa loob ay well maintained at may free wifi connection pa.

Pagdating namin sa Leeds, sinundo kami ng contact namin sa opisina namin doon. Mula doon ay nagproceed na kme sa City Inn kung saan magiging bahay namin sa loob ng isang buwan. Maganda naman ang hotel na yun. May pagkasosyal nga eh. may free wifi connection sa buong building, may Macbook bawat room. At katulad ng sa Israel, kanya kanya kaming room. Hay naku, kedami kong nasisite na bumibisita sa hotel na kanasa-nasa! Kaso baka duguin ako sa kanila! Ilong ko ha, sa page-English na may British accent! Hindi sa kung ano!
Naging maayos naman ang pagstay namin sa Leeds, naglibot libot kami doon. Sa mga shopping center, may mga establishments din na meron dito sa Pilipinas. McDonals, Burger King, Starbucks. May mga Asian Restaurants din doon. Hindi katulad sa Israel na hirap na hirap kami sa paghahanap ng pagkain. Hindi nga lang lutong Pilipino.

Maganda ang kanilang lugar, sumusunod ang mga tao sa tamang tawiran, sa tamang sakayan, may oras ang dating ng mga bus, at tama ang binobroadcast na tala ng panahon. 

May reklamo lamang talaga ako doon. Pagsapit ng ika-6 ng gabi, nagsisimula ng magsara ang mga establishments. Bukas ang mga pub, ngunit hangang ika-10 lamang ng gabi at sa panahong iyon ay sarado at nakabakasyon ang mga Unibersidad. Walang mga papable students! At puro beki ang nakita ko sa pub.

Masarap mag-Shopping sa kanila. Sale kung sale. Mura ang mga Chocolates. Muntik na nga ako ma-overdose. Araw-araw bumibili ako ng chocolate galing sa daily allowance namin. Kaya sa loob ng isang buwan, nakaipon ako ng madami. Natyempuhan din namin na nagsale ang Marks and Spencer, ayun naghakot ako ng mga pabango at body wash ng pauwi ng Pilipinas. Kaya kung nag over baggage ako, chocolates at M&S yun! 

Nag-enjoy ako sa pagstay namin sa lamig sa Leeds. Pero syempre at the end of the day, naiwan ko pa din dito sa Pinas ang puso ko. Nandito ang bahay at buhay ko. Hindi ko pa naililipat. :)

May mga gala pa kme dito sa England sa labas ng Leeds at ibabahagi ko ito sa susunod na kembot ko! :)

At pahabol lang, Inenjoy ko talaga ang lamig doon at umaarte ako sa pang-ginaw! oh di ba!?







No comments:

Post a Comment