Monday, August 16, 2010

In Love sa Kaibigan

I don't believe in Love at First sight....para sa akin pang Tina Paner, Sheryl Cruz teenybopper lang yun. 


I don't believe in courtship. Kaya nga ligawan ang tawag...ang maligaw...kelangan magbaligtad ng t-shirt para matauhan!!! 


But I believe in FRIENDSHIP....sa pagkakaibigang may MALISYA! hahaha


Sa pagkakaibigan mo kase makikilala ang tunay na pagkatao. Kung pano sya magpahalaga at mag respeto. Kung may pag-asa ba kayong magkasundo o magkakasundo na lang kayo na magkaiba pala ang nais nyo. Kaya ako...SA KAIBIGAN ako NAI-INLOVE.




Paborito ko yung mga movies na ganito ang tema. 




Yung lilinya si Mareng Budjoy (Jolina Magdangal) na "Yes, kaibigan mo ako, kaibigan mo lang ako... and I'm so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my bestfriend" - Labs kita ...Okey ka lang?


Yung mananampal si Kim Chui para mahalikan ni Gerald pagkatapos luminya ng ""lahat naman ng nagmamahal nagpapakatanga. kaya tanga na kung tanga, pero mahal kita!!" -Paano na Kaya


at ang pagkanta kanta ni Bituin Escalante sa Movie ni Ate Shawie at Aga ng Kung Ako na lang Sana.


Eto ngayon...In love nanaman ako sa isang kaibigan...kay Bogs (di tunay na pangalan).. 


Hindi tulad ng mga pelikulang nabanggit...happy ending sila..


Pero ako..dito kay Bogs..mukang bulilyaso ang Boss...


Mukang sya ang amo ko...


At ang gusto ng amo...Kaibigan lang ata talaga...


Paano ko nasabi?


ibabahagi ko sa susunod... hehe..



No comments:

Post a Comment