Ang unang nakarelasyon ni Becky mula sa isang clan. Ang unang nagpamulat kay Becky kung paano ang relasyon sa mga katulad nilang taga 3rd world. At ang unang dahilan bakit natuto si Becky magsulat ng blog.
Nagkakilala ang dalawa isang araw bago ang araw ng mga puso. Ito ay sa pamamagitan ng txt. Myembro kasi sila ng isang clan ng mga taga Globo. Mabilis nagkapalagayan ng loob ang dalawa. Pinagtatawanan nila at pinagti-tripan nila ang mga taong pinipilit magkaroon ng bowa para lamang makapag-celebrate ng Valentines.
Makalipas ang 3 araw, tapos na ang Valentines, napagkasunduan nilang maging mag M.U. Kahit hindi pa nagkikita ang dalawa bukod sa mga pictures na pinadala at palitan ng friendster account (hindi pa uso ang fezbuk nun), nagkasundo sila na magkaunawaan. Ibig sabihin bawal lumandi sa iba lalo na sa mga kasamahan sa clan.
Hindi naging madali ang pag-amin ng dalawa sa mga kasamahan sa clan. May commoner pla kasi sila. Ang huling bowa pla ni Badong eh ang huling naka-M.U. ni Becky
Dumaan ang isang buwan, birthday na ni Becky. Sa mga panahong lumipas, 2 beses lamang sila nagkita
Ngunit kinaumagahan matapos ang kaarawan ni Becky, may natanggap syang txt mula kay Badong.
Badong: "Boss pasensya na, hayaan mo muna akong makapag-isip. Magulong magulo pa isip ko ngayon. Lie -low muna ako. Sana maintindihan mo ako, pasensya na."
Nagulat ang Becky
BB: "Badong hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang alam ko lang ay hindi ko gusto ang nararamdaman ko ngayon. Maintindihan? Wala akong choice kundi intindihin ka. Don't worry about me, I'll be okay. Ingat ka palagi."
Nag-aantay ng reply
Badong: "Sana maging friends parin tayo."
BB: "Yun naman ang sabi ko sayo dati diba? Kung hindi mo ako kayang mahalin kaya ayaw mong maging officially na tayo, maging friends na lang tayo. Kaso ayaw mo gusto mo M.U. Ngayon tatanungin mo ako kung pwedeng friends na lang kung kelan mas na-fall na ako sayo. Sige friends tayo."
Kaloka nanumbat pa, pumayag din pala.
Badong: "Ok po, salamat. Ang bait mo talaga. Boss aaminin ko sayo, may feelings pa rin ako kay Imaw."
Nakumpirma ang hinala ng Becky.
Kinagabihan, nakipag-inuman si BB kasama ang bago nyang friend na si Boss Ice.
Lumipas ang mga araw na parang wala namang pinagbago ang samahan ni Badong at Becky. Patuloy ang pag-uusap, pangingialam sa isa't-isa. Parang mag M.U prin sila. Kaya ang Becky, litong-lito na. Anu ba talaga?
Hindi na nya nakayanan. Hindi sya magkapag-move on sa ganung set-up. Kaya naglakas loob syang magpaalam kay Badong. Ti-nxt nya ito. (Bandang tanghali)
BB: "Badong, salamat sa atensyon, oras at kung meron man, pagmamahal. Gusto ko muna magpaalam sayo. Nung nagdesisyon tayo na maging magkaibigan akala ko kaya kitang mahalin bilang kaibigan lang. Hindi ko pala kaya. Sa araw-araw nasasaktan ako dahil sa hangang ngayon umaasa parin ako na sa paglingon mo sakin, makita mo ako as more than a friend. Hangang ngayon mahal parin kita tulad ng dati."
"Wala ka pong kasalanan. Hindi mo kasalanang mahalin kita. Basta if you need me, I'm still here. Just a text away."
"I Love You"
Nag-antay at kabang-kaba ang Becky sa paghihintay buong hapon ngunit walang dumating na txt.
(Before Midnight)
Badong: "Boss musta? Bakit hindi ka nagttxt? Laki ng pinagbago mo ah!"
Nagtataka ang Becky
BB: "Wala ka bang nareceive saking txt kaninang lunch?"
Badong: "Wala ata. Busy ako nun".
Tumambling ang Becky habang tumatawid ng alambre
BB: "Sige kunwari wala akong tinxt sayo kanina. Kamusta ang araw mo?"
Naloka ang Becky sa tagpong iyon. Wala syang kamalay-malay na may mga mas nakakaloka pang tagpo ang magaganap sa kanyang buhay. Nagpatuloy ang pagiging magkaibigan lang ni Badong at Becky. Matalik na magkaibigan na hindi umabot sa pagiging magkatalik na magkaibigan. Kaya naman pala na mag-move on kahit patuloy ang pagkakaibigan. Hangang ngayon bukas ang komunikasyon sa pagitan ng dalawa kahit pa hindi na sila myembro ng clan. Nagttxt, nagtatawagan, minsang nagkikita at nag-iinuman, pinapakilala sa kung sino man sa kanila ang may bowa. Hindi na Boss at Badong ang tawagan nila kundi Bes na.
Sa mga naging relasyon ni Becky, natutunan nya na kapag nagmahal ka, hindi na mawawala ang pagmamahal na yun. Nagbabago lang ang priorities mo. At natutuon sa iba ang atensyon mo. Pero ang espasyo nila dyan sa puso mo ay mananatili.
(Natatawa na lang ako tuwing nababasa ko ang pangyayaring ito sa journal ko)
No comments:
Post a Comment