Thursday, December 23, 2010

2010 Kembot Series - Shalom Israel


Nung college pa ako, habang nasa bahay ng isang kaibigan, binasahan ako ng palad ng isa sa mga bisita na nandodoon. Ang sabi lamang nya sa akin ay:

"Malayo ang mararating mo"

Kaya itinanong ko kung literal ba yan o figurative. Sinagot naman nya ng:

"Pareho"

Positive naman ang pagkagetchung ko sa basa ng palad ko na iyon.

Simula nung nagtrabaho ako, nagsimula na din ang pag-gala ko sa ibat-ibang lugar. Simula 2005 hangang ngayon 2010 na, sinisigurado ko na may mapuntahan akong parte ng bansa na tourist destination. ang tawag na nga sa akin ng iba kong kaibigan ay "Ms. Wow Philippines". 

Sa paglibot ko sa Pilipinas nadidiskubre kung ano ang mga dapat ipag-malaki natin bilang Pinoy at bilang mga residente sa lupain na tinawag na Perlas ng Silangan.

Ngayon 2010, medyo napabongga ang pag-gala ko. Dahil hindi lamang ako nakagala at bumalik sa ibang lugar dito sa Pilipinas, Dito din naganap ang unang pagbyahe ko sa labas ng ating bansa. 

So simulan na natin! 

ISRAEL

Ito ang una kong napuntahan sa labas ng bansa. Well technically kse hindi naman maisasama ang connecting flight ng Bangkok dahil ang kagandahan ng airport lang naman nito ang nakita ko.

Kakaiba na ito ang una kong napuntahan diba? Pinadala lang kse kme ng kumpanya dito para sa 1 week training na kakailanganin para sa bagong project at itatayong team ko. Ang masaya pa nito, Valentines day nasa eroplano kame! Kaya ang pagbati sa araw na yun eh puro txt lang. At wala ako ng mismong araw ng birthday ni Bogs! huhuhu. Pero ok lang, kse sya naman ang kasama ko day before ng flight namin. Naibigay ko na sa kanya ang regalo ko. Ang Puso ko. Chos! At araw-araw naman prin kme magkatxt ay madami akong pasalubong sa kanya. Hekhek

Dito ko din unang naranasa ang 20hrs flight! Hay at kung makapagpalipad pa ng eroplano ang Israeling pilot eh kala mo trycle ang sinasakyan ko sa sobrang mauga. Sanay naman ako ugain, pero hindi sa himpapawid! katakot kaya! 

Tel Aviv

Sa Crown Regency sa Tel Aviv kami nagstay. Duon ko unang naranasan ang magsolo ng hotel room. Hotel room na good for two! Aba! parang encouraged pa kame mag-uwi ng lalake! aw! haha. Enjoy naman ang hotel accomodation dahil bukod sa amenities na aircon, malaking kama, flatscreen tv, phone, buffet breakfast at hot and cold shower, ang pinakapaborito ko sa lahat ay ang bathtub na inenjoy ko talaga gabi-gabi.
At dahil natuwa ako sa lighting ng room at bagay na ilaw para sa pagkuha ng picture, nagfeeling model ako! haha.

Nakapaglibot-libot din kami sa Tel Aviv, lakad lakad sa paligid ng hotel. Sa isang linggo na nandun kami, dalawa at kalahating araw lang kami nagtrabaho. Tapos sa gabi pa ay inilalabas nila kami for dinner and after dinner drinks! In fairness malalakas din uminom ang mga tao dun. 

Masayang kasama ang mga contacts namin doon. Natuwa nga ako feeling mo andun ang nanay or bestfriend mo sa sobrang pag-asikaso nila sa amin. 


At syempre since nasa Israel na kami, hindi nila kinalimutang dalin sa.....

 Jerusalem


Nung papunta kami sa Jerusalem, mga 2 oras din ang layo nun sa Tel Aviv, noon ko narealized kung ganu kaganda ng natural resources ng Pilipinas. Kasi dito sa atin, maliban sa Metro Manila, lumingon ka lang or tumingala ay may makikita ka nang bundok. Totoong bundok! Duon kasi sa kanila, ang bundok ay bundok ng bato. As in bato, parang semento ng bahay. Ganun ang bundok sa kanila. Wala masyadong tumutubong puno.

 May kasama kaming tour guide ng pumunta sa Jerusalem. Doon itinuro nya ang History ng Lugar. Ang pag-aagawan ng mga relihiyon sa iisang lugar.

At dahil ang lugar na yon ay isang banal na lugar, di mawawala ang pagdadasal at pag-aalay ng sulat ng pasasalamat at kahilingan. At dahil hindi ako makasarili, nanghingi ako ng sulat sa pamilya at mga kaibigan ko na isiningit ko sa Western Wall/Wailing Wall.

Naging makahulugan naman at memorable ang unang pagbyahe ko sa labas ng ating bansa. Bukod sa nauna ako makauwi kesa sa check-in luggage ko na dinaig pa ako at nag-overnight stay pa sa Beijing, China.

May luhaan sa aming pag-alis ng Israel, nawawala daw kse ang pang-itaas nya.
Day Market

Kinuha kse ng kasamahan namin. hahaha

KABOOOM!!

At ako, ang reklamo ko lang ay ang pagkain, tignan nyo yan kung nakikilala nyo ang mga yan. Asan ang karne!? Kung hindi pa kme specifically magrerequest ng rice dish, naku magiging kasing payat ko si Kim Chiu! haha ganun naman talaga, buti na lang may McDo sa knila. Kaso ginto ang presyo! Ang isang order ng french fries, 600-800php na ang katumbas. Kaya pinagtiisan ko na lang yang nasa picture!!! Nyahaha 



Thursday, November 11, 2010

Ang Alamat ng "BHE"

Ang post na ito ay hindi kathang isip lamang, ito ay hango sa tunay na pangyayari. Ang katauhan ng mga nasa kwento ay sadyang iniba upang maitago ang pagkakakilanlan dahil sa rasong pang seguridad. SOCO!?

Ang kwentong ito ay hindi tungkol sa pinanggalingan ng salitang "Bhe". Ito ay tungkol sa kung bakit sinumpa sumpa ni Boss Becky ang endearment na Bhe, Baby, Babe o anu mang tawag na kahalintulad dito.

Lagpas dalawang taon na ang nakalilipas, nagkaroon ng kasintahan si BB. Ang kanilang naging tawagan sa isat isa ay Boss.  Ayaw kse ni BB ng sobrang sweet na tawagan sa kadahilanang magkapareho sila ng kasarian. Ang gusto nya ay yung kahit sa harap ng mga kamag-anak, kaibigan, sa harap ng madlang people ay pede nilang ipagsigawan ang tawagan nila. Kahit pa sa magkabilang panig ng kalsada magsigawan.

Naging masaya naman ang kanilang samahan sa paglipas ng mga araw at linggo. At nakalagpas sila sa sumpa ng 3 buwan.

Hindi ba nga at sinasabing ang bawat 3 ng relasyon ay sinasabing may sumpa? 3 months, 3 yrs, 3 decades? sumpa pa ba yung 3 decades? hahaha. Ewan ko kung sino ba nag-imbento ng mga yan. Ako lang ata.

Bawat monthsary nila sila ay nagdiriwang. Nung ika-apat na buwan ng monthsary nila, dahil sa hindi ko matandaang kadahilanan ay hindi sila nagkita. Gusto ng plano ni BB ngunit ang kanyang Boss ay wala daw atang oras.

Kinabukasan, hindi nagpaparamdam si Boss kay BB. Deadma lang si BB dahil weekday naman. May pasok sila sa kanya-kanyang trabaho. Ngunit nung gabi na habang nasa shuttle si BB pauwi galing sa opsina, nakatanggap sya ng text mula kay Boss.

Boss: "Bhe 9pm na, asan ka na po ba?"

Ang BB, shock na shock! Bhe? Sino ang Bhe! Nanlumo, sinukluban ng paghihilakbot, pinagpawisan ng malamig at sumakit ang dibdib.

Nireplayan nya si Boss.

BB: Wrong send ka, hindi ako si Bhe, si Boss ako remember?"

BB: P*t*ng *na! Sino yang Bhe ha!

Boss: "Bakit galit ka? Typo-error lang po"

Typo-error? Lalong na shock si BB. Tinignan ang ang keypads ng cellphone. Sinuri ang pagkakasunod-sunod ng letra.

Bhe at Boss.

Both starts with B.

Ang H ay nasa 4. Ang O ay nasa 6.

Ang  E ay nasa 3. Ang S nasa 7.

Ang Bhe, tatlong letra. Ang Boss ay apat!!!

Nabaliw si BB. Naubos na lahat ng pinag-aralan nya at isinuko nya ang lisensya nya bilang CPA dahil sa simpleng problem solving. Paano naging typo-error ang Bhe mula sa Boss?

Nagtext sya ulit kay Boss.

BB: "Typo-error? Sige kung typo lang yan, kung hindi ka makikipagkita sa iba puntahan mo ako ngayon din sa bahay! No excuses!"

Boss: "Sige po, ikaw ang bahala kung ayaw mo maniwala. Ita-try ko po"

At hindi nga nagpunta si Boss sa bahay nila BB.

At umabot pa ng 5 buwan ang relasyon nila. Biruin mo yun!



