Monday, August 16, 2010

Bakit Boss si Becky?

hindi ito ang unang pagkakataon ko magsulat..merun na din akong naisulat sa ibang blog site ko...pero katulad nung una..ibat-iba ang dahilan.


may dahilan na nabusy ako sa love life...usual na dahilan ng mga taong naiinlab..kala mo puso lang ang nagpapaikot sa mundo. haha


may dahilan din na nakalimutan ko ang password..nakakaen kase ng pork at hipon..


at ang pinakamalaking dahilan..na-block ang site dito sa opisina..haha.


eto magsisimula na ulit ako ng bagong kabanata sa mundo ng Blogandia..at ngayon..pangangatawanan ko na ito..kahit pa mablock ito dito sa opisina..sa bahay may internet na ako! haha di katulad dati..umaasa lang sa libreng connection..


Bakit nga ba naging Boss ang Becky na ito? alam nyo naman ang ibig sabihin ng Becky...kung hindi naman...san ka bang planeta nanggaling? nagsimula ako sa pagiging badet na naging myembro ng Spicegays...Na minsang nangarap na magperform kasama ni Britney Spears...at nahilig magsasalo at magpapalo ng bola...hmmmm ....at ngayon ay isang full grown Becky Family member na..haha hindi naman ako cross-dresser...pero nuon ay palihim na nagsusukat ng gowns galing sa baul ng mga tita at lola ko..


Nagsimula ang pagtawag sakin ng Boss ng magkaroon ako ng unang relasyon sa isang Clan..eto yung mga samahan ng mga taga pangatlong bahagi ng mundo na nagsisimula ang pagkakaibigan sa group txts.... dahil sa clan na yun nagkaroon ako ng iba't ibang relasyon...naikukwento ko sa ibang pagkakataon..hehe


Boss kse dapat ang itatawag ko sa una kong karelasyon...kaso ayaw nya dahil hindi daw bagay...magiging boss busabos daw sya...kaya tinawag ko syang Badong...


kaya ang drama at screename namin sa groupo...Boss at Badong...


Nung nagkahiwalay kami ni Badong...nakilala ko naman si Yelo..at alam nya ang kwento namin ni Badong dahil magkakilala din sila...sya ang kasama ko ng madalas sa oras ng kadiliman ng paghihiwalay..Tinatawag tawag din nya akong Boss maasar lang ako...dahil dun tinawag ko na din syang Boss...yun na din ang tawagan namin magmula ng maging matalik (at dagdagan ng G, kayo na bahala san nyo ilalagay..haha) at hangang sa maging magkasintahan na kami... Hangang ngayon na magkaibigan na lang ulit kami..boss pdin ang tawagan namin...


Di ako sanay na tawagin sa salitang yun...naiilang ako nung una...kahit sa opisina ayaw kong nagpapatawag sa ganun..lalo na ng panahon ni Bitter Ocampo sa buhay ko....kaso nagsasawa na din ako sa kakasaway at kelangan ko pang magexplain kung bakit bawal nila akong tawagin gamit ang Boss...




Kaya ngayon papangatawanan ko na ang pagiging...


BOSS BECKY 

No comments:

Post a Comment