Sa unang weekend namin sa England, gala agad ang inatupag namin. At sagot naman at recommended naman yun ng office namin so why not!?
Nagpunta kme ng York. Dun daw kse makikita ang mga ancient streets at walls at ang set-up ng lugar ay makaluma prin so that we could have an idea what was their past looked like.
Ganun kse sa England, hindi sila mayaman sa natural resources as tourists spots katulad dito sa Pilipinas, mayaman sila sa history and culture.
9 train stations ata ang layo ng York sa Leeds. mga 2 hrs din ang byahe ng sosyal na train.
First stop namin ay ang Museum ng mga train.
Ang National railway Museum. Puro lumang trains ang mga nandito. Panu sila nagsimula nagkaroon ng train. Anung mga modelo ang nagkaroon sila. Mga luma at makabagong train.
Parang bumalik ka lang sa sinaunang panahon. Puro bakal at sasakyan. Hindi ako fan ng gantong klase ng Museum.
After namin sa Museum, nilakad na namin ang daan papunta sa lugar kung saan andoon ang simbahan at ang mga ancient aisles. Yun nga lang.. sa temperature ng UK ay umulan! jusmeo! Negative 1 na nga ang temperature, sinabayan pa ng pag-ulan. San na lang kami pupulutin nun sa lamig.
Una naming pinuntahan ang simbahan. Umaga pa ng una namin syang puntahan. At sya ang ginawa din naming landmark para malaman namin kung saan ang daan pauwi. Magaganda ang simbahan sa kanila. Mga mukang castles. Nagaabang nga ako kung may lalabas na prinsipe at may hawak na glass slippers na magtatakang ipasukat kung kasya sa akin. hehe. Ang arte! Cinderella lang.
After sa Church ay naglakad na kme sa mga kalsada ng York. Feeling ko naman ay nasa loob ako ng Harry Poter movie. In fairness naman kse ay may pagkakahawig sila. Dito din sa UK nagshooting yun eh. Kala ko nasa Diagon Alley ako. hehe Malayo layo na din ang nalakad namin. Doon na din kme kumain sa isang authentic Italian Pizzeria.
At dahil papagabi na, nagpunta na kme sa gagawin naming activity. Ang Ghost Walk. Uso sa nila ang ganon. isasama kayo ng isang guide para maglibot. At tignan mo ang guide namin, emote na emote ang boses, husky! Husky na nga Brit accent pa, nastress ang tenga ko sa pakikinig. Hindi naman nya sinabi na naka Pirate costume sya, sana nag corset at boots na din ako para mafeel ko ng attire habang naglilibot!Medyo nakakatakot ang mga kwento ng bawat lugar. Minsan titindig ang balahibo mo dahil iba ang pakiramdam ng lugar. Hindi ko alam kung totoo, pero wala na akong balak alamin pa. Malay ko totoo edi napahamak pa ako.
After ng Ghost Walk, bumalik kme doon sa pub na lugar kung saan simula ng tour. Sa Black Swan. Diba parang toyo lang? Doon ko unang natikman ang beer nila. Hindi kasing tapang ng dito sa atin sa Pinas. Mas mahina ang sipa. Mas nakaka bloat lang!
At doon natapos ang gala namin sa York. Umuwi kme sa Leeds ng mamasa-masa at pagod sa kalalakad. Haha
No comments:
Post a Comment