*Ngayon ko nalalaman ganu kabaet ni BB!*

Saturday, November 6, 2010

Bahala na si Batman

Ang tagal ko nang hindi nagsusulat dito sa blog ko. Ayaw kse gumana ng utak ko para makapagkwento. Alam ko kase na ang talent ko sa pagkukwento eh nasa emosyon. Yung mga tipong may pinagdadaanan ako. In-love man o Brokenhearted. Eh kaso ngayon stagnant ako. Simula nung PAREHO namin mapagdesisyunan ni Bogs na maging magkaibigan na parang magkapatid na lang ay stagnant na muna ako.

Madami din akong dapat asikasuhin sa mga dadating na araw bukod sa trabaho. This time aasikasuhin ko na ang sarili ko. This time its for me, I AM for ME.

Maghahanap na ako ng lilipatang lugar na malapit sa work. At gusto kong gawing project ang itsura ng malilipatang ko. New place, new home, new things, new oppurtunities for an improved new me!

Nakakatakot magsimula ng bago. Pero nakaka-excite din. Babalik na ako sa pagpaplano sa takbo ng buhay ko na ilang taon ding natigil.

Ganun naman talaga kse siguro. At a certain age of your life, maiisip mo na may mga bagay ka na kelangan mo na gawin ngayon palang. We have to admit, some oppurtunities asks for a certain age requirements. Kapag lumagpas ka dun, medyo pilitan na o nakakailang na.   

There are also things we have to accept. In starting anew, there will always be something or a person you have to leave behind. It is hard at first, but you will get used to it. Besides, you wont call it anew if everything is the same and old. haha

Ahay! Hindi na ako sanay magkwento ng seryosong istorya. Basta excited ako, sisimulan na ulit ng sirena ang paghahanap sa nawawala niyang kabibe at kay Prince Charming! Toinkz! haha Basta bahala na, bahala na si Batman!

Thursday, October 7, 2010

Ng Dahil sa Buko Pie

Natatakam tuloy ako sa Buko Pie.

Last weekend, nagpunta ako sa Cabuyao, Laguna. Birthday ng pinakaclose kong pinsan. Naikwento ko ito kay Bogs. Katulad ng dati, tuwing aalis ako, nagbibilin sya ng pasalubong. Hulaan mo! Syempre BUKO PIE!!


 Pero hindi tulad ng nakaraan na "OK", "Sure ikaw pa" or "Syempre naman" ang sagot ko, ngayon ang sagot ko sa kanya "Tignan natin kapag nakabili".


Lately napapansin ko nagiging matampuhin ang Bogs sa akin. Sabagay, hindi katulad dati..konting lambing nya lang sa akin..tihaya na ako agad. haha. Ibig ko sabihin, bigay ko agad ang hilig nya.

Mabalik tyo, Natapos na ang selebrasyon ng kaarawan ng pinsan ko. Umuwi na kami pabalik ng Metro kinabukasan. Umuwi ako ng walang dalang Buko Pie. Nagdahilan ako kay Bogs na hindi na kami nakadaan ng bilihan kaya hindi ako nakabili. Hindi naman nga kami dumaan, pero hindi rin ako nag-effort maghanap ng mabibilan.

"Ok lang, sige lang" ang sabi ni Bogs.

Matiwasay at mabilis nakarating ng bahay. Nagpahinga at naligo pagkatapos.

Habang naliligo ako ay nagtxt pala ang Bogs. Una sa isa kong number, natagalan siguro sa pagreply ko kaya dun naman sa pangalawa. Pagkatapos ko maligo at mabasa ang mensahe nya ay may panibagong dumating na ang sabi "Deadma". Di ko daw sya pinapansin. haha demanding sa reply ko di ba?

Kaya nireplayan ko na.

BB: Hindi naman naligo lang ako.

Bogs: Mmmm nagbabago ka na...siguro may jowa ka na

Nahirinan ako sa hinala nya....

BB: Anu! Wahahaha sino magiging jowa ko eh napaka isnabero ko...Kaw talaga..

Bogs: Ung anak ni Marimar (Kapitbahay namin na may saltik)


BB: Awwwww adik mo....Kaw naman kaya madalas magtampo.

Bogs: Kasi nga nagbabago ka na.

Napaisip ako ng isasagot..yung totoo o magdadahilan?


BB: Ehe hindi naman sa nagbabago...Nagaadjust lang ako ng konti...Sobrang konti lang : )

Nag-iisip pa din ako..


Bogs: Eh bakit nag-aadjust?

BB: Hehe alam naman natin na nainlove ako sayo...Eh ngayon kelangan ko magmove on habang pinapangalagaan ang friendship natin...May konting adjustment kase minsan parang jowa ako umasta feeling ko...Gusto ko tulad ng dati bestfriend or nanay mode ako.. : )

Sinabi ko na din ang totoo 


Bogs: Na-Inlove talaga sus. Nanay natawa ako dun. Hindi naman ok lang na ganto tayo kasi pag magjowa madami secrets and baka hindi na tayo maging open.

BB: Yup I know kaya hindi ko pinipilit na maging tayo hndi ba? Haha yun secret isa pa yun kaya minsan alam ko naglilihim ka kase alam mo masasaktan ako na dati naman ay deadma lang ako....kaya tanggap ko at gusto dapat bestfriend tayo

Hindi nya kase alam nakakarating sakin ang mga secret nya kahit hindi ako umeeffort para malaman.. Hindi ko alam kung gift ba yun o sumpa!




Bogs: Ang seryoso naman natin..Eto ah honestly gusto ko din maging tayo kaso naisip ko yung family mo kelangan ka din nila. Eh pasaway aku baka mawala motivation mo sa work.

"kelangan ka din nila"? bakit papatayin mo ba ako? wahahaha


BB: Hahaha gusto ka dyan! :P Hindi tlaga siguro meant. Lalo na ngayon pareho tayong may pinagdaraanan.

Bogs: Di wag ka maniwala grrrrr. Ah panu mu nasabi hindi meant? Yup pinagdadaanan yup totoo yan.

BB: Hindi meant ngayon..Malay mo bukas o sa susunod kapag ok na tayo pareho mainlove ka din saken.. ahahaha

Bogs: Opo. Love naman kita eh hindi lang showy, and pasaway ako.

Weh!?


BB: Haha alam ko love mo ako. Wala lang commitment at alam kong pasaway ka simula pa lang...Hahahaha

Tawa lang ng tawa parang baliw.


Bogs: Opo. Minsan mabait ako.

Biglang kabig oh!


BB: Hahaha alam ko din mabait ka. Nakita ko yun pano mo ako inalagaan nung mamataymatay ako sa break-up. hahaha

Bogs: Ah syempre kelangan tulungan kapag nahihrapan.

BB: Yup kaya nga alam kong mabait ka...Kaya kahit ano malaman ko about you alam ko kilala ko kung sino ka...At love pa din kita...

Sinugod ako ng mga langgam!


Bogs: Sweet ah! Parang ampalaya.

BB: Hahaha Bitter Sweet! Ampalaya may sahog na tocino hahaha ganun naman talaga hindi ba...Magkakampi kahit sa kalokohan...haha

Ouch! Parang plastic ng statement ko na yan! awww!


Bogs: Tama ka.

BB: Huwag ka na matampuhin ah!

Bogs: Gusto ko kasi ng buko pie.

BB: Ako din eh..Kaso matatanung ako. Baka isipin may jowa ako kaya gusto ko magsolo sa buhay/bahay. Honestly yun ang dahilan kaya hindi ako bumili. Ksama ko mga kamag-anak ko.

Bogs: Tama ka dun.


Hay nako! Gusto ko talaga ng Buko Pie...natatakam ako!!!

Tuesday, September 14, 2010

Showbiz News Ngayon!

Last long weekend nakakulong ang BB sa bahay. Ang dahilan? Poorita! haha walang laman ang banga.

Nakalabas lang ako when Kai and Eya (my super friends since HS) txted me at nasa isang bar sila sa Riverpark. Sunod naman ako para makitambay. Nagkwentuhan, tawanan, nakinig sa ingay  ng banda at uminom. Naka isang bote lang ako.

Nagtxt si BY na punta kmeng Cubao kse wala syang magawa sa haws nila. Isang linggo naman na kse syang nagtatanung sakin kung may pede ba kaming puntahan para mag-inum. Eh wala nga akong plano kasi walang yaman! Payag naman ako agad basta sagot nya ako.

Ay bumaha ang Redhorse! Tatlong Bucket ang inorder ni BY. Isang bucket para dun sa tatlong na kakilala nya. At dalawang bucket sa aming dalawa. Languan ang laban.

Pinakilala nya ako sa mga kasama namin. He introduced me as his "Bestfriend" which puts a smile in my heart.
That is how he introduced me before we became an item and then broke-up.

Merun kaming kasamang hottie, haha yung tipong Coco Martin in someway. Hindi naman ganun kataas ang level pero humahabol. Nagkakatinginan kme ni BY at alam na namin ang ibig sabihin nun. We are on the same page. Pinapansin kami ng mga kasama namin kasi pangiti-ngiti kami sa isa't-isa akala nila nagtxtxt kami kahit magkatabi. Eeeeennnk! Mali sila dun. Dahil sa FB on Mobile kami nag-uusap. Pinag-aagawan namin si Coco.

Coco got interested saming dalawa. Tahimik kasi kami at nagtatawanan na lang bigla. So he asked about us. Si Coco naging si Boy Abunda.

Coco to Us : Ganu na kayo katagal mag-bestfriends.

BB to Coco : Mga three years na.

Coco to Us: Hindi ba kayo nagkakadevelopan?

Natawa kami pareho.


BB to BY: Hindi ka ba daw nadevelop sakin uy! (habang tumatawa)


BY: Tawa lang ng tawa.


