It's OJT time for students. He needed to complete an On-The-Job Training for 200 hour. Buti na lang sa opis eh tumatanggap ng mga OJT. Pagpasa ko ng resume nya eh puno na daw ang mga OJT slots sa HR. Sinipat ang resume sandali. Buti na lang may nakitang something kaya nirefer sya sa Marketing Department. At dun sya napunta.
Buti dun sya napunta para related sa IT ang trabaho nya. Online Marketing kse ata ang tasks doon kea may kinalaman sa IT din kahit papano ang mga trabaho. Hindi katulad ng mga napuntang OJT sa HR, kahit ano pang course mo, bongga ang trabaho mo. UTUSAN!! Yes! uutusan ka lang ng uutusan. Magbilang at maglabel ng mga equipment sa buong company, magbuhat, magasikaso sa mga applicant, uutusan sa ibang floor atbp.
Our 200 hours of being in the same company starts. Ang dating once a month na pagkikita, naging araw-araw. Ang madalang na pagkain na magkasama ay naging bawat gabi. Ang pagsama sa kanya sa pagyosi ay naging normal na gawain na. Ang normal na araw-araw na paguusap sa txt ay naging pag-uusap na personal.
Ang 200 hours ba pagsasamahan namin ay nadagdagan pa nang pumayag syang sumama sakin sa pag-uwi ko sa birthday ni mama ko sa Naga City. May lakad kasi kaming dalawa. Plano naming sumama sa Outreach Program sa Batad, Ifugao katulad ng ginawa namin nung nakaraang taon. Eh bigla nagrequest ang mama ko na umuwi ako ng month na yun. At sya eh nakapagpaalam na din sa knila na aalis sya ng 3 na araw. Sayang ang paalam kung hindi sya tutuloy ng alis kaya kembot na kami ng Bicol.
Naging masaya naman ang pagkembot namin sa Bicol. Ang pakilala ko sa kanya sa amin eh "barkada ko sa opis". Bakit kaOpis ko nanaman din sya ah!. hahaha Nagpunta kami sa beach kasama ang 2 ko bunsong kapatid at si mama.
Nasanay ako makasama sya ng mas madalas. Apat na linggo din kasi yun. At syempre dumating yung araw na natapos din ang OJT nya. Natural din na mamimiss ko sya. Yung personal na makasama sya. Syempre ganun prin kme. Araw-araw at mayat-maya magkausap. Pero iba prin yung personal mo kasama diba. Tuwing papasok ang ng building napapatingin ako sa "Lung Center" baka andun sya nagyoyosi. Naaalala ko sya pag 6pm na dahil yun ang oras ng dinner namin. At ang 10pm na oras ng kanyang pag-uwi na magkakape muna kami, magyoyosi at saka ko say ihahatid sa lobby ng building para sa pag-uwi.
Ambilis ko masanay noh. Nasanay agad sa 200 hours.
No comments:
Post a Comment