Hay grabe ang mga eksena ngayong araw na ito. Madudugo at puno ng aksyon at drama. Wala tuloy akong oras mag-asikaso ng feeling ko at mag-emo (buti na lang).
Broken Heart. Hindi totoo na wala ng mas sasakit pa sa pagkawasak ng puso. Well. kung first time mo ma-broken heart eh mapagbibigyan kita. Aakalain mo din naman talagang katapusan na ng mundo. Eh kasi naman ginawa mong mundo mo ang jowa o ang taong ini-ibig mo. Hindi lang Pag-ibig ang ibinigay mo pati SSS at Philhealth mo ibinigay mo na. Neng, sinasabi ko sayo in due time magbabago din ang pananaw mo.
Anyways, kanina sa opisina ay dumating ang isa sa mga bestfriends ko dito sa opis. Si Balingkinitang Sha. Nung una eh ok lang naman sya at pasimple lang ang pagrereklamo nya na masakit ang ngipin nya. Nakuha pa nyang lantakan ang lunch nya na Monggo at Isda. Yum! I already ate my lunch so I just accompanied her sa pantry and had my 2nd cup of coffee.
After eating, Ok naman sya. Suddenly she was crying. Sobrang sakit na ng ngipin nya. Together with Dora (my other bestfriend from work), we had to accompany her to the dental clinic but unfortunately, we have to make appointments before the dentist can see us. So we never saw one. Kaya nagsilinya na lang kami na madalas naming gawain.
Sha: Ang sakit talaga Beks, yung pati buong ulo ko masakit.
We call each other Beks, short for Becky or Beckla kahit girls sila.
Dora: Kakaasar talaga masakit ang ngipin, buong katawan mo apektado, masakit din.
BB: Oo nga, yung tipong pati tuhod mo manginginig pa sa sakit. Kaya ako, mas gugustuhin ko pang maging broken hearted kesa sumakit ang ngipin.
Dora: Kaya nga. Ang pagkasawi pede ko pang itulog, eh ang masakit na ngipin hindi ka papatulugin.
Sha: (Nakangiwi lang, masakit nga kasi ang ngipin)
Totoo! Mas pipiliin ko pa ang maging broken hearted kesa sa madaming bagay.
Ok lang dumugo ang puso ko kesa:
Maging hostage taker. Nakakawindang ang eksena maghapon dun sa Manila. Wala na nga sigurong maisip na paraan ang hostage taker kaya nya nagawa yun. Pero hindi pa rin tama. Walang tamang dahilan para pumatay ng walang kalaban laban. At lalong walang tamang dahilan para bigyan mo ng kahihiyan ang buo mong bansa.
Maging biktima ng hostage taker. Naku lalo na eto, ayaw! Nakakatakot, baka tumigil na ng tuluyan ang tibok ng puso ko kapag nangyari sa akin to. Wag naman sana na sa pagbisita namin ng Hongkong, eh gumanti sila at tayo naman ang ihostage. Knock on the wood!
Walang pambili ng pagkain. Mahirap maging broken hearted. Hindi ko naman sinabing madali. May bigat kang dala-dala sa kalooban mo. Pero mas mahirap maging mahirap. Yung walang laman ang iyong isip kundi kung saan ka kukuha ng ilalaman mo sa iyong tyan. Yung katatapos mo lang kumain eh yung susunod na pagkain mo nanaman ang po-problemahin mo. Ok na yung broken hearted ka, madami ka namang pambili ng pagkaen. Kesa broken hearted ka na nga, wala ka pang makain. Pagkain pa lang yan. Paano pa ang iba mong pangangailangan.
Hindi ka marunong magbasa at magsulat. Hindi ko alam kungh papano ako magsusurvive kung hindi ko alam ang mga ito. Naku minsan sa pagbabasa at pagsusulat pa naman ko itinutuon ang atensyon ko para makalimot sa mga bagay- bagay. Alam natin na sa ating bansa, libre man ang edukasyon sa elementarya at hayskul, mga mga lugar pa rin at kababayan tayong hindi inaabot ng mga karapatang ito. Kung hindi sobrang layo, kagagawan ng giyera.
Sobrang dami pa, hindi lang yan. Baka hindi kayo matapos sa pagbabasa at hindi ko rin naman kakayanin isulat ang lahat. Isa lang naman ang sinasabi ko (yun ay kung may sinasabi ba talaga ako), hindi lang sa kasabihang;
"It is better to have loved and lost than never to have loved at all"
ako naniniwala. Mas naniniwala ako sa sarili kong kasabihang;
"It's better to be broken and be Me than to be broken and be broke"
Just count your blessings! : )
No comments:
Post a Comment