BB to BY: Aamin na ba tayo? Sasabihin ko na ba?

BY to BB: Sige

BB to Coco: Galing na kami dun. Mag-ex kami

Coco to Us: Huh? eh bakit magbestfriend kayo? Grabe di ko kaya yan.

Us to Coco: Eh mag-bestfriend naman kami sa umpisa.

BB to Coco: Yun kasi ang promise namin na kahit magbreak kami dapat magsurvive ang friendship after.

Coco to Us: Ay bilib ako sa inyo. Ako di ko kaya yan. Eh bakit hindi kayo magbalikan?

BB to Coco: Iba kasi. Iba yung commitment ng friendship sa mag Boyfriend.

BY to Coco: Natry na namin pareho. Mas patok kami magBestfriend.

Coco to Us: Bakit hindi ibalik ang tamis? Tignan nyo sweet pa rin kayo.

Natawa lang kami ulit

BB to Coco: Haha hindi madali. Masaya naman kami ng ganto. Iba yung sitwasyon. (Hindi ko maexplain ng maayos)


BY to Coco: May anak ako. (Ayun sya na nagexplain)


Coco to Us: Ay ayaw ko ng ganyang topic may anak din ako. Change topic na.


Natapos na ang interview...

Hindi naman na ako napreasure sa mga katanungan na yun. First time nga lang namin nag-explain na magkasama ni BY.

Sa totoo lang. I was very happy that night. Not only happy but PROUD.

Tinupad namin ang pangako namin sa isat-isa na magsusurvive ang friendship.

Napatunayang walang iwanan.

Kayang tabunan ang magagandang pinagsamahan ang mga sakit ng nakaraan.

Pwedeng kalimutan ang sakit at alalahanin ang ligaya.

WE ARE BLESSED, tama si Coco. Hindi lahat ng dating magkasintahan, kayang maging magkaibigan pagkatapos. At higit sa lahat, libre ang alak ko!

Ang sakit ng ulo ko buong araw kinabukasan. awts!


Friday, September 10, 2010

Boracay was a Blast

I was not with Bogs.

He backed out for whatever reason. So i ask one of my closest gay friend to accompany me to Boracay.

We did our best to have fun and relaxed. Ang dami kong itinulog dun sa hotel. Nag-enjoy ako sa free WIFI, aircon at cabled tv.

I also enjoyed our activities. Reef Walk, Parasailing at Zorb! Super fun.


But through out vacation, Bogs and I kept in touch. Ayun nanghihinayang syang hindi sumama.Eh kasalanan nya. Bahala sya.


Madami na akong napuntahang beach sa buong bansa. Lahat may kanya kanyang katangian. Pero masasabi ko ang Boracay ay mananatiling the best sa kanyang maganda at makulay na seashore, party scene at fun activities. Kung yun ang hanap nyo, sama kayo sa pagbalik ko dun!


The people are nice pa. Muntik ng mawala ang dala kong camera! Naiwan ko dun sa fast craft pagtawid ng dagat. Buti na lang nakuha ng crew at ibinalik sa akin pagtakbo ni kuyang guide para hanapin.

Iniisip ko nga din na magrelocate na dun sa island na yun. Nakakainggit ang mga kalalakihan. Mga taga-walis sa tabing dagat, construction worker, bangkero, at tattoo artist lahat sila may magagandang abs! kayo na! gusto ko din ng abs!

Madami akong napag-isip sa lugar na yun. Tumakas ako dito sa Manila upang magnilay-nilay. na-achieve ko naman ang bagay na yun. At nakita ko, at dun pa sa Boracay, na ang buhay pwedeng maging simple at masaya. Hindi kelangan bongga. basta ikaw ay malaya. Malayang gawin ang mga bagay na nakapagpapasaya sa iyo.

We realy had fun. But at the end of the day, i knew, i would have been happier if it was Bogs who was with me. ahay

Wednesday, September 1, 2010

Boy + Girl = Becky

(An Entry to Coming Out!!! Posts)

Isa ako sa mga masuswerteng Becky sa mga konserbatibong bansa na hindi kinailangang dumaan sa malulupit na pangyayari para maipakita ko ang tunay na ako. Ang tunay na Becky.

Dahil na rin ito siguro sa major major formula na umiral sa aking pagkatao simula nung paslit pa lang ako. Tignan nyo ang aking unang pictorial nung ako ay isang taong gulang pa lang.

Muka bang straight yan o mukang pilyong bata na may masamang binabalak.? : )

 Bata pa lang ako mahinhin na daw akong kumilos. Lumaki ako bukod sa aking pamilya, sa piling ng mga tita at lola. Karamihan babae ang nasa aking paligid. May kaartehan na daw akong taglay. Kinukwento sa amin ni Mader Superior na bata pa lang ako, ayoko daw lumalabas ng bahay ng walang talukbong ng bimpo dahil ayaw ko daw umitim. Hindi nila alam, iniimagine ko na ang bimpo na nakatalukbong sa aking ulo ay ang aking mahabang buhok! haha

Ikaw ba naman na sa buong pagkabata ay walang ibang hairdo bukod sa kalbo! Ayan Bokal tuloy ang aking naging nickname nuon.

Noon pa man mahilig na ako sa mga larong panglalake.

  • Mag-akyat sa puno at pader 
  • Pabilisan ng takbo 
  • Patintero 
  • Luksong baka at luksong tinik
  • Tumbang Preso 
  • Basket ball, baseball at football.


Nahilig din ako sa mga larong babae.


  • Chinese garter 
  • Jack stone 
  • Majorette majorette 
  • at ang makabaling balakang na Boom tiyaya Boom tiyaya Boom Yeh yeh!


Pero ang bongang bongang mga larong Becky ang paborito ko.

  • Little Miss Philippines na ako ang madalas manalo dahil sa Q&A portion
  • Bahay-bahayan at lutulutuan bilang isang butihing ina at ang crush kong kalarong lalake ang tatay..haha
  • Paglalaro ng laruang Rambo at Mr. T bilang mga kontrabida at She-Ra kasama ang kanyang mahiwagang kabayo bilang bida.
  • Ang pinakapaborito ko sa lahat, ang full costumed red undies, white sash, used bra with stars, golden bracelets and the golden winged crown, DARNA! Ako si Darna habang ang tito ko ang gumaganap na Manananggal (with matching black wings and curly long wig) o ang Halimaw sa banga na may mahahabang kuko. Diba supportive ang tito ko!? Minsan nga iniisip ko pangarap talaga ni Tito na gumanap bilang Darna kaso ang pangit kung ako ang kalaban bilang tyanak. Hindi match. Kaya ako na lang ang pinagamit nya ng bato. Patago ang paglalaro namin nun kase napapagalitan kami. haha.
Patuloy ang halo-halong bagay sa aking paglaki. Si Green Two sa umaga, Si Yellow Four sa gabi. May crush na babae, mas madaming crush na lalaki.

Pagdating ko sa ikalimang baitang sa elementarya, nabuo ang samahan ng mga becky bilang Sailor Warriors. Diba Sailor Moon ang drama. Ako si Sailor Jupiter noon. Ang pinakamaton sa grupo. Lahat ng myembro ng Sailor Warriors ay umaarte na mayroon silang crush noon. Pinipilit nilang akong magkacrush kasi unfair daw wala silang tutuksuhin sa akin. Kaya napilitan akong pumili at syempre ang pinili ko ay ang lalaking naging pinakamalapit sa akin nuong panahon na iyon. Besfriend ko nun na si Jeffrey. Siya ang naging first love ko, puppy love, first kiss (sa noo lang naman) at first bf (kahit hindi naman namin alam pano yun.). Sya ang unang lalaki nagsabi sakin ng I love You at sinabihan ko ng I love You Too.

Simula nun in-embrace ko na ang pagiging becky.

Hindi ko naman akalain na nagmumuni-muni prin ang pamilya ko na mahinhin lang ata talaga ako at tunay na lalake prin ako. Eh isang hakbang tatlompung kembot ako maglakad.

Noong summer na magthi-third year ako sa highschool. Napatagal ang pagbabakasyon ko sa Bicol. Walang contact dahil hindi pa uso ang cellphone nun kaya naghalungkat ang Tita Ruby ko (pinaka-close kong tita) sa aking gamit sa aparador. Duon nya nahalungkat ang puro kabaklaan at kaartihang slam book na sobrang uso nun. Dun nya nakumpirma ang aking pagka becky.

Pagluwas ko ng Maynila, kinausap nya ako.

Tita Ruby: Naghalungkat ako sa gamit mo dahil naghahanap ako panu kayo macontact sa Bicol, nakita ko yung mga Slam Book mo. Bakla ka ba?

Tango lang ang naisagot ng BB .

Tita Ruby: Akala namin mahinhin ka lang talaga. Ayos lang yun basta wag kang mag-aakyat ng kahihiyan sa ating pamilya ah.

Ngiti at tango lang ulit ang aking naisagot.

Magmula nun natanggap na agad ng aking pamilya kung ano talaga ako. Hindi na din kinailangang maungkat ang usapan tungkol dun. Kundi malalagot sila kay Ruby, ang pinangmanahan kong Bidang Kontrabida. Paborito kaya ako nun bukod pa sa Lola ko. Tinupad ko din naman ang pangakong hindi mag-aakyat ng kahihiyan sa pamilya. At proud pa nga sila sa akin ngayon. Kaso hindi ko pala naitanong kung pede bang lalake ang iakyat? haha

Masaya ako at masasabi kong maswerte sa maagang pagtanggap at bukas isip na pagsuporta sakin ng aking pamilya. May mga kaibigan akong kasing swerte ko din. May mga kakilala naman din akong may ibang sitwasyon at nasa mas mahirap na posisyon at kailangan dumaan sa butas ng karayom para maipakita ang totoong sila.

