Tuesday, August 17, 2010

Ang Ikatlong B...si Bogs

Si Bogs Marasigan

Yan ang pangalan nya sa cellphone ko..ang pangalang alam ng mga kaibigan ko...at ang codename na ibinigay ko sa kanya.

Dahil yan sa kaadikan ko sa panunuod ng pelikula ni Kim Chiu at Gerald. Di naman ako masyadong nakikisayaw sa kantang "Becking Becky" sa saliw ng tunog ng Rejoice ni Kim. Natamaan lang talaga ako sa pelikula nilang Paano na Kaya..

Nagkakilala kami ni Bogs nung kami pa ni Boss Yelo. Sila ang naunang naging magkaibigan ng dahil sa isang clan. Pinakilala ako ni Boss Y sa kanya.  Simula nun naging kasakasama na namin sya sa mga inuman.


Madalas na din kami magkatxt nun. At kapag may problema ako lalo na kapag tungkol sa pag-ibig..sya ang takbuhan ko. Taga payo na wag na eengot-engot at OA na ang ginagawa ko. Naaasahan din naman nya ako kapag sya naman ang nangangailangan ng matatakbuhan.


Nung panahon na magulo na ang relasyon namin ni Boss Y, sya lagi ang kausap ko. Sa balikat kandungan nya ako umiyak. (Sa kandungan dahil dun sa hita nya ako nakatungo habang nag-iiyak nung nag-iinuman kami). Yun ang unang beses na umiyak ako sa presensya ng ibang tao.


Nung natapos ang relasyon namin ni Boss Y, dun naman nagsimula ang malalim na binibigyan ko ng malisya na pagkakaibigan ni Bogs.


Magkatxt araw-araw, nagpapatulong gumawa ng assignment, hingian ng opinyon at payo. Madalas na din sya nun sa aming bahay para yayain ako mag-inuman. Napakilala na nya ako sa mga barkada nya na taga samin. Marami syang kababata dun sa lugar namin dahil dun sya lumaki at nagkamuwang bago sila lumipat ng bahay. Ako naman ay bagong lipat sa lugar na yun at wala masyadong kakilala.  


Sa madalas na naming pagkikita dun na nagsimula ang pagkahulog ko sa banga at ang pag-usbong ng bubot sa puson puso ko.


Eto na naman ako, kaibigan nanaman to!


Saway kung saway sa sarili..at syempre si sarili hindi nakinig!


Bilang kaibigan pinaramdam ko sa kanya ang pag-aalaga at pagmamahal na malaya akong iparamdam kahit lihim ang aking nararamdaman.


Hangang sa Mabuking ako! 


Sinabi sa kanya ng nag-iisang taong pinagsabihan ko. Wala na akong nagawa kundi ang tumambling sa lubid ng alambre!




Araw-araw magkausap, kwentuhan ng lahat ng bagay, sabihan ng hilig at sikreto. Maliban sa....


May BF na pla sya


Uu, sa lahat ng bagay ay yun ang hindi ko alam. Nalaman ko lang dahil kinailangan nyang sabihin nung nalaman nyang may pagnanasa pagmamahal ako sa kanya ng higit sa isang kaibigan.




at ang eksena ng lola nyo?!


"Bogstayo nalang. ... Bogstayo nalangAkin ka nalang . Ba't hindi nalang kasi tayoAko hindi kita iiwan..."




Kim Chiu? 


Sa isip-isip ko lang naman yan.


Naging ok naman kami at walang nagbago sa samahan namin dalawa. Ang may nagbago eh sa kanila ng BF nya.


Naghiwalay din sila ng BF nya matapos ang mabilis na panahon. Ang kwento ni Bogs, nagaaway kasi sila dahil nagseselos sakin ang bekla dahil madalas kami magkita. At ang akala ay may boom boom pow na nangyayari sa bawat pakikitang yun! Wish ko lang!!


Yes chance ko na! 


Akala ko lang pala.


Patuloy ang pagkakaibigan. Matapos sya mag graduate ng collage (mas matanda sya sakin ng 1 taon, late lang sya mag grad). Nagkaron sya, nawalan, nagkaron at nawalan ulit ng trabaho. Ilang beses na pagpapakilala sa kaibigan. Madaming inumang nagkalasingan. Ilang sinehan at pelikulang pinanood. At ilang pirasong McDonald French Fries at Wendys' Frosty ang pinagsaluhan. Magkaibigan prin kami. Magkaibigan Lang kami.


Ilang beses na ako napailing, napangiti ng pangiwi, at nagpoker face sa tuwing tatanungin kami ng mga makasalamuha namin kung "Mag-asawa" daw ba kami. Sa lahat ng pagkakataon na yun, sya ang hinahayaan kong sumagot ng ...tsadan!....HINDI.


Inip na inip na ako, napapagod na din ako sa loob ng purgatoryo. Anu nga ba? sa langit ba o sa impyerno ba ang tuloy ko?


Isang gabi na nagiinuman kami at nasobrahan ako sa pagkalasing, nagkaroon ako ng lakas ng loob na magtanong sa kanya.


BB: Madami na din pla tayong napagdaanan


Bogs: uu, lam ko


BB: Asan ba ako sa buhay mo? Pang-ilan ba ako?


Bogs: Sa ngayon hindi ko priority ang lovelife.


BB: (nakatingin lang) hikhik


Bogs: Una syempre ang pamilya ko (kinwento ang sitwasyon nla na alam ko at yung bagay na di ko din alam)


Bogs: Pangalawa kelangan ko makahanap ng trabaho. Paano ako makakatulong kung wala akong trabaho


Bogs: Tapos ikaw (labas sa ilong)


BB: (ngumiti ng pilit) Pasensya na sa tanong ko ah. 


Nung gabing yon, nalaman ko na. . . basted ako! kaibigan lang nga talaga. Hindi ko na iintindihin kung pangatlo pa ako. Dahil dapat naman talaga na una ang Pamilya at kailangan mo ng trabaho para makatulong ka sa pamilya.


Ang nagets ko, hindi nya priority ang lovelife.


Malabo man sya sumagot, Malinaw naman ako umintindi.



(inuna ko po ang ikatlong B dahil eto po ang pinakalatest na pangyayari. Mas sariwa mas madaling ikwento. susunod ang una at pangalawang B )

2 comments:

  1. pang Star Cinema nman pla ang kwento ng lovelife mo eh!!!
    pwdeng isa-pelikula yan, tyak box-office hit yan!!!

    nice one!!!kip it up!!

    ReplyDelete