Sunday, August 22, 2010

Teleserye ng Totoong Buhay

Habang sinusulat ko ito ay ksalukuyan akong nakahiga sa aking kama, nagpipipindot sa iPod, sinasagap ang biyaya ng wifi ng kapit-bahay at nahihirapan huminga. Opo nahihirapan ako sa paghinga dahil hinika ako. Di ko kinaya ang eksena ko kagabi at tuluyang na-stress ang Lungs ko. Hindi po ako hinihika,ngayon lang.

Eto na ang chika (sige ichika ko ang sarili ko).

Araw ng sabado, walang pasok, wala akong plano. Niyaya ako ni Bogs na gumala at kumaen. Pagkatapos ng konting kulitan at pilitan, pumayag na din ako. Tatlong linggo na din naman kaming hindi nagkikita. At iniisip nyang galit ako eh hindi naman.

Mahigit tatlong oras din kami sa mall. Kumaen, naglakad-lakad at naghanap ng tyinelas para sa kanya. Sinabihan nya ako na sa bahay nila kami dumiretso dahil may ilang kakilala syang darating para mag-inum. Nag-ok naman ako.

Natuloy ang plano. Dumating ang mga ka-clan nya at si Jp na bestfriend ni Bogs. Nagulat ako at kilala ako ng mga ka-clan nya. At kilala din nila si Boss Ice! Feeling ko isa ako sa mga primetime bida teleserye princesses, sikat! Alam nila ang love story namin ni Boss Ice! Dahil dun eh nahot seat ako at natanong tungkol samin ni Ice. Sinabi ko lang na close prin kami kahit matagal na kaming hiwalay. At habang sumasagot ako ay may sumisingit at nangbabara at sinasabing hindi pa daw aku nakaka-get over kay Ice. Si Bogs. Muntik na akong mapikon, muntik pa lang. Nagkataon din naman na tinawagan ako ni Ice nun at nakipagkwentuhan sandali. Niyaya ko din sya pumunta kina Bogs pero hindi naman sya tumuloy.

Tuloy ang kwento, napunta sa ibang mga bagay ang topic. Ipinasa sa akin ni Bogs ang pagiging tanggero. May mga pasimpleng landian sa kanilang magkaka-clan.

Unang bagsak

Natawa ako ng biglang tinanong ni Jp si Bogs, "musta na ang Bhe mo?"
Sa lahat talaga ng tawag, "Bhe" pa! (ikukwento ko sa ibang panahon kung bakit ko sinusumpa ang tawag na Bhe). Nag-abang ako ng sasabihing sagot. Walang dumating. Facial expression lang na sinasaway nya si Jp.

Ikalawang Bagsak

Deretso ang inuman, kwentuhan at pasimpleng landian. Nakikisali ang Bogs sa landian ng batang si Mark at ang baklang may ngiwa, si Danes. Deadma lang ako. Keber ko ba, simpleng landian Lang yun. Ng biglang dinakma ng Danes ang bibingka ni Bogs. Natulala ang Bogs, nagulat ako, nakaisa ang Danes. May nagtanong kung ok lang si Bogs at tumango lang sya. Ako hindi ok! tinitigan ko ng masama ang Danes, tumiklop ang baklang may ngiwa.

Ikatlong Bagsak

Pinalampas. Tuloy ang inuman, at may lasing na. May biglang umeksena ng pagsuka. Tumayo ang lahat para umalalay sa nagsusuka. Malibansa isa, si Mark. Tumayo para lumandi. Nakita ko na lang nakalingkis na kay Bogs, at humihingi ng halik. Napatingin ako ng masama, hindi tumigil. P**yeta!

Tahimik na ako magmula nun. Lasing na sa alak, lasing na sa pagkapiko, lasing na din sa emosyon. Nagpabili ng noodles ang Jp kay Bogs para mabawasan ang lasing nila. Bumili si Bogs kasama ang landing Mark. Lumabas ang iba at ang iba pumasok. Naiwan ako mag-isa sa garahe.

Nagsimula ang pagrolyo ng camera. Hindi ko kinaya, pumatak ang luha, sa kanan lang. Pak nanaman ang luha, sa kaliwa naman. Go grab the pillow ako. Dun ibinuhos ang nailing pagkapikon at emosyon. Impit ang pag-iyak. Baka magising ang mga kapit-bahay. Marathon ng luha ito.

Nadatnan ako ni Bogs sa ganung eksena. Hinagod ang likod ko at tinanong kung ok lang ako. Tango lang ang sinagot ko. Tumuloy na sya ng kusina para magluto ng noodles. Tumayo ako para lumipat ng CR at dun pinagpatuloy ang marathon. Dalawang beses din akong chineck at kinatok ni Bogs. Mga 20mins din tumagal ang marathon ko. Nailabas ko ang lahat ng nainom na alak gamit ang mata. Ok na ako ulit. Humingi lang ako ng tubig dahil baka madehydrate ako at ikamatay ko pa ang kaartehan ko. Nauna na akong nagpaalam umuwi at di ma sinabayan si Jp dahil umiidlip pa sila. Hinatid na ako ni Bogs sa sakayan ng jeep.

Bingo!

Nakauwi ako ng maayos. Natulog na May background music na Have you try sleeping with a broken heart ni Ateng Alicia Keys. Nagising ako sa tunog ng aking CP. Nag txt si Bogs.

Bogs: Gud murning bakit ka naiyak naalala mo si Ice. Eto naman di ka pa ba naka move on?

Bagong gising, puyat, pikon. Uminit ang ulo ko. Gusto kong ipaintindi na walang ibang dahilan, kundi sya! Gusto kong itanong, "tanga ka teh!?"

Nagreply ako.

BB: Hindi si Ice ang dahilan.... manhid ka ba? IKAW!

Sumagot naman sya.

Bogs: eto naman. Napagalitan ako kase hindi ako nagsabi na mag-iinum tayo sa bahay.

Change topic? at "eto naman" lang ang kaya sabihin?

Nagreply ulit ako.

BB: Hindi mo ba akalain na iiyak ako ng ganun dahil sayo? Aku din eh. Mukang tanga lang. Pasensya na, hindi na mauulit yun.

Ang naisagot lang nya...

Bogs: cge, haay


Ang tinong kausap!

Matapos ang ilang oras, tanghali, nagtxt sya ulit.

Bogs: Manuod tayo ng volleyball sa San Juan, samahan mo aku.

Walang nangyari teh? Normal na normal lang? Makalipas ang isang oras at kalahati, nagreply din ako.

BB: Nahihirapan ako huminga, hinihika ako.

Bogs: Sige, rest ka na lang po.

PAANO AKO MAGMOMOVE-ON SAYO KUNG LAGI KITANG KASAMA?

5 comments:

  1. ART OF DEADMA ACTIVATED!

    ~PEPPER GRINDER ~_^

    ReplyDelete
  2. teleserye princess... ;)
    okay na ba kayo ni bogs?

    - cherrie ♥

    ReplyDelete
  3. hahaha!!! sarap bng ng marathon ng iyak?

    sarap tlga ptayin ng mga taong manhid noh!!:D

    ikaw na teleserye princess!!! KIM CHUI ikaw ba yan?:))

    nice one!! kip it up!:))

    ReplyDelete
  4. haha.. hindi masarap...hinika ako eh..:P

    ReplyDelete