Sa akin lamang, sa kahit anong sitwasyon, alam nating masasaktan at masasaktan ang ating pamilya sa oras na malaman nila na tayo ay taga sunod ni San Rio (Santo ng mga Becky at Hello Kitty).   Kung hindi ka man kasing palad ko at kinakailangan mo pa rin itong itago. Go susuportahan kita. Wag ka lang sana manggamit ng iyong kapwa lalo na at babae para mapagtakpan ang iyong sarili. Hindi mo alam kung gaano kasakit at ano ang epekto nito sa taong ginagamit mo at sa mga kaibigan nya. Yun lamang po. Wag na nating dagdagan ang taong ating  masasaktan. (oo may pinaparinggan ako. haha)


Tuesday, August 31, 2010

Epal lang

Minsan napapagod ka na.

Gusto mo na lang sumuko.

Ipasemento ang puso.

Ng wala ka nang maramdaman.

Kahit anu pang kasakitan.

Kaso hindi mo maaaring pigilan

Paano ang kinabukasan

Mararating pa ba ang kaligayahan?

O patuloy ka na lang madadarang

Sa apoy ng kalungkutan.

Ito'y akin nang tatantanan.

Sinasabi ko'y wala ng katuturan.


Isa lang naman ang gusto kong iparating...HINDI AKO OK :(

Thursday, August 26, 2010

...BORACAY...


Bogs and I have scheduled Boracay trip next week. The airfare was bought last July pa. That was when everything was good and easy between us.

I planned to have a good vacation to take a break from the pressures of work and  told Bogs about it. He wants to go with me hence, this scheduled trip.

Sobrang excited ang lola nyo pagkabook na pagkabook pa lng ng flight. Free pa ang sched nun ni Bogs dahil kakaresign lang nya sa dati nyang work. So when I asked him of a Fri-Sun trip, he was OK with it.  

But then things happen, the drunken teleserye-ish moment. Its quite awkward for me. ahaaayyy... 

When I told my chummy barkadas about it (my high-school straight  set of best friends) pinaglololoko ako:

Leo: Anu tuloy na Boracay nyo next week after us?

BB: Not sure pa, we have problems with his scheds pa eh. Hindi ko nga alam kung ano gagawin namin dun eh.

Leo: Ako alam ko (sabay tawa ng nakakaloko)

Marvis: Wala naman pa lang kamalisya malisya yang lakad mo kasama ang "Bestfriend" mo.

BB: Hoy! walang malisya yun! Ang rason ng lakad na yun eh dahil lost ako at kelangan kong hanapin ang sarili ko. At plano ko ding bawiin ang puso ko sa nagnakaw. Kaya sinama ko ang mananakaw!

Kai: Yun naman pala eh..at dahil dyan, isa kang WINNER!!

O diba pumafactor nanaman ako.

Yun nga. May problema kami sa schedule ni Bogs. He supposed to be back at work kasi this week. Kapag ganun, mukang hindi sya makakapagleave on the day ng trip. Kaya lang hindi pa sya natatawagan. Ahay!

Sabi ko sa kanya kailangang na nya akong sagutin. Kung makakasama ba sya sa Boracay o hindi. 

Hindi ko pa nga alam 

As usual, ang malabo nyang sagot.

Binigyan ko sya ng taning BUKAS! Is it a YES or a NO. Bawal ang OR. Hindi gender ko ang tinatanong ko kaya bawal ang OR! Kelangan ko kasi ng matinong sagot one week before the trip para makapagready ako.

If Yes, proceed with the boom boom pow plan!

If No, I need to choose sa mga options.

1.) Go to Boracay habang kumakanta ng "Alone". Emo especial ang eksena natin dun.

2.) Ask one of my guy/gay friends na gumamit ng airfare. Hmmm sino kaya?

3.) I-cancel ang trip. Hay kaso this would be my 2nd time i-cancel ang Boracay trip ko this year. Last summer hindi ako nakasama dahil sumakto sa trip ng Israel namin ang lakad. Hindi kaya ma-jinx na ako kay Boracay at isumpang hindi na nya ako patuntungin sa mala-asukal nyang buhangin?

What would it be? Let's see.




Monday, August 23, 2010

Mas Gusto Ko Pang Maging Broken Hearted Kesa.......

Hay grabe ang mga eksena ngayong araw na ito. Madudugo at puno ng aksyon at drama. Wala tuloy akong oras mag-asikaso ng feeling ko at mag-emo (buti na lang).

Broken Heart. Hindi totoo na wala ng mas sasakit pa sa pagkawasak ng puso. Well. kung first time mo ma-broken heart eh mapagbibigyan kita. Aakalain mo din naman talagang katapusan na ng mundo. Eh kasi naman ginawa mong mundo mo ang jowa o ang taong ini-ibig mo. Hindi lang Pag-ibig ang ibinigay mo pati SSS at Philhealth mo ibinigay mo na. Neng, sinasabi ko sayo in due time magbabago din ang pananaw mo.

Anyways, kanina sa opisina ay dumating ang isa sa mga bestfriends ko dito sa opis. Si Balingkinitang Sha. Nung una eh ok lang naman sya at pasimple lang ang pagrereklamo nya na masakit ang ngipin nya. Nakuha pa nyang lantakan ang  lunch nya na Monggo at Isda. Yum! I already ate my lunch so I just accompanied her sa pantry and had my 2nd cup of coffee.

After eating, Ok naman sya. Suddenly she was crying. Sobrang sakit na ng ngipin nya. Together with Dora (my other bestfriend from work), we had to accompany her to the dental clinic but unfortunately, we have to make appointments before the dentist can see us. So we never saw one. Kaya nagsilinya na lang kami na madalas naming gawain.

Sha: Ang sakit talaga Beks, yung pati buong ulo ko masakit.

We call each other Beks, short for Becky or Beckla kahit girls sila.

Dora: Kakaasar talaga masakit ang ngipin, buong katawan mo apektado, masakit din.

BB: Oo nga, yung tipong pati tuhod mo manginginig pa sa sakit. Kaya ako, mas gugustuhin ko pang maging broken hearted kesa sumakit ang ngipin.

Dora: Kaya nga. Ang pagkasawi pede ko pang itulog, eh ang masakit na ngipin hindi ka papatulugin.

Sha: (Nakangiwi lang, masakit nga kasi ang ngipin)


Totoo! Mas pipiliin ko pa ang maging broken hearted kesa sa madaming bagay.

Ok lang dumugo ang puso ko kesa:

Maging hostage taker. Nakakawindang ang eksena maghapon dun sa Manila. Wala na nga sigurong maisip na paraan ang hostage taker kaya nya nagawa yun. Pero hindi pa rin tama. Walang tamang dahilan para pumatay ng walang kalaban laban. At lalong walang tamang dahilan para bigyan mo ng kahihiyan ang buo mong bansa.

Maging biktima ng hostage taker. Naku lalo na eto, ayaw! Nakakatakot, baka tumigil na ng tuluyan ang tibok ng puso ko kapag nangyari sa akin to. Wag naman sana na sa pagbisita namin ng Hongkong, eh gumanti sila at tayo naman ang ihostage. Knock on the wood!

Walang pambili ng pagkain. Mahirap maging broken hearted. Hindi ko naman sinabing madali. May bigat kang dala-dala sa kalooban mo. Pero mas mahirap maging mahirap. Yung walang laman ang iyong isip kundi kung saan ka kukuha ng ilalaman mo sa iyong tyan. Yung katatapos mo lang kumain eh yung susunod na pagkain mo nanaman ang po-problemahin mo. Ok na yung broken hearted ka, madami ka namang pambili ng pagkaen. Kesa broken hearted ka na nga, wala ka pang makain. Pagkain pa lang yan. Paano pa ang iba mong pangangailangan.

Hindi ka marunong magbasa at magsulat. Hindi ko alam kungh papano ako magsusurvive kung hindi ko alam ang mga ito. Naku minsan sa pagbabasa at pagsusulat pa naman ko itinutuon ang atensyon ko para makalimot sa mga bagay- bagay. Alam natin na sa ating bansa, libre man ang edukasyon sa elementarya at hayskul, mga mga lugar pa rin at kababayan tayong hindi inaabot ng mga karapatang ito. Kung hindi sobrang layo, kagagawan ng giyera.

Sobrang dami pa, hindi lang yan. Baka hindi kayo matapos sa pagbabasa at hindi ko rin naman kakayanin isulat ang lahat. Isa lang naman ang sinasabi ko (yun ay kung may sinasabi ba talaga ako), hindi lang sa kasabihang;

"It is better to have loved and lost than never to have loved at all"


ako naniniwala. Mas naniniwala ako sa sarili kong kasabihang;

"It's better to be broken and be Me than to be broken and be broke"


Just count your blessings! : )

Sunday, August 22, 2010

Teleserye ng Totoong Buhay

Habang sinusulat ko ito ay ksalukuyan akong nakahiga sa aking kama, nagpipipindot sa iPod, sinasagap ang biyaya ng wifi ng kapit-bahay at nahihirapan huminga. Opo nahihirapan ako sa paghinga dahil hinika ako. Di ko kinaya ang eksena ko kagabi at tuluyang na-stress ang Lungs ko. Hindi po ako hinihika,ngayon lang.

