Thursday, August 26, 2010

...BORACAY...


Bogs and I have scheduled Boracay trip next week. The airfare was bought last July pa. That was when everything was good and easy between us.

I planned to have a good vacation to take a break from the pressures of work and  told Bogs about it. He wants to go with me hence, this scheduled trip.

Sobrang excited ang lola nyo pagkabook na pagkabook pa lng ng flight. Free pa ang sched nun ni Bogs dahil kakaresign lang nya sa dati nyang work. So when I asked him of a Fri-Sun trip, he was OK with it.  

But then things happen, the drunken teleserye-ish moment. Its quite awkward for me. ahaaayyy... 

When I told my chummy barkadas about it (my high-school straight  set of best friends) pinaglololoko ako:

Leo: Anu tuloy na Boracay nyo next week after us?

BB: Not sure pa, we have problems with his scheds pa eh. Hindi ko nga alam kung ano gagawin namin dun eh.

Leo: Ako alam ko (sabay tawa ng nakakaloko)

Marvis: Wala naman pa lang kamalisya malisya yang lakad mo kasama ang "Bestfriend" mo.

BB: Hoy! walang malisya yun! Ang rason ng lakad na yun eh dahil lost ako at kelangan kong hanapin ang sarili ko. At plano ko ding bawiin ang puso ko sa nagnakaw. Kaya sinama ko ang mananakaw!

Kai: Yun naman pala eh..at dahil dyan, isa kang WINNER!!

O diba pumafactor nanaman ako.

Yun nga. May problema kami sa schedule ni Bogs. He supposed to be back at work kasi this week. Kapag ganun, mukang hindi sya makakapagleave on the day ng trip. Kaya lang hindi pa sya natatawagan. Ahay!

Sabi ko sa kanya kailangang na nya akong sagutin. Kung makakasama ba sya sa Boracay o hindi. 

Hindi ko pa nga alam 

As usual, ang malabo nyang sagot.

Binigyan ko sya ng taning BUKAS! Is it a YES or a NO. Bawal ang OR. Hindi gender ko ang tinatanong ko kaya bawal ang OR! Kelangan ko kasi ng matinong sagot one week before the trip para makapagready ako.

If Yes, proceed with the boom boom pow plan!

If No, I need to choose sa mga options.

1.) Go to Boracay habang kumakanta ng "Alone". Emo especial ang eksena natin dun.

2.) Ask one of my guy/gay friends na gumamit ng airfare. Hmmm sino kaya?

3.) I-cancel ang trip. Hay kaso this would be my 2nd time i-cancel ang Boracay trip ko this year. Last summer hindi ako nakasama dahil sumakto sa trip ng Israel namin ang lakad. Hindi kaya ma-jinx na ako kay Boracay at isumpang hindi na nya ako patuntungin sa mala-asukal nyang buhangin?

What would it be? Let's see.




3 comments:

  1. aww.. si mirasol nalang isama m. pareho kayong maghanap ng mga sarili niyo! =)

    ReplyDelete
  2. damn! i already found mine..with a smile...super smile pala sory.. :D

    ReplyDelete
  3. @MIRASOL, at dahil you already found mine ang linya mo..si James na lang sinama ko..haha there are gay things kasi na i have to share and mai-llabas kaya kinailangan bekla ang kasama ko..sorry marvs! madami pa naman next time..haha pero ikaw naman talaga una kong naisip..

    ReplyDelete