We have been invited by our company's CEO (UK main office) to this company sponsored horse racing, this is a social event in England, the William Hill Lincoln Meeting. We were given the pleasure of meeting the top execs of our company and able to enjoy the luxury of experiencing the event as one of the them...they were very nice..And we just enjoyed acting as one of the Matapobres... hahaha
We dreaded to attend the event as we would be required to dress up... at dahil dyan...we gave justice in acting as the Matapobres! kelangan namin ng hustisya! makibaka!
Syempre ang ginapanan ko ay si Cedie, ang munting popstar pwincess!
Naku! This is my first time to wear a complete set of monkey suits! Buti na lang hindi ako umarteng unggoy.
Hindi naman namin inaasahan na aatend kami sa ganitong klaseng event. Hindi kami ready! At wala naman kaming dalang damit para sa ganitong okasyon.
Kaya ang nangyare ay binigyan kami ng budget para pambili ng damit! Hindi ba ang saya! At ang bongga sa lahat, sa Marks and Spencers ako namili ng kasuotan ko! Naku kung dito sa Pilipinas hindi ako willing bumili ng ganyan! Pero doon sa England, mas mura ang M&S! At sale kung sale! From head to toe doon ko binili.
Take note ha! Manonood lang kami ng karera ng kabayo, kelangan formal formalan ang kasuotan! Itry mo kaya dito sa Pilipinas yan, kung hindi ka mamatay sa init ng suot mo, gagawa ka pa ng eksena sa karerahan!
Shala naman talaga makasalamuha ang mga elite, bukod na sa balkonahe kayo nakapwesto, kitang kita nyo ang buong pangyayari sa pagkakarera ng kabayo, ay may sosyal pa kayong pang fine dine-in lunch. Syempre ang usual ng set ng meal sa kanila ay tatlo! Apetizer, Main Course at Dessert. Yun ang normal na pagkain sa kanila. Minsan nga kapag sa hotel kami kumakain, inaabot kme ng 2hrs for dinner lang! Sa tagal ng preparation ng mga courses.
At dahil sa mga nakahain, di namin pinalagpas ang pag-inom ng sosyal at masarap na Champagne. Overflowing! Sobrang lamig kasi, kaya kelangan namin ng pampainit at pampakalma. :))
At syempre, dahil sa event na iyon, Hindi na rin namin pinalagpas ang pagtry tumaya sa karera! haha nanalo naman kami ng isang beses. Pero dalawnag beses natalo. Ok lang naman, pera din naman ng company ang pinangtaya namin eh.Bukod doon, kami din ang pinapili at nagjudge kung anong kabayo ang well groomed. May sariling price kapag sila ang napili. Pero malay ba naman namin kung pano namin malalaman ang well groomed sa not so well groomed? Hindi ko pa naman natry mag-alaga ng kabayo noh! At dahil dyan, biased ako, nakadepende kung cute ang nag-aalalay sa kabayo! Kung gurlash! lost! wahahaha
Sya ang nasa pinakamataas na posisyon sa company namin, ang CEO. Mabait yan at approachable. Parang lolo lang ni Cedie ang pakiramdam ko sa kanya. Diba kamukha nya si Lolo KFC?
At ang nasa dulong kaliwa naman ang 1st lady. Nagkauntugan kme kse nalaglag yung shades ko at sabay naming inabot. hehe
Ay kasama din pla namin sa lamesa si Justin Bieber. Naku hasler yan sa pagtaya sa karera. Madalas tama ang tinatayaan nya. Pero since minor pa sya, hindi pa sya pede tumaya sa karera, pero sa sugal ng pag-ibig at paglandi pede na! hihihi
Naging memorable ang lakad namin na yun. At napagod din kame sa pagpapanggap na maging prim and proper. Pagbalik ko sa hotel, ang sakit ng paa ko. Hindi na ako sanay nakasuot ng black shoes lalo na kung may 2inch hills yun! haha
This comment has been removed by the author.
ReplyDelete