Eto na ang chika (sige ichika ko ang sarili ko).

Araw ng sabado, walang pasok, wala akong plano. Niyaya ako ni Bogs na gumala at kumaen. Pagkatapos ng konting kulitan at pilitan, pumayag na din ako. Tatlong linggo na din naman kaming hindi nagkikita. At iniisip nyang galit ako eh hindi naman.

Mahigit tatlong oras din kami sa mall. Kumaen, naglakad-lakad at naghanap ng tyinelas para sa kanya. Sinabihan nya ako na sa bahay nila kami dumiretso dahil may ilang kakilala syang darating para mag-inum. Nag-ok naman ako.

Natuloy ang plano. Dumating ang mga ka-clan nya at si Jp na bestfriend ni Bogs. Nagulat ako at kilala ako ng mga ka-clan nya. At kilala din nila si Boss Ice! Feeling ko isa ako sa mga primetime bida teleserye princesses, sikat! Alam nila ang love story namin ni Boss Ice! Dahil dun eh nahot seat ako at natanong tungkol samin ni Ice. Sinabi ko lang na close prin kami kahit matagal na kaming hiwalay. At habang sumasagot ako ay may sumisingit at nangbabara at sinasabing hindi pa daw aku nakaka-get over kay Ice. Si Bogs. Muntik na akong mapikon, muntik pa lang. Nagkataon din naman na tinawagan ako ni Ice nun at nakipagkwentuhan sandali. Niyaya ko din sya pumunta kina Bogs pero hindi naman sya tumuloy.

Tuloy ang kwento, napunta sa ibang mga bagay ang topic. Ipinasa sa akin ni Bogs ang pagiging tanggero. May mga pasimpleng landian sa kanilang magkaka-clan.

Unang bagsak

Natawa ako ng biglang tinanong ni Jp si Bogs, "musta na ang Bhe mo?"
Sa lahat talaga ng tawag, "Bhe" pa! (ikukwento ko sa ibang panahon kung bakit ko sinusumpa ang tawag na Bhe). Nag-abang ako ng sasabihing sagot. Walang dumating. Facial expression lang na sinasaway nya si Jp.

Ikalawang Bagsak

Deretso ang inuman, kwentuhan at pasimpleng landian. Nakikisali ang Bogs sa landian ng batang si Mark at ang baklang may ngiwa, si Danes. Deadma lang ako. Keber ko ba, simpleng landian Lang yun. Ng biglang dinakma ng Danes ang bibingka ni Bogs. Natulala ang Bogs, nagulat ako, nakaisa ang Danes. May nagtanong kung ok lang si Bogs at tumango lang sya. Ako hindi ok! tinitigan ko ng masama ang Danes, tumiklop ang baklang may ngiwa.

Ikatlong Bagsak

Pinalampas. Tuloy ang inuman, at may lasing na. May biglang umeksena ng pagsuka. Tumayo ang lahat para umalalay sa nagsusuka. Malibansa isa, si Mark. Tumayo para lumandi. Nakita ko na lang nakalingkis na kay Bogs, at humihingi ng halik. Napatingin ako ng masama, hindi tumigil. P**yeta!

Tahimik na ako magmula nun. Lasing na sa alak, lasing na sa pagkapiko, lasing na din sa emosyon. Nagpabili ng noodles ang Jp kay Bogs para mabawasan ang lasing nila. Bumili si Bogs kasama ang landing Mark. Lumabas ang iba at ang iba pumasok. Naiwan ako mag-isa sa garahe.

Nagsimula ang pagrolyo ng camera. Hindi ko kinaya, pumatak ang luha, sa kanan lang. Pak nanaman ang luha, sa kaliwa naman. Go grab the pillow ako. Dun ibinuhos ang nailing pagkapikon at emosyon. Impit ang pag-iyak. Baka magising ang mga kapit-bahay. Marathon ng luha ito.

Nadatnan ako ni Bogs sa ganung eksena. Hinagod ang likod ko at tinanong kung ok lang ako. Tango lang ang sinagot ko. Tumuloy na sya ng kusina para magluto ng noodles. Tumayo ako para lumipat ng CR at dun pinagpatuloy ang marathon. Dalawang beses din akong chineck at kinatok ni Bogs. Mga 20mins din tumagal ang marathon ko. Nailabas ko ang lahat ng nainom na alak gamit ang mata. Ok na ako ulit. Humingi lang ako ng tubig dahil baka madehydrate ako at ikamatay ko pa ang kaartehan ko. Nauna na akong nagpaalam umuwi at di ma sinabayan si Jp dahil umiidlip pa sila. Hinatid na ako ni Bogs sa sakayan ng jeep.

Bingo!

Nakauwi ako ng maayos. Natulog na May background music na Have you try sleeping with a broken heart ni Ateng Alicia Keys. Nagising ako sa tunog ng aking CP. Nag txt si Bogs.

Bogs: Gud murning bakit ka naiyak naalala mo si Ice. Eto naman di ka pa ba naka move on?

Bagong gising, puyat, pikon. Uminit ang ulo ko. Gusto kong ipaintindi na walang ibang dahilan, kundi sya! Gusto kong itanong, "tanga ka teh!?"

Nagreply ako.

BB: Hindi si Ice ang dahilan.... manhid ka ba? IKAW!

Sumagot naman sya.

Bogs: eto naman. Napagalitan ako kase hindi ako nagsabi na mag-iinum tayo sa bahay.

Change topic? at "eto naman" lang ang kaya sabihin?

Nagreply ulit ako.

BB: Hindi mo ba akalain na iiyak ako ng ganun dahil sayo? Aku din eh. Mukang tanga lang. Pasensya na, hindi na mauulit yun.

Ang naisagot lang nya...

Bogs: cge, haay


Ang tinong kausap!

Matapos ang ilang oras, tanghali, nagtxt sya ulit.

Bogs: Manuod tayo ng volleyball sa San Juan, samahan mo aku.

Walang nangyari teh? Normal na normal lang? Makalipas ang isang oras at kalahati, nagreply din ako.

BB: Nahihirapan ako huminga, hinihika ako.

Bogs: Sige, rest ka na lang po.

PAANO AKO MAGMOMOVE-ON SAYO KUNG LAGI KITANG KASAMA?

Saturday, August 21, 2010

Ang Aking mga Huling Habilin 2.0

Dalawang taon na ang nakakaraan ay isinulat ko at inilathala (wala naman bumasa) ang unag bersyon ng aking mga huling kahilingan. Naisipan ko itong gawin dahil sa biglaang pagpanaw na isa naming kaklase nuong sekondarya. Nagkagulatan na lang kaming magkakaklase at nalaman na lang namin ang masamang balita isang araw bago ang nakatakdang libing.

Duon sa huling lamay na yun ako unang nakakita ng combo (yung banda na pangfiesta na kulang na lang ay si mardyoret bareto na naghahagis hagis ng biton). At ang ikinagulat ko sa lahat ang pagrequest at pagkanta ng pinsan ng namatay ng kantang " I will Survive". Sana nagsurvive ang kaklase ko para nabato kayo ng silya isa-isa.

Kaya naisipan kong magbigay ng habilin bilang huling bugso ng pagdiriwang o selebrasyon ng aking naging buhay. (future tense on the nth power!)

 Ngayon in-update ko dahil may mga pagbabago sa loob ng 2 taon.


Cause of Death

Pede ba mamili pano nadedo? Kung pede lang naman eh yung walang hirap ang gusto ko. Yung tipong natulog ka lang tapos nanaginip ka ng sobrang ganda tapos hindi ka na nagising. Ayaw ko sana ng aksidente o biktima ng krimen. Magkakaroon ka ng madaming marka sa katawan, sugat, pasa, magiging maga at manas. Ayaw! Pinagkaingatan mo ang katawan mo habang buhay ka pa tapos pagdating mo sa viewing casket nakasara pala. Laos ka non neng! Dapat pagdating mo sa huling modelling exposure mo, pak na pak ka! Nagka-pose ka sa tamang angulo mo!

Ayaw ko din yung nagkasakit ka ng matagal. Naku matagal din ang pagtitiis mo at magastos! Matatambakan pa ng problema ang mga maiiwan mo sa mga bayarin. Baka hindi ka pa maipalibig dahil naubos na ang budget. Kaya ngayon pa lang maghulog ka na sa SSS, Philhealth, at Insurance kung kaya mo. Hanggat kaya mo.


Motif

No to Red! Hindi ito Valentines or Birthday ko. Ibang celebration yun. Dati gusto ko brown ang motif. Pero naisip ko, makikihalo na ako sa lupa, hindi maaring magkulay lupa na din ako. Tsaka hindi na brown ang peborit ko. Kaya palitan natin. Gawin nating Purple. Becking becky lang diba? 

Kaya ang mga flowers dapat kulay purple. Ang mga kurtina, carpet, at karwahe dapat kulay purple (oo karwahe ang gusto kong maghatid sakin sa libingan, kunwari princesa lang). Yung kabaong wag naman purple. Yung classic naman tignan. Ayaw ko ng white kasi dumihin. Yung makintab na black na lang. o kaya baby blue! (classic nga) 

Attire 

Syempre dapat nakasunod ang attire sa kulay ng motif. Dapat kakulay! Wag kayo mag-alala, sa mga dadalo sa lamay ko, hindi ko kayo irerequire mag purple sa buong yugto ng lamay. Sa big night lang (huling lamay). Dun required! Be at your best purple big night outfit. Dapat nakagown dahil lalakad kayo sa purple carpet at may photo booth. May awarding din ng Star of the Night.

