Friday, August 20, 2010

Panaginip na Halik

Balik sa kasalukuyan.
Naniniwala ka ba na ang panaginip ay nagkakatotoo?

Nitong mga nakaraang gabi, madalas akong managinip na may kaugnayan sa pagsubok paano gumawa ng bata. Sa lahat ng mga panaginip na yun eh sablay lahat dahil sa isang kadahilanan.

Naiwan ko sa freezer ang matres ko.

Dahil siguro sa isang taon at kalahati na ang nakakaraan ng huli kong inihain ang aking kakanin. Nagsusumigaw na ang bahagi ng pagkatao ko na minsang naadik sa isang tao at sa pinagsaluhan naming hapag-KAINAN. Gustong-gusto na nyang kumawala.

Isang gabi nanaginip ako.

Sa isang lugar na hindi pamilyar sakin ay naglalakad ako. May nakasalubong akong kakilala. Pero hindi ko kilala kung sino dahil hindi ko masyadong maaninagan ang kanyang muka. Alam ko lang na kakilala ko sya dahil sa pakiramdam ko, close kami sa isa't-isa. Nagkatinginan kami at lumapit sa ako sa kanya. Magkatabi kaming naglakad. Huminto kami sa stop light bago tumawid ng kalsada. Nagkalingunan at paaak! bigla na lang nilapit ang labi sa labi ng bawat isa. At dahan-dahang naghalikan.


Naiba ang lugar. 


Nasa bahay na ako, nakahiga sa sofa at nagbabasa ng sci-fi novel book. Ng biglang may lumapit at humalik sa aking pisngi. Napalingon ako at muli niyang inilapit ang kanyang muka para muling humalik at sa pagkakataong ito ay sa aking mga labi. Madaming halik, puro halik, makapugot hiningan halik.


Nagising ako!


Nag-ring ang cellphone ko at may tumatawag. Si Boss Yelo, nangungulit na naman para mag-gym.

Makalipas ang ilang araw, Sabado, lumabas kami ni Bogs para manuod ng sine. Ang panunuod ng mga pelikula, maliban sa inuman, ay ang nag-iisang regular na paraan namin para mag-bonding.

Pagkatapos namin manood ni Bogs, tinxt ako ni BY kung asan ako. Agad naman akong nagreply na nasa mall at pauwe na. Tinanong ko sya kung bakit ngunit hindi naman sya sumagot. Ikinuwento ko ito kay Bogs at sya naman ang nagtxt kay BY kung anu meron. May inuman pala sa bahay nila at niyaya na rin nya kami.

Pagpasok na pagpasok pa lang sa garahe ng bahay nila  BY ay isang shot ng The Bar Vodka na  agad ang inabot sa amin. Simula na ng inuman. Kwentuhan.

Nanduon ang asawa nya, ibang kaibigan ni BY na dati ko nang nakilala at iba na nung gabi lang din na yun ko lang nakita. Pinakilala din ni BY sa akin ang labrador puppy na ipinangalan nya sa akin. Hindi ko malaman kung matutuwa ba ako at bibigyan ko ng malisya ang pagpapangalan nya sa bagong bili nilang puppy o maasar ako dahil may kapangalan akong aso. Pero nung gabing yun, hawak ko ang puppy at pinagkakakalikot ito.

Redhorse at vodka ang nakahain samin. Sa akin ang vodka at kay Bogs ang redhorse. Tagay-tagay. Kanya kanyang ikot ng baso. Limipas ang ilang sandali ay umangal ang Bogs na sumasakit ang kanyang tiyan. Kaya ang ikot ng Redhorse sa kanya ay sa akin ipinapasa.

Ang Becky nalasing! Kung ano-anong daldal ang pinaggagagawa. Kwento dito, kwento doon. Pag-amin ng pagmamahal dito, pag-amin doon. At napadalas ang pagbisita ng banyo para ilabas ang nainom na alak.

Makalipas ang 2 bote ng vodka na umikot lamang sa 3, at ang ikot ng hindi ko alam kung ilang grande ng Redhorse, nagyaya nang umuwi si Bogs. Nagpaalam akong iihi lang bago umuwi.

Pumasok ako sa loob ng bahay habang ang lahat ay naiwan sa garahe. Deretso ako sa pintuan ng banyo ngunit naka-lock ito. May tao sa loob. Pumihit ako ng pagkakatayo at pumunta sa sofa. Hindi pala lahat naiwan sa garahe. May pumustlip para mauna nang mag-bekslip (bakla + matulog).

