Saturday, August 21, 2010

Ang Aking mga Huling Habilin 2.0

Dalawang taon na ang nakakaraan ay isinulat ko at inilathala (wala naman bumasa) ang unag bersyon ng aking mga huling kahilingan. Naisipan ko itong gawin dahil sa biglaang pagpanaw na isa naming kaklase nuong sekondarya. Nagkagulatan na lang kaming magkakaklase at nalaman na lang namin ang masamang balita isang araw bago ang nakatakdang libing.

Duon sa huling lamay na yun ako unang nakakita ng combo (yung banda na pangfiesta na kulang na lang ay si mardyoret bareto na naghahagis hagis ng biton). At ang ikinagulat ko sa lahat ang pagrequest at pagkanta ng pinsan ng namatay ng kantang " I will Survive". Sana nagsurvive ang kaklase ko para nabato kayo ng silya isa-isa.

Kaya naisipan kong magbigay ng habilin bilang huling bugso ng pagdiriwang o selebrasyon ng aking naging buhay. (future tense on the nth power!)

 Ngayon in-update ko dahil may mga pagbabago sa loob ng 2 taon.


Cause of Death

Pede ba mamili pano nadedo? Kung pede lang naman eh yung walang hirap ang gusto ko. Yung tipong natulog ka lang tapos nanaginip ka ng sobrang ganda tapos hindi ka na nagising. Ayaw ko sana ng aksidente o biktima ng krimen. Magkakaroon ka ng madaming marka sa katawan, sugat, pasa, magiging maga at manas. Ayaw! Pinagkaingatan mo ang katawan mo habang buhay ka pa tapos pagdating mo sa viewing casket nakasara pala. Laos ka non neng! Dapat pagdating mo sa huling modelling exposure mo, pak na pak ka! Nagka-pose ka sa tamang angulo mo!

Ayaw ko din yung nagkasakit ka ng matagal. Naku matagal din ang pagtitiis mo at magastos! Matatambakan pa ng problema ang mga maiiwan mo sa mga bayarin. Baka hindi ka pa maipalibig dahil naubos na ang budget. Kaya ngayon pa lang maghulog ka na sa SSS, Philhealth, at Insurance kung kaya mo. Hanggat kaya mo.


Motif

No to Red! Hindi ito Valentines or Birthday ko. Ibang celebration yun. Dati gusto ko brown ang motif. Pero naisip ko, makikihalo na ako sa lupa, hindi maaring magkulay lupa na din ako. Tsaka hindi na brown ang peborit ko. Kaya palitan natin. Gawin nating Purple. Becking becky lang diba? 

Kaya ang mga flowers dapat kulay purple. Ang mga kurtina, carpet, at karwahe dapat kulay purple (oo karwahe ang gusto kong maghatid sakin sa libingan, kunwari princesa lang). Yung kabaong wag naman purple. Yung classic naman tignan. Ayaw ko ng white kasi dumihin. Yung makintab na black na lang. o kaya baby blue! (classic nga) 

Attire 

Syempre dapat nakasunod ang attire sa kulay ng motif. Dapat kakulay! Wag kayo mag-alala, sa mga dadalo sa lamay ko, hindi ko kayo irerequire mag purple sa buong yugto ng lamay. Sa big night lang (huling lamay). Dun required! Be at your best purple big night outfit. Dapat nakagown dahil lalakad kayo sa purple carpet at may photo booth. May awarding din ng Star of the Night.

Program

Gusto ko celebration ng naging buhay ko ang lamay. Hindi ng pagdadalumhati. Saka na yun kapag nalibing na ako. Gusto ko parang may concert or variety show lang. May banda tapos tutugtog at kakantahin ng mga bisitang malalapit kong kaibigan at mga mahal sa buhay mga kantang paborito ko at mga kantang nagpapaalala ng mga samahan at naging relasyon namin.

Subukan nyong kumanta ng "I Will Survive", babangon ako sa kabaong at ang kakanta ang ipapalit ko sa casket.

Gusto ko din ng catering na buffet, yung walang waiter na taga-salok ng pagkain! Buffet nga eh may bantay naman, edi nahiya din kumuha ang mga bisita.

Matapos ang kainan babangon muna ako sa casket para sa paghahagis ng bungkos ng bulaklak ng patalikod habang nakaabang sa pagsalo ang mga bisita. Ang makasalo sya ang susunod. Malamang walang may gusto.

Drink all you can din ang eksena. Syempre madami ang kaibigan na mga sunog baga, tunaw atay at living Green Cross Alchohol. Hinay-hinay lang sa pag-inom baka biglang magka eksena at may sumigaw na

"Putangina ka BB! bakit ka namatay! d pa kita natitikman! Mahal na mahal kita!",

o kaya may mag-away at nagtatalo kung sino ang mas minahal ko sa kanila (feelingera at its best!)

Ang kape! Ang paborito kong kape. Kelangan yan sa mga magpupuyat mabantayan lang ako at para mahulasan ang mga lasing. Ikinokontrata ko na ang mayayaman at magiging mayaman kong mga friends (ehem, ikaw ba yun?) para sumagot sa pag-order ng 1,000 Extra Hot Caramel Machiato Grande in memory of BB!  Diba taray!

Preparation sa Namatay

Handle me with care! Paki-bantayan ang embalsamador ha. Siguraduhing maayos ang pagprepare sa aking mga labi. 

Pakirequest pabawasan yung part ng tyan ko para hindi sya nakaumbok habang nakahiga ako. Parang konting lypo lang. Tapos yung kikay kit ko pakibigay. Sabihin yung anti-aging na shower cream + body butter ako ang gamitin para smooth ang katawan ko at glowing habang nasa kabaong. 

Yung make-up na gagamitin sakin dapat water proof. Kelangan ganun baka kase makatas parin ako kahit naimbalsamo na, Juicy prin kahit deads na. Yung parang tulog at nananaginip ng maganda lang ang itsura ko dapat ha! Hindi yung natutulog pero mukang binabangungot naman! Bago i-apply yung make-up pakisure na nagupitan ang buhok ko sa ilong, walang lumalabas labas! Tapos paki apply yung night cream ko. 

Yung nighties ko (parang matutulog nga kaya nighties) dapat kulay purple ha. Tapos si babyboy baboy (ang madusing kong staptoy)  pakitabi sa akin. Hindi ako nakakatulog ng hindi sya kayakap.

Huling Paalam
Dun sa mga magsasalita para alalahanin ang aking naging buhay, galingan nyo. Dapat yung pak na pak! Gusto nyo creative, gawin nyong monologue, o gawan nyo ng interpretative dance. Pwede din kayong gumawa ng indie film tungkol sakin. Request lang, si Piolo si B1, si Sam Milby si B2 at si Coco Martin si B3, tapos ang gaganap sa akin si Anne Curtis (ilusyonada!).

Basta galingan nyo. Ang pinaka magaling ay magkakamit ng 3D 2N  accomodation with free airfare sa rainbow. Ako pa mismo susundo sa inyo at magdadala sa tunnel sa may liwanag sa dulo.

Ano pa ba ang kailangan ko? Wala na akong maisip? kakagising ko lang eh mabagal pa ang takbo ng daga sa utak ko. Kung may gusto kayong idagdag i-comment na. Para maisama ko sa susunod na version ng aking habilin


2 comments:

  1. pwede ka rin magka lagay ng photo booth. yung uso ngayon sa mga kasal at debut para 1 day after the event meron kang website ng mga dumalo sa party, este sa lamay mo. :D

    ReplyDelete
  2. haha sige itake note ko yan. . . magisip ako ng backdraft nung booth.. haha

    ReplyDelete