Program

Gusto ko celebration ng naging buhay ko ang lamay. Hindi ng pagdadalumhati. Saka na yun kapag nalibing na ako. Gusto ko parang may concert or variety show lang. May banda tapos tutugtog at kakantahin ng mga bisitang malalapit kong kaibigan at mga mahal sa buhay mga kantang paborito ko at mga kantang nagpapaalala ng mga samahan at naging relasyon namin.

Subukan nyong kumanta ng "I Will Survive", babangon ako sa kabaong at ang kakanta ang ipapalit ko sa casket.

Gusto ko din ng catering na buffet, yung walang waiter na taga-salok ng pagkain! Buffet nga eh may bantay naman, edi nahiya din kumuha ang mga bisita.

Matapos ang kainan babangon muna ako sa casket para sa paghahagis ng bungkos ng bulaklak ng patalikod habang nakaabang sa pagsalo ang mga bisita. Ang makasalo sya ang susunod. Malamang walang may gusto.

Drink all you can din ang eksena. Syempre madami ang kaibigan na mga sunog baga, tunaw atay at living Green Cross Alchohol. Hinay-hinay lang sa pag-inom baka biglang magka eksena at may sumigaw na

"Putangina ka BB! bakit ka namatay! d pa kita natitikman! Mahal na mahal kita!",

o kaya may mag-away at nagtatalo kung sino ang mas minahal ko sa kanila (feelingera at its best!)

Ang kape! Ang paborito kong kape. Kelangan yan sa mga magpupuyat mabantayan lang ako at para mahulasan ang mga lasing. Ikinokontrata ko na ang mayayaman at magiging mayaman kong mga friends (ehem, ikaw ba yun?) para sumagot sa pag-order ng 1,000 Extra Hot Caramel Machiato Grande in memory of BB!  Diba taray!

Preparation sa Namatay

Handle me with care! Paki-bantayan ang embalsamador ha. Siguraduhing maayos ang pagprepare sa aking mga labi. 

Pakirequest pabawasan yung part ng tyan ko para hindi sya nakaumbok habang nakahiga ako. Parang konting lypo lang. Tapos yung kikay kit ko pakibigay. Sabihin yung anti-aging na shower cream + body butter ako ang gamitin para smooth ang katawan ko at glowing habang nasa kabaong. 

Yung make-up na gagamitin sakin dapat water proof. Kelangan ganun baka kase makatas parin ako kahit naimbalsamo na, Juicy prin kahit deads na. Yung parang tulog at nananaginip ng maganda lang ang itsura ko dapat ha! Hindi yung natutulog pero mukang binabangungot naman! Bago i-apply yung make-up pakisure na nagupitan ang buhok ko sa ilong, walang lumalabas labas! Tapos paki apply yung night cream ko. 

Yung nighties ko (parang matutulog nga kaya nighties) dapat kulay purple ha. Tapos si babyboy baboy (ang madusing kong staptoy)  pakitabi sa akin. Hindi ako nakakatulog ng hindi sya kayakap.

Huling Paalam
Dun sa mga magsasalita para alalahanin ang aking naging buhay, galingan nyo. Dapat yung pak na pak! Gusto nyo creative, gawin nyong monologue, o gawan nyo ng interpretative dance. Pwede din kayong gumawa ng indie film tungkol sakin. Request lang, si Piolo si B1, si Sam Milby si B2 at si Coco Martin si B3, tapos ang gaganap sa akin si Anne Curtis (ilusyonada!).

Basta galingan nyo. Ang pinaka magaling ay magkakamit ng 3D 2N  accomodation with free airfare sa rainbow. Ako pa mismo susundo sa inyo at magdadala sa tunnel sa may liwanag sa dulo.

Ano pa ba ang kailangan ko? Wala na akong maisip? kakagising ko lang eh mabagal pa ang takbo ng daga sa utak ko. Kung may gusto kayong idagdag i-comment na. Para maisama ko sa susunod na version ng aking habilin


Friday, August 20, 2010

Panaginip na Halik

Balik sa kasalukuyan.
Naniniwala ka ba na ang panaginip ay nagkakatotoo?

Nitong mga nakaraang gabi, madalas akong managinip na may kaugnayan sa pagsubok paano gumawa ng bata. Sa lahat ng mga panaginip na yun eh sablay lahat dahil sa isang kadahilanan.

Naiwan ko sa freezer ang matres ko.

Dahil siguro sa isang taon at kalahati na ang nakakaraan ng huli kong inihain ang aking kakanin. Nagsusumigaw na ang bahagi ng pagkatao ko na minsang naadik sa isang tao at sa pinagsaluhan naming hapag-KAINAN. Gustong-gusto na nyang kumawala.

Isang gabi nanaginip ako.

Sa isang lugar na hindi pamilyar sakin ay naglalakad ako. May nakasalubong akong kakilala. Pero hindi ko kilala kung sino dahil hindi ko masyadong maaninagan ang kanyang muka. Alam ko lang na kakilala ko sya dahil sa pakiramdam ko, close kami sa isa't-isa. Nagkatinginan kami at lumapit sa ako sa kanya. Magkatabi kaming naglakad. Huminto kami sa stop light bago tumawid ng kalsada. Nagkalingunan at paaak! bigla na lang nilapit ang labi sa labi ng bawat isa. At dahan-dahang naghalikan.


Naiba ang lugar. 


Nasa bahay na ako, nakahiga sa sofa at nagbabasa ng sci-fi novel book. Ng biglang may lumapit at humalik sa aking pisngi. Napalingon ako at muli niyang inilapit ang kanyang muka para muling humalik at sa pagkakataong ito ay sa aking mga labi. Madaming halik, puro halik, makapugot hiningan halik.


Nagising ako!


Nag-ring ang cellphone ko at may tumatawag. Si Boss Yelo, nangungulit na naman para mag-gym.

Makalipas ang ilang araw, Sabado, lumabas kami ni Bogs para manuod ng sine. Ang panunuod ng mga pelikula, maliban sa inuman, ay ang nag-iisang regular na paraan namin para mag-bonding.

Pagkatapos namin manood ni Bogs, tinxt ako ni BY kung asan ako. Agad naman akong nagreply na nasa mall at pauwe na. Tinanong ko sya kung bakit ngunit hindi naman sya sumagot. Ikinuwento ko ito kay Bogs at sya naman ang nagtxt kay BY kung anu meron. May inuman pala sa bahay nila at niyaya na rin nya kami.

Pagpasok na pagpasok pa lang sa garahe ng bahay nila  BY ay isang shot ng The Bar Vodka na  agad ang inabot sa amin. Simula na ng inuman. Kwentuhan.

Nanduon ang asawa nya, ibang kaibigan ni BY na dati ko nang nakilala at iba na nung gabi lang din na yun ko lang nakita. Pinakilala din ni BY sa akin ang labrador puppy na ipinangalan nya sa akin. Hindi ko malaman kung matutuwa ba ako at bibigyan ko ng malisya ang pagpapangalan nya sa bagong bili nilang puppy o maasar ako dahil may kapangalan akong aso. Pero nung gabing yun, hawak ko ang puppy at pinagkakakalikot ito.

Redhorse at vodka ang nakahain samin. Sa akin ang vodka at kay Bogs ang redhorse. Tagay-tagay. Kanya kanyang ikot ng baso. Limipas ang ilang sandali ay umangal ang Bogs na sumasakit ang kanyang tiyan. Kaya ang ikot ng Redhorse sa kanya ay sa akin ipinapasa.

Ang Becky nalasing! Kung ano-anong daldal ang pinaggagagawa. Kwento dito, kwento doon. Pag-amin ng pagmamahal dito, pag-amin doon. At napadalas ang pagbisita ng banyo para ilabas ang nainom na alak.

Makalipas ang 2 bote ng vodka na umikot lamang sa 3, at ang ikot ng hindi ko alam kung ilang grande ng Redhorse, nagyaya nang umuwi si Bogs. Nagpaalam akong iihi lang bago umuwi.

Pumasok ako sa loob ng bahay habang ang lahat ay naiwan sa garahe. Deretso ako sa pintuan ng banyo ngunit naka-lock ito. May tao sa loob. Pumihit ako ng pagkakatayo at pumunta sa sofa. Hindi pala lahat naiwan sa garahe. May pumustlip para mauna nang mag-bekslip (bakla + matulog).

Si BY.

Naupo ako dun sa sofang kinahihigaan nya habang sya ay walang malay na natutulog. Napatingin ako sa kanyang muka, sa kanyang labi, at sa banyo kung palabas na ba ang tao doon. Wala ako sa tamang katinuan, malakas ang loob, at nagtatatakbo ang isipan (nagpapalusot).

Walang pakundangan kong hinalikan si BY. Sa labi. At katulad ng dati, siya sa taas, ako sa ibaba na labi.

Ang namiss kong kaibigan. Ang namiss kong mga labi. Ang namiss ko halik. ANG NAPANAGINIPAN KONG HALIK.

In fairness naman sa tulog na BY, gumaganti ng halik. Sandali lamang ang halik dahil narinig ko nang pabukas ang pinto ng banyo. Dali-dali na akong tumayo papunta ng banyo at ng walang makahalata ng kalokohang nagawa ko.