Si BY.

Naupo ako dun sa sofang kinahihigaan nya habang sya ay walang malay na natutulog. Napatingin ako sa kanyang muka, sa kanyang labi, at sa banyo kung palabas na ba ang tao doon. Wala ako sa tamang katinuan, malakas ang loob, at nagtatatakbo ang isipan (nagpapalusot).

Walang pakundangan kong hinalikan si BY. Sa labi. At katulad ng dati, siya sa taas, ako sa ibaba na labi.

Ang namiss kong kaibigan. Ang namiss kong mga labi. Ang namiss ko halik. ANG NAPANAGINIPAN KONG HALIK.

In fairness naman sa tulog na BY, gumaganti ng halik. Sandali lamang ang halik dahil narinig ko nang pabukas ang pinto ng banyo. Dali-dali na akong tumayo papunta ng banyo at ng walang makahalata ng kalokohang nagawa ko.

Pagkatapos ko makasagot sa tawag ni Inang Kalibugan Kalikasan, nagpaalam na kami ni Bogs sa mga kaibigan ni BY at sa asawa niya (anniversay pala nila). Pagkalabas ng bakuran nila malabo na ang pagkakatanda ko. Hindi ko na matandaan kung nagbayad ba kami sa jeep, o kung nakapag-goodbye kiss (normal sa amin) ba ako kay Bogs matapos nya ako ihatid sa sakayan ng trycle (normal na ako ang nag-hahatid sa kanya sa sakayan nya ng jeep kaso lasing ako).

Kinabukasan nagkausap kami ulit ni BY. Wala syang natandaan sa ginawa ko nuong gabi. Na normal naman sa kanya na walang alam sa mga nangyayari kapag sobrang lasing. Inamin ko sa kanya kung ano ang nangyari. Ang sagot lang nya:

"Sira ka talaga, may nakakita sayo?"

Yun lang. Nung sinabi ko na walang nakakita, ok na sa kanya. Ayos lang na parang walang nangyari. Balik kami sa normal.

Makalipas ang dalawang araw na pagdedebate kung ikukuwento ko ba, sinabi ko din kay Bogs. Ang reaksyon nya:

"Ah sige, kaen lang ako."

Makalipas din ng dalawang araw natapos din syang kumain. Nagparamdam na ulit siya sa akin.

Pagkatapos nung nangyaring yon. Tuloy-tuloy pa din ang mga pagbisita ng maseselang eksena sa panaginip ko. Nagigising na lang ako minsan sa madaling araw at naaasar dahil hindi natapos ang maiinit na eksena na parang totoo at parang pelikula lang.

Eto lang ang natutunan ko. Ok lang matupad ang mga panaginip ko. Masaya nga eh. Huwag lang matutupad kung kelan sobra akong lasing at hindi ko na matandaan paano ako nakauwi ng bahay.

7 comments:

  1. hay jusko.... ikaw.... ikaw na ang aking susunod na susubaybayan! :D

    ReplyDelete
  2. talandi tlga!!!
    dpat sau knukurot sa singit!!!hahaha!

    kip it up!!:D

    ReplyDelete
  3. Lagi kong napapanaginipan ang isa kog kasamahan sa trabaho pero khit di ko sya iniisip.Lagi sya na sa panaginip ko.Di ko alam kong bkit?Crush ko sya pero syempre may asawa na ako at binata sya.Imbes na gusto kong mawala ung nararamdaman ko sa kanya, hindi mawala wala kasi panay singit sa panaginip ko.Ano kau ibig sabihin non?

    ReplyDelete
  4. Isa siyang religious person ako naman crush ko siya pero may asawa na siya,ok lang nmn sa kanya textmates kami,nararamdaman ko gusto niya rin ako.Lagi ako nagdedaydreaming na hinahalikan niya ako.

    ReplyDelete
  5. Ano po ibig sabihin kapag nanaginip ka na nag kikiss kayo ng taong Iniidolo mo???? plssss pasagot??? hahahaha

    ReplyDelete
  6. May panaginip din ako bakit biglang lumitilaw young crush ko nuon na kahalikan ko pa di ko namn siya iniisip ano bang ibig sabuton non? Plz pakisagot po always na po to na curious na ako

    ReplyDelete