Pagkatapos ko makasagot sa tawag ni Inang Kalibugan Kalikasan, nagpaalam na kami ni Bogs sa mga kaibigan ni BY at sa asawa niya (anniversay pala nila). Pagkalabas ng bakuran nila malabo na ang pagkakatanda ko. Hindi ko na matandaan kung nagbayad ba kami sa jeep, o kung nakapag-goodbye kiss (normal sa amin) ba ako kay Bogs matapos nya ako ihatid sa sakayan ng trycle (normal na ako ang nag-hahatid sa kanya sa sakayan nya ng jeep kaso lasing ako).

Kinabukasan nagkausap kami ulit ni BY. Wala syang natandaan sa ginawa ko nuong gabi. Na normal naman sa kanya na walang alam sa mga nangyayari kapag sobrang lasing. Inamin ko sa kanya kung ano ang nangyari. Ang sagot lang nya:

"Sira ka talaga, may nakakita sayo?"

Yun lang. Nung sinabi ko na walang nakakita, ok na sa kanya. Ayos lang na parang walang nangyari. Balik kami sa normal.

Makalipas ang dalawang araw na pagdedebate kung ikukuwento ko ba, sinabi ko din kay Bogs. Ang reaksyon nya:

"Ah sige, kaen lang ako."

Makalipas din ng dalawang araw natapos din syang kumain. Nagparamdam na ulit siya sa akin.

Pagkatapos nung nangyaring yon. Tuloy-tuloy pa din ang mga pagbisita ng maseselang eksena sa panaginip ko. Nagigising na lang ako minsan sa madaling araw at naaasar dahil hindi natapos ang maiinit na eksena na parang totoo at parang pelikula lang.

Eto lang ang natutunan ko. Ok lang matupad ang mga panaginip ko. Masaya nga eh. Huwag lang matutupad kung kelan sobra akong lasing at hindi ko na matandaan paano ako nakauwi ng bahay.

Thursday, August 19, 2010

Tatsulok na Pag-ibig

Naranasan mo na ba ang maipit sa gulo ng love triangle?

Si BB oo!

Naganap ang eksenang ito matapos mapagdisisyunan ni Badong na hangang kaibigan na lang sila ni Becky.

Nakatagpo ni Becky sa isang bar ang kanyang ex M.U. at ang taong dahilan ng hiwalayan nila ni Badong.


Ang plot ng istoryang ito ay nakabase sa pelikulang A Love Story. Char!

Staring:

BB as Maricel Soriano
Imaw as Angelica Panganiban
Story plot : si BB at Imaw ay mag ex M. U. Si Imaw ay ex bf ni Badong at si Badong ay ang latest na ex M.U. ni BB pero bestfriends na lang sila ngayon... (ulitulitin ang pagbabasa para maintindihan neh!)

Imaw : BB...bakit hndi kayo nagkatuluyan ni Badong.


BB: Hindi mo alam? dba kayo naguusap?

Imaw: Bakit nga?

BB: hindi mo nga alam? ewan ko seo ... alam mo ang dahilan...

Imaw: Sige na bakit nga?

BB : Sige...dahil sayo...mahal ka pa niya...dba binabalikan ka nya?

Imaw : Ayoko na talagang balikan sya...dhil pag binalikan ko sya...alam ko lang na masasaktan ko sya...ayoko nang saktan sya...



Imaw : Sa ngayon naghahanap ako...pero sa pagpaparamdam nya nahihirapan akong maghanap...sa ngayon meron akong karir sa amin...hndi ko rin alam kng gusto nya ako pero umaasa ako na mahalin din nya ko tulad ng pagmamahal ko sa kanya.



BB : Ganyan din ang ginawa ko kay badong...umasa ako na sana mahalin din nya ako tulad ng pamamahal ko sa kanya....minahal ko sya kahit nararamdaman ko na may pagmamahal pa sya sayo...hndi ko pinansin yun dahil umasa nga ako na mahalin din nya ako at makalimutan nya ang pagmamahal nya sayo...

BB: sana lng hndi ka karmahin...maging masaya sana ang story mo...

Imaw: Sino ang mas minahal mo saming 2?

BB: hehe...sori...mas mahal ko sya...alam mo namang yung atin...naghold back ako nun na usual ko lng ginagawa...kaya hndi ako masyadong naapektuhan nun....pero sa kanya nagtake risk ako...nagpakatanga ako...kaya ang sakit sakit...hangang ngayon masakit...hindi kita iniyakan....pero sa kanya...ANU BANG MERON KA NA WALA AKO? MAS MAGANDA AKO SAYO...

Imaw: Nung naging kame ni Badong hindi niya pinapakita sakin na mahal nya ako...na yung tipong magkasama kme parang hindi kame...kilala mo naman ako dba...alam mo ang gusto ko...

BB : Yun naman ang pinagpapasalamat ko kay badong...oo may nagsabi na sa akin na ganun sya sayo...hindi ko pinansin yun...at naramdaman ko na espesyal ako sa kanya...ayaw nya ng PDA dba? pero naging sweet sya sakin nung mga panahon na iyon...cguro yun lng ang lamang ko sayo..o hindi ka lang marunong mag-appreciate?

 BB
: Kilala mo naman ako dba......at ok naman tayo ngayon sa kbila ng nangyari...



Imaw : Yung sa atin...hiniwalayan kita dhil sa issue na gusto lng kita dahil mayaman ka..na sinasabi nila bakit ayaw ko daw sayo eh mayaman ka naman..


BB: Yun nga ang problema.....nagtataka ako kung san nanggaling ang issue na yan na mayaman ako...oo may trabaho ako...pero hndi ako mayaman...natural may may pera ako sa inyo dhil estudyante kayo...

BB: Bakit ayaw mo syang balikan...?

Imaw: Dahil magkakasakitan lang kme...masasaktan ko lang sya...kaya nung nalaman ko tungkol sa inyo...sinabi ko sa kanya..

BB : Baka siniraan mo ako ah (bintangero mode)

Imaw: Wala akong sinabing masama tungkol sayo....sinabi ko sa kanya sana maging masaya kayo...sobrang bait mo...at nagkakaunawaan kayo...kilala kita...pag mahal o gusto mo ang isang tao...susundan at susundan mo sya...hndi tulad ko..anu ginawa ko sayo nun...iniiwan kita...at si Badong seryoso din sya magmahal...pareho kayo

BB : Mahal ka pa nya.....alam mo bang nagaaway kme lagi dahil lagi nyang sinasabi na panget sya...bakit? dhil sinabihan mo sya once na panget sya...

Imaw: Sinabihan ko syang panget noon para hiwalayan na nya ako..

BB: Sobrang apektado sya dun na laging kmeng nagaaway sa bandang huli sinabi ko na lang "o cge panget ka, pumapatol ako sa panget"..

BB: Mahal mo pa ba sya?

Imaw : Sa ngayon may karir nga ako sa amin...sinisikap kong makahanap tlaga ng akin..pero nahihirapan ako pag nandyan si Badong..

BB : Mahal mo pa sya dahil hndi ka mahihirapan kng hndi mo na sya mahal..

Imaw: Siguro nga konti.. pero sa ngayon ayoko na syang balikan..

BB: Alam mo gusto kong magalit sayo pero hndi ko magawa...sa totoo lng ingit na ingit ako sayo dahil ikaw ang piniling mahalin ng taong minamahal ko...ang ganda mo!

Imaw: Akala ko ba sabi mo mas maganda ka?...

BB: Oo sa mata ng karamihan pero kay Badong mas maganda ka...at hindi mo kasalanan na mahalin ka nya, katulad ng hndi din kasalanan ni Badong na mahalin ko sya....


*disclaimer : nakainom na ng 8 bote ng redhorse si BB ng nangyari ang mga yan...kaya lashing sya....

anu pang hinihintay nyo? tambling na!

Ang Unang B...si Badong

Si Badong.

Ang unang nakarelasyon ni Becky mula sa isang clan. Ang unang nagpamulat kay Becky kung paano ang relasyon sa mga katulad nilang taga 3rd world. At ang unang dahilan bakit natuto si Becky magsulat ng blog.

Nagkakilala ang dalawa isang araw bago ang araw ng mga puso. Ito ay sa pamamagitan ng txt. Myembro kasi sila ng isang clan ng mga taga Globo. Mabilis nagkapalagayan ng loob ang dalawa. Pinagtatawanan nila at pinagti-tripan nila ang mga taong pinipilit magkaroon ng bowa para lamang makapag-celebrate ng Valentines.

Makalipas ang 3 araw, tapos na ang Valentines, napagkasunduan nilang maging mag M.U. Kahit hindi pa nagkikita ang dalawa bukod sa mga pictures na pinadala at palitan ng friendster account  (hindi pa uso ang fezbuk nun), nagkasundo sila na magkaunawaan. Ibig sabihin bawal lumandi sa iba lalo na sa mga kasamahan sa clan.

Hindi naging madali ang pag-amin ng dalawa sa mga kasamahan sa clan. May commoner pla kasi sila. Ang huling bowa pla ni Badong eh ang huling naka-M.U. ni Becky at pinangalanan ko syang, siya si Imaw. Diba pasahan lang ang tyismis.Nalaman lang yun ng dalawa pagkatapos na nilang magkaunawaan. Naging ok naman din kinalaunan. Tanggap naman ng lahat na ganun talaga madalas minsan sa clan, nagkakapasahan ng bowa.

Dumaan ang isang buwan, birthday na ni Becky. Sa mga panahong lumipas, 2 beses lamang sila nagkita at wholesome date pa. Lumabas sila at dumayo sa isang inuman para salubungin ang birthday ni Becky. Naging masaya ang ang Becky dahil sa kaarawan nya nung taon na yun, nakasama nya ang kanyang pamilya, mga kaibigan at unang beses nyang nagkaroon ng espesyal na tao sa kanyang araw. At nun din nya nakilala si Boss Ice.


Ngunit kinaumagahan matapos ang kaarawan ni Becky, may natanggap syang txt mula kay Badong.

Badong: "Boss pasensya na, hayaan mo muna akong makapag-isip. Magulong magulo pa isip ko ngayon. Lie -low muna ako. Sana maintindihan mo ako, pasensya na."

Nagulat ang Becky


BB:  "Badong hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang alam ko lang ay hindi ko gusto ang nararamdaman ko ngayon. Maintindihan? Wala akong choice kundi intindihin ka. Don't worry about me, I'll be okay. Ingat ka palagi."


Nag-aantay ng reply


Badong: "Sana maging friends parin tayo."

BB: "Yun naman ang sabi ko sayo dati diba? Kung hindi mo ako kayang mahalin kaya ayaw mong maging officially na tayo, maging friends na lang tayo. Kaso ayaw mo gusto mo M.U. Ngayon tatanungin mo ako kung pwedeng friends na lang kung kelan mas na-fall na ako sayo. Sige friends tayo."

Kaloka nanumbat pa, pumayag din pala.


Badong: "Ok po, salamat. Ang bait mo talaga. Boss aaminin ko sayo, may feelings pa rin ako kay Imaw."

Nakumpirma ang hinala ng Becky.

Kinagabihan, nakipag-inuman si BB kasama ang bago nyang friend na si Boss Ice.

Lumipas ang mga araw na parang wala namang pinagbago ang samahan ni Badong at Becky. Patuloy ang pag-uusap, pangingialam sa isa't-isa. Parang mag M.U prin sila. Kaya ang Becky, litong-lito na. Anu ba talaga?

Hindi na nya nakayanan. Hindi sya magkapag-move on sa ganung set-up. Kaya naglakas loob syang magpaalam kay Badong. Ti-nxt nya ito. (Bandang tanghali)

BB: "Badong, salamat sa atensyon, oras at kung meron man, pagmamahal. Gusto ko muna magpaalam sayo. Nung nagdesisyon tayo na maging magkaibigan akala ko kaya kitang mahalin bilang kaibigan lang. Hindi ko pala kaya. Sa araw-araw nasasaktan ako dahil sa hangang ngayon umaasa parin ako na sa paglingon mo sakin, makita mo ako as more than a friend. Hangang ngayon mahal parin kita tulad ng dati."

"Wala ka pong kasalanan. Hindi mo kasalanang mahalin kita. Basta if you need me, I'm still here. Just a text away."

"I Love You"


Nag-antay at kabang-kaba ang Becky sa paghihintay buong hapon ngunit walang dumating na txt.




(Before Midnight)





Badong: "Boss musta? Bakit hindi ka nagttxt? Laki ng pinagbago mo ah!"


Nagtataka ang Becky


BB: "Wala ka bang nareceive saking txt kaninang lunch?"

Badong: "Wala ata. Busy ako nun".

Tumambling ang Becky habang tumatawid ng alambre


BB: "Sige kunwari wala akong tinxt sayo kanina. Kamusta ang araw mo?"


Naloka ang Becky sa tagpong iyon. Wala syang kamalay-malay na may mga mas nakakaloka pang tagpo ang magaganap sa kanyang buhay. Nagpatuloy ang pagiging magkaibigan lang ni Badong at Becky. Matalik na magkaibigan na hindi umabot sa pagiging magkatalik na magkaibigan. Kaya naman pala na mag-move on kahit patuloy ang pagkakaibigan. Hangang ngayon bukas ang komunikasyon sa pagitan ng dalawa kahit pa hindi na sila myembro ng clan. Nagttxt, nagtatawagan, minsang nagkikita at nag-iinuman, pinapakilala sa kung sino man sa kanila ang may bowa. Hindi na Boss at Badong ang tawagan nila kundi  Bes na.



Sa mga naging relasyon ni Becky, natutunan nya na kapag nagmahal ka, hindi na mawawala ang pagmamahal na yun. Nagbabago lang ang priorities mo. At natutuon sa iba ang atensyon mo. Pero ang espasyo nila dyan sa puso mo ay mananatili.

(Natatawa na lang ako tuwing nababasa ko ang pangyayaring ito sa journal ko)

Wednesday, August 18, 2010

Ang Ikalawang B...Si Boss Yelo

Ice  ang paborito ni Becky na type ng lubricant ni Becky


Nagkakilala sila nung gabi ng salubong sa kaarawan (March) ni Becky tatlong taon na ang nakakaraan. Inuman yun kasama ng mga kaibigan nya at iba pang kakilala.

Mabilis silang nagkapalagayan ng loob. Ikalawang gabi pa lang ng kanilang pagkakakilala, nakapagkwento na si Ice kay Becky ng kanyang talambuhay. Simula din nun naging Boss ang tawagan nila.

May itsura si Ice. Singkit, maputi, halos magkasing tangkad sila, payatot at may sabit! Sya ay may asawa at anak. Kinuwento nya na napilitan syang pakasalan ang bilat matapos nya itong palunukin ng pakwan. Ayun si bilat, tatlong beses lumunok ng pakwan. Ngayon merun na silang 3 cute na mga anak, 3 na pusa at 4 na aso. Hindi lang alam kung ano ang nilunok ni bilat para makabuo ng mga pusa at aso. 

Sweet na kaibigan tong si Ice. Merung binigyan nya si Becky  ng stuff toy na galing McDo, baso na gusto ni Becky na magkaroon na galing din sa McDo, magkasama sila sa bawat lakad at bawat inuman. Araw-araw sila magkausap na nauwi sa halos araw-araw na pagtambay, inuman at pagtulog ni Ice sa bahay ni Becky. Magkasundo sila sa madaming bagay. Naging matalik silang magkaibigan.

At syempre, I'm falling for you ni mareng Toni G ang kinakanta ng Becky! Handang makisabit sa taong may sabit.

Naging madali sa kanya na umamin na mahal nya si Ice. Dahil yun sa panunukso sa kanila ng mga taong nakapaligid. Buong akala nila ay sila na, kaya ang Becky, pinapangatawanan ang pagiging "SILA".


Anim na buwan ng pagkakaibigan ang nakalipas, tumaas ang level ng pagkakaibigan nila. Buong araw silang magkasama. Nanood sila ng sine at si Becky umabsent pa para lang makapanood sila ni Ice ng "A Very Special Love". Paborito kse nilang pareho si Sarah G. Pagkatapos nilang manood ng sine, direcho sila sa bahay ni Becky at tulad ng dati, inuman at puyatan. Ayos lang naman dahil dun ulit matutulog si Ice.


Napagdiskitahan ni Ice na manood ng DVD na m2m. Ayaw nyang papanuorin si Becky dahil baka macorrupt ang isip nito. Kaya si Becky pinatabi na si Ice sa kanya dahil gusto nyang may kayakap sa pagtulog. Sa init ng kwarto, hindi napigilan ng nanonood na si Ice at ang nagtutulug-tulugang si Becky na madala sa palabas.


Makalipas 11 taong pinagkaingatan ni Becky ang kanyang pagkadalisay (hindi po minor si Becky, 25 na sya, 11 years yung huli nya kaya sumara na), muli nyang naihain ang kanyang bibingkang pinagkatagotago. At makalipas ang anim na buwang pagkakakilala, ang matalik na magkaibigan, naging magkatalik na kaibigan.


Maraming beses pa ito naulit. at makalipas ang isang buwan, ang matalik na magkaibigan na naging magkatalik na magkaibigan ay naging magkatalik na magkasintahan na din.

Kaya ang Becky, kinarir na ang pagsabit sa taong may sabit. Nun lamang sya nakaramdam ng ganung ka-high na pakiramdam ng dahil sa pag-ibig. Isama mo pa ang maligaya nyang paghahain ng bibingka sa gabi-gabi. Para lamang syang tumitira ng droga na na-adik kay Ice.

Pero katulad ng ibang relasyon, hindi lang puro ligaya at sarap. Maraming nangyaring di pagkakaunawaan sa pagitan ng mag-Boss. Nandyan yung iyakan. Walk-out moment. Indianan sa araw ng monthsary. Break-up na tumagal ng isang araw. At madami pang iba.

Hangang mauwi sila sa tuluyang paghihiwalay.

Matapos ang pag-hihiwalay na yun, 6 na buwan silang walang komunikasyon. Hanggang nangyari ang trahedya ni Ondoy.

Parehong taga Marikina ang mag-Boss. Kaya ng nanalasa ang Ondoy, nabuksan ulit ang komunikasyon sa pagitan ng dalawa sa pamamagitan ng txt.

Unknown Number: Boss kamusta kayo dyan ano nangyayari sa inyo?

Boss Becky: (nagtataka kung sino ang nagtxt, napansin ang pagtawag sa kanya ng Boss)

BB: Ok naman po kami Boss, eto nandito kami sa 2nd floor camping, baha na sa buong 1st floor namin. Sa inyo kamusta? Ayos ba kayo ng mga bata?

Boss Ice: Nandito ako sa opisina stranded. Ok naman sa bahay walang baha.

Magmula nun naging magkaibigan na muli ang mag-Boss.

Sa ngayon magkaibigan na lang muna uli sila.

Pero kung si Becky ang tatanungin mo. Kung may one great love syang naranasan sa kanyang buhay? (Umaasa sya na may higit pang dadating)

Si Boss Ice yun. : )